Chapter Fifteen

26 3 6
                                    

We parted ways, kagaya ng gusto ko. Hindi naman sobrang magkalayo, pero sapat na distansiya para sa sarili ko. We eat together, kasi sabay-sabay namin kami ng mga Dela Cuesta sa cafeteria, ang pinagkaiba lang ay hindi na sa akin nakatutok ang atensyon niya. He takes care of her more than how he cared for me all those time, kagaya ng gusto ko at hiniling ko.

I'll be a hypocrite to say that I am in pain because it is what I want. It's for the best. Kasi hindi naman talaga ako ang gusto niya, he likes my twin at kahit parang dinudurog ang puso sa sakit, wala na akong magagawa. All I need to do was to move on...from him... from us... Kahit na wala naman talagang namagitan sa aming dalawa.

"Samahan mo ko mamaya?" napatingin ako kay William sa tabi ko at halos mag-iwas ako ng tingin dahil hindi man lang siya kumukurap habang ang mga mata namin ay nagtagpo.

"Saan?"

He smiled and pinch my cheeks. Napa-irap ako dahil sa ginawa niya. He is always like this. Nawala si Riverdale sa tabi ko, pero hindi nawala ang makulit na pinsan niyang ito. He is always with me. Hindi ko alam kung ramdam niya ako pero sa tuwing may nararamdaman akong kulang, parati siyang nasa tabi ko. He became my absorber, and of course adventure buddy, and god knows how I thank him for that.

"Ice skating, may ipapakita akong bagong trick sa'yo," he was grinning like an skating maniac.

He is a fan of extreme adventures, hindi ko ineexpect 'yon dahil mostly babae lang ang napapansin ko sa kaniya. Unlike Riverdale, he loves to sweat alot, at base sa nakikita ko, cardio exercise ang sex kaya siguro gustong-gusto niya.

"Later after school." Tuluyang naagaw niya ang atensyon ko sa dalawang kaharap. He makes me laugh and tell a lot of stupid and corny jokes. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang mga iyon pero hindi ko man sabihin alam niya na malaki ang tulong niya sa akin.

"Ano ang tawag sa paniking mababa ang lipad?" my mind was haywired because of his questions and answers.

Ipinatong ko na lang sa walang lamang pinggan ang kalat sa lamesa ko at nagtatanong na tumingin sa kaniya. "What?"

"Edi lowbatt."

I pursed my lips and boredly looked at my nails as he laughed his ass out. Nang mapansin niyang hindi ako natatawa ay tumigil siya at sumimangot.

Pinalo ko siya at nginitian bago kami bumalik sa pagkain. We only have two subjects left,kaya by three tapos na klase. At dahil P.E day namin ngayon at panghuling subject ang subject ay may baon akong pamalit kung sakali.

"Smile looks good on you... I hope to see you smile more,"wala na ang mapang-asar na tono at napalitan ng seryosong tono. Unti-unti ay nabura ang ngiti sa mukha ko.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil hindi naman ako sanay na ganito siya kadiretso. Oo, he make advances pero ngayon lang ako naapektuhan ng ganito, dahil alam kong simula ng natupad ang kagustuhan kong layuan ako ng pinsan niya ay nawala na rin 'yung kakayahan kong ngumiti ng totoo.

Riverdale is one of the reason of my happiness. Silang magpipinsan ang tinuring akong pamilya kaya hindi ko ineexpect na mararamdaman ko sa kaniya ang pinaparamdam sa akin ng pamilya ko.

Riverdale made me feel like I'm the second best...that I'm an option and I hated myself because I feel the pain. Para akong tanga na hindi masanay-sanay. I want him by myself but I just can't give him the satisfaction that he wants. He wants my twin, ironic isn't it? Kamukhang-kamukha ko si Kalli, at ang tagal niya akong kasama, pagkatapos, isang kwintas lang ang pinakita, ang kambal na ang gusto niya!

Naglalakad ako sa ulap nang maramdaman ko ang paghawak sa braso ko kasabay ng presensya ng isang tao sa kabilang gilid ko.

Kennedy sighed kaya bumaling ako sa lalaki sa tabi ko nagtatanong. William doesn't have any idea about his cousin's problems kaya sa babae na ako humarap.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon