Michael's POV
Sa sobrang hirap ng buhay ko, hindi pwedeng isa lang ang trabaho ko. Nag apply ako sa isang family friend. Naawa siguro sakin kaya kinuha akong driver nila. Maayos naman ang sweldo ko dun eh kaya lang medyo. malaki na ang utang namin kaya kailangan kong magdoble kayod. May nakita akong job hiring sa isang restaurant kaya nag-apply ako. Maswerte parin ako kasi natanggap agad ako at napakiusapan ko yung may-ari na panggabi lang ako.
Dito ko nakilala si Trisha. Maganda siya at hindi ako nagpahiya-hiya kaya kinausap ko siya.
"Uuwi ka na? Gabi na ah? Wala ka bang kasabay? " tanong ko
"May hinhintay ako. " sabi niya.
"Boyfriend? " tanong ko.
"Boy na friend. " sabi niya.
"Eh ang boyfriend mo? Hindi ka ba susunduin? " tanong ko.
"Wala akong boyfriend" sagot niya
"Sa ganda mong yan wala kang boyfriend? " pambobola ko.
Ngumiti lang siya tapos dumating na yung sundo niya.
"Sorry Trish traffic kasi" sabi niya.
"Oh eh ano panga ba. Tara na?" sabnini Trisha
"Tara" sabi sung sundo niya.
Actually hindi pa talaga kami dun nagkakilala. Kinabukasan kasi, pareho kaming night shift . Nung tapos na ang trabaho, nag-offer ako na ako na ang maghahatid sa kanya. Pumayag din naman siya. Naiwan niya panga yung ID niya sa kotse ko ehh. Nakuha ko tuloy yung contact number niya. Tinext ko siya, kinulit hanggang sa naging kami. Masaya siyang kasama at alam kong nage-enjoy din siya sa pambobola ko.
Pero gaya ng sabi ko, wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kundi sarili mo. At nagkamali si Trisha sa pagtitiwala sakin. Gusto ko siya pero hindi ko siya mahal. Ang masaklap pa, madami silang gusto ko. Ginawa kong libangan sa boring kong buhay ang pambababae. Kaya kung iniisip niyong niloloko ko lang si Trisha, hindi kayo nagkakamali.
"Michael, this is my daughter, Angel. Simula ngayon siya na ang ipagddrive mo hah. Pakibantayan nadin hah. " sabi ni Ms. Aliah, amo ko. Sila yung pinagddrive ko. Maghapon ang duty ko dito.
"Angel, siya ang driver mo hah. Meet Michael. Here's your credit card. If ever na may gusto kang bilhin wag kang mag-alinlangan anak. Babawi ako sayo sa weekend. Pasensiya na talaga. May inaasikaso lang ako sa kumpanya" sabi ni Ms. Aliah kay Ms. Angel.
"Okay lang po Ma. I'll be fine " sagot ni Ms. Angel.
At umalis na si Ms. Aliah. Teka. Sa tinagal tagal kong nagttrabaho sa kanya, hindi ko alam na may anak pala siya. Pero sabagay magkamukha sila. Angganda niya. Maamo yung mukha. Matangos ang ilong, bilugan ang mata. She looks so angelic. Bagay sa kanya yung pangalan niya.
"Ma'am tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo. Labas lang po ako. " paalam ko
"Aba teka. Iiwanan mo ako? Gusto mo bang kausapin ko yung sarili ko? " tanong niya.
"May kailangan po ba kayo? " tanong ko.
"Wala. Pero anlaki kasi nitong bahay tapos wala manlang tao" sabi niya na halatang malungkot.
"Busy po kasi ang mga tao dito. Simula nung mamatay yung lolo mo, Mama niyo na po yung humawak ng kumpanya niyo. Wala nga po akong alam sa relatives niyo ehh. Ngayun ko ngalang nalaman na may anak pala siya" sabi ko.
Napatawa siya.
"Wag kang mag-alala nito nito ko lang din naman nalaman na anak niya ako eh. "It's a tie ".
She's kinda weird.
"May gagawin ka ba? " tanong niya. Ano ba to?
"Kung may ipapagawa po kayo" sabi ko. Totoo naman diba? Siya ang boss ko ehh.
"Ayy, driver nga pala kita noh? Pasensya ka na hindi kasi ako sanay eh " sabi niya. "Saka pwede ba wag mo na kong "po"-in. Mas matanda ka pa naman sakin. Hindi kasi ako sanay. Magbibihis lang ako hah. May pupuntahan tayo" sabi niya. Inayos ko na yung sasakyan.
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after