CHAPTER 12

3 0 0
                                    

Angel's POV

After 123456789 years nakabawi din sila sakin. Masyado silang naging busy at lagi nilang pina pa move yung pagbawi nila sakin. Akala ko nga hindi na matutuloy eh

I feel so lucky. Last week bumawi sakin si Harold, ngayon naman si Mommy. Kikilalanin ko siya. Alam ko namang sobrang busy siya at maswerte ako kasi hinanapan niya ako ng oras para saming dalawa. Sabi niya hindi niya na daw kayang ibalik yung mga oras na nasayang niya pero kaya niyang punan ngayon yung mga pagkukulang niya.

We're on our way to Bicol. gusto niya daw ako ipakilala sa iba pa naming kamag-anak. Kasama namin yung katulong namin saka si Michael. Siya kasi yung nagddrive.

"Kamusta ka naman nitong mga araw na wala ako anak? " sabi niya. "Pasensiya na talaga biglaan kasi yung business trip ko eh. Nagkasunod-sunod pa" paliwanag niya.

"Okay lang naman po. Nakakapanibago lang po talaga. Sobrang tahimik kasi sa bahay " sabi ko.

"Pasensiya na hindi ko kasi kaya ng wala si Aling Poling(yung katulong namin)" paliwanag niya pa.

"Ah okay lang po. Sinamahan naman po ako ni Michael para hindi ako mabagot. " sabi ko.

"Michael salamat hah" sabi niya kay Michael.

"Wala po yun ma'am " sagot ni Michael

At tuluyan nanga kaming nagbolahan sa loob ng sasakyan.

"Malayo pa po ba? " tanong ko. Aba kanina pa kami nasa byahe eh.

"Malapit na" sagot ni Michael.

"Kanina mo pa sinasbi yan eh" sabi ko.

"Wag mo kasi akong pagkakatiwalaan. " sabi niya. Tumawa sila pero alam kong sinabi niya yun intentionally.

Natulog nalang ako.

Earphones in.

Volume up.

Ignore the world.

Awkward parin kasi ako kay Michael. I don't wanna judge him but I really don't like the idea na hindi siya naniniwala kay God. But I have to help him. He needs someone to remind him how deep is the love of God for him and I guess, I can be that someone.

Nakatulog nako nang naramdaman kong may natapik sakin.

"Angel, nandito na tayo" sabi ni Mommy.

Bumaba nako.

"Aliah, kamusta ka na? " may magsabi. Hindi ko kilala "Bakit naman hindi ka nagpasabing dadating ka? " dagdag pa niya.

"Naku pasensiya na po. Biglaan kasi saka masyado akong busy" paliwanag ni nanay. "Tiya Rosita, anak ko nga po pala. Si Angel" pinakilala ako ni nanay. "Anak, siya ang kapatid ng lolo mo. Si Tiya Rosita" pagpapakilala niya naman kay Tiya Rosita. Bakas sa mukha nung babae yung pagtataka. Sa tingin ko nga iniisip niyang nag-ampon si Mommy ng anak-anakan. Sino nga ba namang hindi magtataka na may ipapakilalang anak eh ni hindi nga nila alam na nabuntis. Iniwan ko muna sila para magpaliwanagan. Ayaw kong makisali sa usapan nila eh. Naiilang ako.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? " biglang may nagsalita. Si Michael pala.

"Nagkakapaliwanagan pa sila eh. Family meeting " sabi ko.

"Oh eh bakit hindi ka sumali? " tanong niya.

"Naiilang ako" sagot ko.

"Bakit ka naman maiilang? " tanong niya.

"Mahirap din pala maging mayaman ano? Akala ko dati mahirap maging mahirap pero iba din pala maging mayaman" sabi ko. "Lahat ng bagay dapat proper " dagdag ko.

"Anong ibig mong sabihin? " tanong niya.

"Natatakot nakong magkamali. Pakiramdam ko kailangan ko nang bantayan lahat ng kilos ko. Nakakahiya kasi sa kanila eh. Hindi pa naman ako sanay sa sosyalan " sabi ko.

"Bakit ka naman mahihiya? Diba nung isang araw tinuruan mo akong maging ikaw, masaya kaya. " sabi niya.

"Yun nga eh. yun ako. parang hindi ko kayang baguhin kung sino ako" sabi ko.

"Edi wag" sabi niya. "Angel, hindi ikaw ang humiling na kuhain ka ng Mommy mo. Siya ang may gustong makasama ka. Kaya kailangan tanggapin ka niya kung sino ka. Kung hindi niya kayang gawin yun, edi bumalik ka sa dati mong pamilya. Wag mong hayaang mabuhay ka sa mundong kailangan lagi kang may patutunayan. Siguraduhin mong nandun ka sa lugar na tanggap ka kung sino ka. " sabi niya.

"Okay ang word of wisdom natin ah. " sabi ko .

"Pumasok ka na sa loob baka hinahanap ka na ng Mommy mo. " sabi niya.

"Sige. Salamat hah". sabi ko

Feeling ko talaga mabait si Michael. Siguro masyado lang talaga siyang nasaktan. Anggaling niya mag-advice Eh. Parang hasang hasa na ng problema.

Naging mabait naman sakin si Lola Rosita. Naginsist panga siya na pumasyal daw kami sa mga liguan dun para naman hindi masayang ang punta namin. Dinala niya kami sa isang Ilog na hindi ko matandaan yung pangalan. Maganda yung lugar. Anlamig ng tubig. May falls pa. Maganda talaga. Maganda din sa view yung mabato. Naakit ako kaya pinuntahan ko.

"Angel are you enjoying? " tanong sakin ni Mommy.

"Opo. Tara po magpipicture" sabi ko.

And there we had our very first picture together.

Hindi nagpaka kj si Mommy at sinamahan ako maligo sa ilog. Kasama nga din namin si Aling poling saka si Michael. Nung una talaga lahat sila ayaw maligo eh. Pero mukha naman akong tanga ng pavery light kung maliligo ako mag-isa diba? Wala nadin silang nagawa at walang nakaligtas sa kakulitan ko kaya napaligo ko silang lahat.

I had so much fun.

Dahil naakit talaga ako dun sa mabatong spot, pinuntahan ko. Actually gusto ko lang talaga ng perfect background para sa selfie kaya lang sobrang lamig pala ng tubig dun kaya eto pinulikat ako. Nabitawan ko din yung cellphone ko kaya ayaw ng gumana. Bawat gagamutin ko yung paa ko, iapak ko palang nasakit na naman.

"Anak may problema ba? " tanong ni nanay

"Wala po. Pulikat lang" sabi ko.

Lumapit sakin ai Michael.

"Masyadong malamig ang tubig sa part na toh. Madulas pa ang mga bato." sabi niya. "Pumasan ka na sakin" alok niya.

"Hindi na. I can manage" pagtanggi ko.

Pero ipinasan niya parin ako sa likod niya.

"The least you can do ay wag maging malikot para hindi ako madulas ha" sabi niya.

"Okay " pagsunod ko.

Pagdating namin dun sa malapit kina Mommy saka niya ako ginamot.

"Angel are you okay? " tanong ni Mommy.

"Opo Ma, Pulikat lang po ito" sabi ko. "Saka ginamot na po uli ni Michael yung paa ko. " dagdag ko.

"Are you sure? " tanong niya uli.

"Opo. Kaya ko nanga pong magsayaw ng jive eh" sabi ko sabay sayaw just to prove okay ako.

Pinagtawanan lang naman nila ako.

Naging masaya din naman ang naging bonding ko with my other relatives. Mababait naman pala sila eh. Pinanggawa panga nila kami ng pili bago kami umalis. Ansarap!

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon