chapter thirteen

13 3 8
                                    

Natapos ang klase pero hindi na kami nag-usap. I am done. I always acknowledge his protectiveness on me but not anymore. Alam ko na ang immature pero mali ba ako? I just don't want to experience being neglected... most especially by him.

Malayo pa lang sa usual na parking ni Kuya Luis ay nakita ko na ang kakambal ko na kumikinang ang suot. She is wearing her neon-pink halter top dress na hanggang gitna ng tuhod.

Nang makita ang grupo sa likod ko na parating ay mabilis siyang umayos ng pagkakatayo at malawak ang ngiting hinihintay ang grupo.

I took a couple of deep breaths before rashing to thr car. Ni hindi ko na pinansin si Kalliah dahil for sure naman na hindi ako ang ipinunta niya.

Kinuha ko ang aking earpods at saka nagplay na lang ng kanta. I choose my favorite group's winter album, pero traydor ang mga mata ko dahil kusa itong tumitingin kung nasaan ang kapatid ko na kausap si Riverdale.

May kaniya-kaniyang ngisi ang mga naroon. Si Kennedy ay magkakrus lang ang mga braso at nakita ko pa ang pagbuka ng bibig bago pasimpleng umirap.

Hindi naman ako natatakot na makita dahil tinted ang sasakyan namin kaya panatag ako na hindi nila ako mapapansin.

My heart raced as I saw Kennedy walking towards the car where I am in. Huli na para i-lock ang pinto dahil nabuksan na niya. She has that bored look while crossing her arms in front of her chest.

"Nag-aaya ang kapatid mo, star city raw tayo," walang kagana-ganang saad nito. May kung ano sa mata niya na nagsasabi na kapag tumanggi ako ay hindi rin siya sasama. "Let's go."

Hindi na ako nakapag-react nang hilahin na niya ako palabas. Nang tumingin ako sa tumpukan ng magpipinsan ay nasa amin ang atensyon nila. Hindi katulad kaninang walang ekpresyon ay napalitan ng ngiti at saya ang mukha ni William.

Nang madako ang mata ko kay River ay ganoon na lang ang panlalambot ko nang makitang wala sa akin ang atensyon niya. Nasa kakambal ko na ako naman ang tinitingnan.

I looked away and smile to hide the bitterness crept in me and join the gang.

Katulad ng dati ay wala namang nagbago. They are laughing mindlessly and just like the old times, I enjoyed their kulitan.

Sumakay kami sa van ng mga Dela Cuesta at kinausap ko na lang si Kuya Rey na umuna na at ihahatid na lang kami ng mga Dela Cuesta sa bahay. My sister easily blend in. Ako ay si Kennedy at si William ang katabi sa van.

Nasa likurang bahagi kami ng van kaya kitang-kita mula sa pwesto namin ang mga nangyayari sa gitnang upuan kung saan nakaupo ang kakambal ko at si Kalliah.

"Are you alright? " hindi gaano kalakas ang boses ni William nang magsalita. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang dumiretso ang mata ko sa paningin niya nang humarap ako sa kaniya.

His eyes are soft looking at me like a fragile glass. Hindi ko narinig ang apela ni Kennedy dahil siguro ramdam niya rin ang kung ano ang nararamdaman ko.

I beamed at him, itinaas ang thumn finger ko, sign that I'm okay and nothin' to worry about. He then nodded slowly while gawking at me. I chuckled to let him see that I am truly fine.

Nahanap ng mata ko si Kennedy na tahimik lang na nakatingin sa amin. Hindi katulad nang dati ay haharangan na agad niya ang kung anong maaring komunikasyon namin ng pinsan niya.

Kaming tatlo lang ang nakaupo sa likod. Ang nasa gitnang upuan naman ay si Riverdale kasama si Kalliah, naroon din si Rianne at si Kyle. Habang nasa passenger's seat naman si Ryle.

"I watched a music video of your favorite group, ang cool nilang tingnan lalo na ni Kai," I know that he is trying to open up a topic and I'm totally grateful because of that.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon