chapter five

28 6 23
                                    

We spent the whole afternoon washing and putting make up on my face. Naging human mannequin ako sa kanya. Kennedy tried all of her daring and sexy outfit na hindi ko naman gusto.

Like now, I am wearing her sexy satin mini dress, the cloth use perfectly curved on my slim body. Si Ken naman ay hindi pa rin nakuntento sa pinasuot sa akin at pumunta pa sa walk in closet niya dala-dala ang six inch stiletto. I can wear heels but I am not really a fan of it. I prefer my rubber shoes and flats than having an anxiety na mababali 'yung takong at madadapa ka sa harap ng maraming tao.

"Oh my gosh! " over reacting na reaksyon ng kaibigan habang nakatingin sa akin. Inalalayan niya ako patayo habang nakatingin lang ako sa kanya.

The room is filled with a mellow music from our favorite kpop band, kaya hindi rin siguro alam ng nasa baba ang nangyayaring trahedya sa akin.

Yes! Trahedya talaga!

Inalalayan niya ako paharap sa salamin kahit na alam niyang hindi ko kailangan noon.

My eyes widen in what I saw. Mula sa smoky eye-make up na ginawa niya at sa kulay dugong lipstick na pinahid niya sa labi ko ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. My hair, she let it loose but add some little flower ornaments on it.

"You look like a goddess! Omo!" she said while having an imaginary heart attack.

"Huwag mo nga akong bolahin," I hissed as I looked at myself on the mirror. Yes, I have make-up but it's still me. Pero dahil sa damit na suot ko, I don't really know.

Ang balingkinitan kong katawan ay bumagay sa satin dress na suot ko.

"You're perfect!" Kennedy exclaimed, hindi pa nakuntento at pumalakpak pa habang pareho kaming nakatingin sa repleksyon ko sa whole body mirror na mayroon siya sa kwarto.

Naagaw lang ng pintong bumukas ang atensyon namin. Nasa akin agad ang mga mata ni Ilog at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang pag-akbay sa akin ng babaeng nasa tabi ko kaya napatingin ako sa nakangisi niyang mukha.

"Ganda niya no?" she teased my bestfriend.

Bumusangot naman ang mukha ni Ilog habang masama ang tingin sa pinsan niya. "Anong ginawa mo sa kanya! Ginawa mong coloring book nag mukha! Ang kapal-kapal ng make up!" galit na pahayag nito.

Rumolyo ang mata ni Kennedy saka asar na kinalikot ang tenga na animo'y nabingi sa narinig.

"Can't you see? She's perfect! Ang ganda-ganda niya!"

"Maganda na siya kahit nung walang ayos, okay!" kumalma si Ilog nung sabihin niya iyon. Naghabol siya ng hininga at saka nahihiyang nag-iwas ng mata sa akin. "Huwag mo siyang palabasin na ganyan ang ayos, pagpalitin mo rin ng damit!"

Lumabas na ito ng silid pero nasa pintuan pa rin ang mga mata ko. My heart is still palpitating, para akong baliw dahil naririnig ko pa sa tenga ko ang huling mga sinabi niya.

Riverdale Dela Cuesta will always be my protective bestfriend. I laugh at that thought. Hindi ko alam kung ano ba ang hihilingin ko, ang maging bestfriend niya at palaging nasa tabi niya through ups and down o hindi siya maging kaibigan para makita niya ako ng higit sa bestfriend.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pagak na tawa ng katabi ko. Nang tingnan ko siya ay halos walang pagsidlan ng kasiyahan ang mukha niya habang nagpupunas pa ito ng luha sa sobrang kakatawa.

"Ano bang ginagawa mo, Ken?" nangungunot na ang noo ko habang nakatingin sa kaibigan. "Pwede na ba akong maghilamos?  Ang bigat-bigat sa mukha ng nilagay mo sa akin,"reklamo ko pa.

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon