I take a step away . Hindi ako dapat nandito.
"Oh san ka pupunta? Hindi pa naguumpisa ang party ah? "
That voice sounds familiar.
"Angel? " sabi ko.
"Oh bat para kang nakakita ng multo? " sabi niya.
"Happy Birthday " sabi ko. Na speechless ako tyong. Lalo siyang gumanda.
"Thank you. Regalo ko? " sabi niya tapos ngumiti siya. That unique smile is what I miss the most.
"Biglaan yung pagpunta ko dito eh. Hindi nako nakabili" sabi ko.
"Sa korte ka na magpaliwanag. " sabi niya.
"Sige I'll call my attorney " sabi ko.Teka .Pwede kong iregalo sa kanya yun ah? "Wait, May gift pala ako sayo. Kukunin ko lang hah. Wait for me. " sabi ko. May naalala kasi ako.
"Mabilis ka lang ba? " tanong niya.
"Just an hour. Malapit lang naman dito yung kukunan ko. " sabi ko.
"Sasama ako sayo" sabi niya. "Walang kumakausap sakin dito eh. Lahat sila busy " sabi niya.
"Pero ikaw ang celebrant" sabi ko.
"Naniniwala akong mamaya pa mag-uumpisa ang party at alam ko namang alam mo na hindi mo ako mapipigilan kaya wag ka nang tumanggi" sabi niya.
Okay, again, She won.
Dinala ko siya sa dati naming bahay na binili ni Mama nung nag-aaral palang ako. Ginawa ko na kasing tambakan yun ng mga paintings ko.
"Sa inyo ito? " tanong niya.
"Binili ito ni Mama nung nag-aaral pako. Kesa naman daw lagi kaming nagbabayad ng renta nag loan nalang siya ng bahay. Lumipat kami nung naging sucessful yung business na tinayo niya." sabi ko.
"Bigatin ka na nga pala uli ngayon ano? " sabi niya.
Ngumiti lng ako.
"I found it " sabi ko sabay abot ng painting ko sa kanya" This is my gift? "
"Wow wala akong masabi. Thank you. Ang ganda. Salamat talaga" manghang manghang sabi niya.
"You're welcome " sabi ko tapos inayos ko na uli yung mga paintings. Nakita niyang karamihan dun sa mga paintings ko ayy siya ang nakapinta.
"Hindi ka naman masyadong patay na patay sakin anoh? " sabi niya. Napatameme ako. "Joke lang" bawi niya.
"Wala nakong naging balita sayo eh. Hindi manlang kita napasalamatan. Dinaan ko nalang sa paint lahat ng memories mo. Ni wala kasi ako kahit picture mo eh" sabi niya.
"Bakit mo ako pasasalamatan? " tanong niya.
"Ikaw lng naman ang nangulit sakin para magtiwala uli kay God and I am forever grateful for that" sabi ko.
"Ahh Don't mention it. It's my pleasure " sabi niya.
"Malaking bagay yun hah. Ibang iba ang buhay kapag may tiwala ka sa Diyos" sabi ko.
"Sige na nga. You're welcome na. " sabi niya.
"Tara na. Baka hinahanap ka na dun? " sabi niya.
" Tara. Hindi mo ba ibibigay sakin yung iba mo pang paintings? " tanong niya.
"Saka na sa next birthday mo na" sabi ko.
At kumaripas nako ng pag ddrive pabalik. Wala kasing binawas ang kakulitan ni Angel eh.
"Ambilis mo naman masyado magpatakbo" sabi niya. "Safety first aba"
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after