CHAPTER 16

2 0 0
                                    

"Kapag mahal mo, hilahin mo. Wag mong hayaang itulak siya ng hangin papalayo sayo. Hilahin mo. Wag kang bibitaw.

Napanood ko lang yan sa movie. Medyo bakla pakinggan kapag sakin nanggaling. Pero okay lang. Sinasabi ko parin.

Ang life talaga minsan parang buhay. Akala mo pinaglalaruan ka pero pinatatatag ka pala. Akala mo mag-isa ka, meron ka palang kasama na nasa taas. Basta dapat, lumapit ka. Wag kang bibitaw, kasi hindi ka din niya bibitawan. Kasama mo siya kahit hindi mo Siya nakikita.

I learned it the hard way.

Galing ako sa yaman tapos biglang hirap. Sinisi ko ang tatay ko, kalaguyo niya, lahat na sinisi ko. Nagawa ko ngang kalimutan si Lord eh. Siguro ganun naman talaga kapag hindi naibigay ang gusto natin diba? Magmamaktol tayo. Pero dahil mahal Niya ako, hindi Niya ako pinabayaan. Pinadalhan Niya ako ng anghel para paalalahanan akong mahal ako ng Diyos. Noong una ayaw ko sanang maniwala. Pero makulit yung anghel na pinadala niya saka iyakin. Napilitan tuloy akong pakinggan saka tingnan yung pinapakita niya. Dinala niya ako sa paraiso. Ipinakita niya sakin kung gano kaganda ang mundo kung maniniwala ako kay God. Nakita ko. Kaya ngayun, masaya ako. Masaya akong nagtitiwala na hindi tayo pababayaan ni Lord. Dapat ganun din kayo.

Kahit mahirapan kayo, wag kayong magdadalawang isip na tumingin sa taas at humingi ng tulong. Hindi niyo kayang mabuhay ng wala Siya. Believe me I tried. Unfortunately, I failed. At napatunayan kong sobrang mahal Niya ako. Na kahit nagkamali ako, tinanggap niya padin ako. Kaya magtiwala lang kayo sa Kanya kasi mahal niya kayong lahat"

"Pag po ba nagkamali kami, papadalhan niya din kami ng anghel? " tanong ng bata.

"Pag nagkamali kayo, tutulungan Niya kayong itama ang pagkakamali Niyo" sabi ko.

Katatapos ko lang mag speech sa mga bata sa foundation na tinayo ko. I guess I have to accept the fact na ang anghel nanagpakita sakin noon, malaki man ang parte sa pagkatao ko ngayon, ay bahagi nalangng nakaraan ko ngayon. People come and out. It has been years simula nung huli kong makita si Angel. Nung gumaling kasi si Mama, nagdecide siyang patigilin ako sa pagttrabaho at ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Second chance niya na daw kasi sa life and she wanna do it right this time. Nagdecide siyang kunin kay papa yung iba niyang pera para makapagtayo ng bagong negosyo at yun yung binuhay niya sakin.

Nung maka graduate ako ng college, ako ang nagtuloy dun sa business na tinayo ni Mama . Fortunately, napalago ko ito. Hindi naging ganun kadali kasi madami din talaga akong pinagdaanan eh. Pero okay lang. Today, I'm a successful businessman. Nagdecide nadin akong magtayo ng foundation. It's the least I can do para naman maibalik yung blessings sa buhay ko.

It's a sunny day. Lord, Ikaw na ng bahala sakin hah.

Pagkatapos kong magbigay ng speech sa foundation, dumiretso nako sa opisina. May business meeting pako eh.

"Sir eto na po yung pinapatapos niyo kahapon" bungad sakin nung secretary ko.

"Ah sige. Salamat" sabi ko.

"Sir may meeting po kayo mamaya with our investor, remind ko lang po kayo. " sabi niya.

"Yeah. Pakiready nalang yung room pati yung presentation " sabi ko

"Okay na po sir. Within 30 minutes padating nadaw po yung representative from Santos corporation" paalala niya.

Angkulit ng sekretarya ko ano? Paulit-ulit. She remind me so much of Angel kaya hindi ko siya pinapatalsik. corporation

Teka, sino daw yung padating? Mula sa Santos corporation? Hindi kaya.?

"Missy, how do I look? " tanong ko sa secretary ko.

"You look good sir as always" sabi niya tapos pa cute.

Naghanda ako. Kung tama ang hinala ko, si Angel ang makakameeting ko. Aliah Santos kasi ang pangalan ni Ma'am Aliah sa pagkakatanda ko at Santos Corporation ang pangalan ng kumpanya nila.

The meeting starts and ended. I end up being disappointed. Well, naiclosed ko naman yung deal, the problem is, hindi si Angel yung kameeting ko.

"Thank you so much Mr. Ramires" sabi niya sakin.

"Thank you so much Mr. Santos" sagot ko.

"Ahm, oo nga pala, Ms. Angel Santos wants to say hi. Nakikikamusta siya sayo" sabi niya.

Para akong naparalyze .

"Angel Santos? " tanong ko.

"I thought you know her. Naikwento niya sakin na naging magkaibigan daw kayo dati" sabi niya. "Baka ibang Michael ang tinutukoy niya. I'm sorry "

"How is she? " sabi ko. "She's a very good friend of mine before kaya lang nawalan ako ng balita eh" sabi ko.

"She's great. She's doing fine" sabi niya. "It's her birthday today actually. Papunta ako. " dagdag niya.

"Would you mind if I join you? To greet her atleast" sabi ko

"Not at all" sabi niya.

Yes! Makikita ko na uli ang anghel ko. Sa wakas.

Kinakabahan ako sa totoo lang. May asawa na kaya siya? Boyfriend? Ano na kayang itsura niya? Pero bakit hindi siya ang naghohold ng Santos Corporation? Hindi kaya asawa niya itong katabi ko ngayon sa sasakyan.

I don't have the guts to ask.

Tama nga kaya ang hinala ko? Well, she deserves someone to take care of her. Sino nga ba naman ang hindi maiinlove kay Angel Santos diba?

"We're here" sabi sakin nung kasama ko.

Sobrang excited ako kanina. Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba?

"Mr. Santos " tawag ko.

"Joshua nalang" sabi niya.

"Are you sure okay lang na sumama ako dito? I mean I don't have invitation " sabi niya.

"Let's just say that I invited you " sabi niya. Mukhang tama nga ang hinala ko. Mukhang sobrang close talaga sila ni Angel eh. Siya pa ang nag-invite sakin. Well gwapo naman siya, mas gwapo ngalang ako. Approachable. At hindi mukhang walang modo. Pero bakit ambigat parin sa loob ko? Wala naman akong special na nararamdaman para kay Angel ah? Wala nga ba?

"Joshua bakit ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay" sabi nung isang lalaki" may bisita ka? " tanong niya pagkakita niya sakin.

"Siya si Mr. Ramires" sabi ni Joshua.

"Michael nalang" sabi ko sabay abot ng kamay.

"Harold " sabi niya sabay abot din ng kamay. "Feel at home hah. Hihiramin ko lang si Joshua. May aayusin lang kami" sabi niya.

"Sige lang" sabi ko.

Napapaisip tuloy ako kung tama bang pumunta pako dito. Siguro nga sa panahon ngayon hindi na uso ang happy ending kasi mas trending na ang reality. Sapat na sigurong minsan sa buhay ko, may dumating na Angel Santos para baguhin ang pananaw ko pero kailangan kong tanggapin na iba na ngayon. I will forever be grateful of her existence but I have to let go of her. Definitely maybe.

I take a step away . Ang parte ng buhay ko na kasama si Angel, matagal ng natapos. Matagal ng lumipas. Habambuhay ko itong pasasalamatan pero siguro nga hindi na namin kailangang magkita uli. Goodbye Angel. Salamat. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon