Habang sumusubo ako ng kanin at ulam ay nakaupo lang siya habang tinitingnan at pinapanood ako. Oo, nahbos ko na :yung spaghetti kaya naman :Yong inorder niya ng kanin ang kinakain ko.
I sighed, naiilang dahil sa tingin niya. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor sa pinggan ko saka sinamaan siya ng tingin.
Tumaas lang ang sulok ng labi niya habang magka-krus na ang mga braso.
Halos panawan lang ako ng ulirat nang inilapat niya ang hinlalaki niya malapit sa aking labi at mas sumobra pa nang idineretso niya sa labi niya ang hinlalaki na may ketsup na parang wala lang sa kan'ya ang ginagawa.
"Check mo nga kung ano oras ang available slot sa SpiderMan 2, baka naman drawing lang ang sine natin." Alas dose na rin kasi nang tanghali at tirik na tirik na ang araw sa labas ng establishment. Kahit naman ber months na ay mainit pa rin ang panahon hindi katulad ng nagdaang mga taon.
He immediately get his phone and check the available time. Agad nangunot ang noo niya habang nagb-browse sa cellphone niya.
Dahil nga bored ay kinuha ko ang maliit na kutsara sa chocolate sundae at saka natatawang pinahiran siya ng cream. He immediately moved away maybe because of the coldness of the cream and when he realized he was played by, he smirked and dip his point finger on the ketchup then poke my cheeks using that. Hindi ako nakailag dahil sa bilis ng pangyayari.
He looks satisfied oppose to what I feel.
"Cute." Pinisil niya pa ang pisngi ko habang kitang-kita ang dimple niya at ang buong ngipin sa sobrang pagkakangiti.
I pouted and he chuckled. Kinuha niya ulit ang cellphone niya at hinarap sa aming dalawa. "Let's take a picture."
"Ano ba!?" piglas ko. "Ang dungis natin,oh?"
He scoffed and go back to what he's doing. Kitang-kita ang simangot ko sa picture habang siya ay nakangiti ng malawak habang nakaturo sa akin.
Dahil nga parang tanga siya ay hindi ko mapigilang hindi matawa habang pinipilit kumuha ng magandang angle.
Hindi naman kasi siya mahilig sa pictures. I only inspire him dahil I want pictures for memory purposes at ngayon naman ay siya na ang kumukuha ng mga pictures naming dalawa sa tuwing lumalabas kami.
"Ako na nga!" Inagaw ko sa kanya ang cellphone at ako na mismo ang naghanap ng angle para sa aming dalawa.
We took several pictures with different poses and then we decided to go to cinema.
I don't find popcorn appealing today making me order my nachos less of onion that would smell in the whole cinema. Ilog bought his usual cheese popcorn.
Sabay kaming pumasok sa sinehan habang dala-dala ko ang nachos ko habang dala naman niya ang popcorn at dalawa naming tubig.
Ang tanging ilaw sa loob ng sinehan ay galing sa malaking projector na naroon. Halos manginig din ako dahil sa lamig ng buong lugar. Nang makaupo ay pinatong sa akin ni Ilog ang jacket na dala niya pala.
"Ikaw?" I whispered.
He smirked and ruffled my hair. "Sipunin ka kaya kailangan mo 'to. "
Tignan mo ang isang 'to! He can just say na kailangan ko ang jacket bakit kailangan pa ng ngisi at pang-aasar? As if naman kinagwapo niya 'pag ngumisi siya.
Lalong dumilim sa loob ng sinehan kaya naman napatingin na kaming dalawa sa screen.
Ang kaninang makulit na si Ilog, ngayon ay seryoso nang nanonood ng pelikula.
He is a greatest superhero movie fanatic and all of the movies he'd watch, he definitely bring me as his plus one kaya naman I slowly love superpowers and a man saving a world theme sa mga movie.
BINABASA MO ANG
Dela Cuesta series #4:Mistaken Love
Teen FictionAll his life, Riverdale Dela Cuesta wanted to find his childhood sweetheart. He took every place he wish she had went and in his everyday search, he was always accompanied by his new bestfriend, Calleah Ortega who only wants his happiness over anyth...