chapter ten

14 2 8
                                    

The days went fast after what happened at the mall, the gap between River and I changed, kung noon ay nagagawa niya pang hawakan ako o akbayan, ngayon ay ni tingnan ay hindi na niya magawa sa akin.

I don't know why but it bothers me a lot, kapansin-pansin kasi ito lalo na sa mga pinsan niya.

"Oh bakit na-late ka yata ngayon, kuya? Hindi ka nakabuntot kay ate Cale?" tanong ni Rianne sa kuya niyang kararating lang, tanging inner shirt na lang ang naroon.

Napatingin ako sa kanya kaya halos dumagundong ang dibdib ko nang matagpuan ang mga mata niya na nasa akin rin.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at kinuha na lang ang orange juice na nasa mesa.

Friday night, nandito kami sa bahay ng magpipinsan. Nagkaayayaan na maglaro ng uno kaya lahat kami naroon, tanging si River lang ang nawala kanina.

"I got bored," umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Ryle, kapatid ni Ken. "Nag-com shop ako at nalibang kaya natagalan."

"I bet you are looking for her," biglang saad ni Liam sa gitna ng katahimikan.

"What's wrong with that?" River stops putting food on his plate and give his full attention to his cousin.

Liam shrugged and resume eating the food on his plate. Tahimik ang hapag kaya rinig na rinig ang mga pagtatama ng kutsara at tinidor sa mga pinggan.

I gulped as my phone made a noise, dahil sa nakakabinging katahimikan ay rinig na rinig sa apat na sulok ng dining area ng mga Dela Cuesta ang ingay na ginagawa ng cellphone ko.

I panicked and using my trembling hands I answered the phone. "Jacob."

"You forgot your hard drive with me, I am worried that you might need it kaya nandito ako ngayon sa harapan ng bahay ninyo."

"What? Nandiyan ka sa bahay?" My heart is flipping so hard, mabilis kong hinanap ang mata ni Ken na nakangising-aso sa akin ngayon.

"Sino 'yon?"

"Jacob, sabi niya nasa bahay raw siya. Kinakabahan ako at baka kung ano ang masabi niya kila Mommy."

"Ano ba dapat niyang sabihin?" malamig na tanong ni Riverdale, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Wala."

Inayos niya ang pagkakasalansan ng kutsara at tinidor niya saka tumayo at tumingin sa akin. "Let's go."

Hindi na ako nag-abalang sumagot at sumunod na sa kanya na nauna ng maglakad. Pinapanood ko lang ang kanyang bawat paghakbang habang nasa likuran niya ako. All what we can hear is our steps.

Naabutan namin si Kuya Rey na nagpupunas ng windshield ng kotse. Mabilis niya kami nakita kaya nakangiti siyang tumigil sa ginagawa at pinanood lang ang paglapit namin. "Kuya Rey, hatid ko po muna si Cale."

"Oh, nalinisan ko na ang sasakyan pero ayos lang naman at malapit lang naman ang kay Cale."

Pinasok ni River ang kamay sa bulsa ng suot niyang school uniform pants at saka natatawang inakbayan si Mang Rey kaya napaharap siya sa direksyon ko.

"Maglalakad lang po kami tutal malapit lang naman po."

"Sigurado ka?" Bumaling si Mang Rey sa akin, nagtatanong. "Ikaw Cale? Ayos lang ba 'yon?"

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. Iyon rin naman ang plano ko kanina, ang pinagkaiba lang ngayon ay sinamahan ako ni Ilog maglakad.

Nakakabingi ang katahimikan. Ang kaunting mga ilaw na galing sa street lights lang ang naging ilaw namin. Bale, malapit lang din naman ang bahay namin, nasa kabilang kanto lang kaya alam kong madali kong malalagpasan ang katahimikan.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon