chapter seventeen

5 0 0
                                    

"Cale, pinapatawag ka ni Prof De Guzman, "Melanie, the president of our class walk towards me as I am fixing my things inside my bag.

Napatingin ako sa kaniya saka maliit na ngumiti at tumango bilang tugon.

In my peripheral vision, I saw how Ken looked at me, ganoon din si William. Kaibahan sa abalang-abalang pinsan nila na naglalaro ng mobile games.

I gulped, tumayo na ako sa aking upuan saka ako naglakad patungong kabilang pinto ng classroom namin. Hindi ko gusto ang nakita kong lungkot sa mga mata ni Kennedy kung kaya nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at gumawa ng mensahe para sa kaniya.

Nakailang bura at type ako bago ako nakuntento sa ise-send kong message.

To: Ken
Hi Ken?! Are you free this weekend?  Girls date tayo?

Napangiti ako nang wala pang ilang minuto pagkatapos kong i-send ang message ay may natanggap na agad akong reply from her.

She seems to excited kaya hindi mabura ang ngiti sa mukha ko. It's a simple yes but it means a lot to me. I miss being with them, I miss him but I guess it is the easiest way to let my feelings go. Mahirap pero alam kong kaya kong malagpasan.

Nang mabasa ang reply ng kaibigan ay mabilis na akong naglakad papuntang faculty. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako pinatawag, as far as I know, I passed every output and projects that met the deadline.

Inalis ko sa utak ko ang mga tanong, huminga muna ako ng malalim bago kumatok at saka dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto at hinanap si Mr. De Guzman. He was sitting on his neat table, may isang maliit na picture frame lang ang naroon na girlfriend niya yata.

Mr. De Guzman is our basic accounting professor also our class adviser. Dahil grade 12 pa lang naman kami ay basic accounting pa lang ang tinuturo niya. Sa kaniya ko rin narinig ang joke na ang isang pirma ng accounting staff ay libo.

"Sir?" He fixed his glasses before turning his head to my direction.

He has that goofy side that every girls in our class admire, seryoso ang mukha nito ngayon habang magkahinang ang mga kamay at nakapatong ang siko sa magkabilang upuan.

"Miss Ortega, please have a seat. "Kinakabahan man ay pinili kong sundin ang kagustuhan niya. Ilang beses kong pinahid ang palad ko sa suot kong skirt habang ang mga mata ay hindi alam kung saan titingin dahil sa kaba.

"Relax." His usual laugh filled tge space between us. "Pinatawag kita dahil may request ako sa 'yo."

"Po?"

"Your parents called and they asked me to let your twin study here. Pinakiusapan akong tanggapin ang kakambal mo, and your parents being one of the well known sponsor of this school ay hindi ko matanggihan." My heart starts to palpitate. I am trying to smile despite of having a negative feeling about this.

Is it the time where I become a shadow in my own terittory? Is this the time where they can see me as my twin's duplicate?

"Ano po gusto ninyong gawin ko?"

He smiled. " I want you to be her guide in this school, kapatid ka naman niya kaya I am so sure na hindi ka mahihirapan."

I am mentally asking myself and starts to build questions that I can't even answer. Bakit? Why would she study again?  She graduated,already right? Anong gusto nitong palabasin?

Despite of having those question,sinubukan ko pa ring ngumiti sa harapan ng guro. "Sige po, Sir."

Para akong nakalutang sa ulap nang naglalakad na pabalik ng classroom. May isa pa kaming subject pero dahil sa init ng araw ay ramdam ko ang namumuong malamig na pawis sa aking noo. My breath was so uneven, the noises on my surrounding kept knocking on my senses to the point that I can't hear clearly, nanlalabo na rin ang paningin ko pero patuloy pa rin ang pangamba at takot na nararamdaman ko.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon