chapter three

24 6 22
                                    

Kulay pink na ceiling ng bumungad sa mga mata ko pagkadilat. I looked at Ken whose still soundly sleeping beside me.

I upcurved my lips and fixed the comforter on her dahil nalihis na rin ito ng landas. Dumiretso ako sa comfort room ng kwarto niya at doon tiningnan ang itsura sa salamin.

I sighed as I stare at my hazardous face. Naghilamos muna ako at saka nagtooth brush bago ko i-finger comb ang buhok ko. My hair looks like a nest. It was naturally curly kaya kada umaga ganito ang nadadatnan ko.

Nang tumingin ako sa orasan sa bedside table ng kwarto ni Ken ay halos mapamura ako dahil hindi ko inaasahan ang oras.

Alas-diyes na ng umaga kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakita kong naroon na ang kanyang mga pinsan. Dahil sa pagmamadali ay nakagawa ako ng ingay sa mga paghakbang kaya hindi pa ako nakakarating sa dining table ay nakatingin na agad ang lahat sa akin.

"Good Morning Cale," William is the one who greeted first.

I gulped and smile at that. Lumapit na ako sa kanila at doon umupo sa upuan na katabi ng kay River dahil iyon naman ang pwesto ko.

He looked at me and then stretched his lips to greet me. Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya naman tahimik na bumalik sa pagkain ang mga pinsan niya.

"You want this?" he asked while pointing ham. I only nod and then bumaling siya sa ibang ulam. "You are allergic sa shrimp kaya hindi pwede 'to."

Tiningan ko kung ano ang tinutukoy niya at halos matawa nang makitang 'yung paborito niya iyon. 'Yung okoy, 'yung maliliit na shrimp na nilagyan ng itlog at harina saka pinirito. It looks like some torta dish.

Nang matapos siya sa paglalagay ng pagkain ay binaling niya muli ang atensyon sa pinggan niya.

"Movie date tayo mamaya?" he asked while taking a glance on me. Nang makita ang bahagyang pagkagulat ko ay napasimangot siya at inirapan ako. "Ang tagal na nating hindi nagdadate ng tayong dalawa lang, palagi na lang kasama si Kennedy."

Napaisip ako. We always have movie dates every weekends dati, pero lately hindi na namin nagagawa dahil mas gusto ni Ken na mag-shopping, kaya napapasama na lang din ako sa kanya tutal wala naman din siyang nakakasama sa shopping dahil masyado pang bata si Rianne para isama, isa pa hindi mahilig si Rianne sa nakahiligan ni Ken na mga bagay.

I laughed, kaya nakakuha ng atensyon sa mga pinsan niyang curious sa kung ano ang pinag-usapan namin.

Mas lalo siyang sumimangot at tumingin ng masama sa akin. "Ako ang kaya ang bestfriend mo, anong tinatawa-tawa mo riyan?"

"Kuya, anong nangyayari sa 'yo?" agaw ng pansin ni Rianne sa kuya niya.

Mabilis na naalis ang pagkakasimangot ng mukha niya at bumalik sa pagkakawala ng emosyon. I even tried to bite my lips to prevent myself from laughing.

This guy is really funny!  Can't believe that he is the same guy earlier na akala mo babae kung magtampo.

"Wala," umiiwas na sagot nito at sinamaan ako ng tingin.

Kung iisipin nga naman sa past gala namin ay palaging kasama si Kennedy at siya ang nagiging alalay sa pagbubuhat ng shopping bags ng pinsan niya. He hardly bad mouth Ken because he is afraid of her.

Nang matapos kaming mag-agahan ay nagpaalam muna akong umuwi sa bahay. Riverdale said that he will just picked me up, siguro ay dadalhin nito ang motor niya.

Tita Akiesha was afraid at first but Tito Zenon was eager to buy him what he wants kaya wala ring nagawa si Tita, though she has a warning. Kapag daw naaksidente siya ay si Tito raw ang sasagot ng parusa mula kay Tita.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon