chapter nineteen

9 1 0
                                    

Naunahan ko pa ang aking alarm clock sa pagmulat ng mata. When I saw what the time is, tumayo na ako at nagsimula ng ayusin ang hinigaan.

Dumiretso ako sa comfort room at saka roon tiningnan ang aking itsura. New look? Really, Cale? You need that?

Iiling-iling akong nakatingin sa buhok kong nag-iba ang kulay. Gone from all black short hair, nagkaroon ito ng buhay nang pina-wave ko at nilagyan ng gray color sa ilalim.

Because our school is a private institution, we don't have rules against the hair and how the students doll themselves, as long as hindi kabastus-bastos ay maayos lang.

Inabot ako ng isang oras sa pagbababad sa shower thinking the same thing. You really are pathetic, Calleah.

I am walking gracefully as tons of eyes are throwing lingering stares at me. Well, who would not be shocked if gone by the sweet, prim and proper student, I am now a sexy dynamite.

Sporting my above the knee uniform skirt and a fitted blouse na may patong pang suit. Nakipag-usap pa ako sa officer ng school na sumasagot sa inquire about uniforms.

I let them feast their eyes on me, walang pakialam sa mga mata ay tumuloy ako sa classroom ng walang pinapansin kahit isa.

Pagpasok ko pa lang sa classroom ay natahimik na sila. The Dela Cuestas are here already, kita ko 'yon sa peripheral view ko pero hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin at dumiretso sa upuan na malayo sa tumpukan nila.

Simula nang mangyari ang gulo sa pagitan namin ni Riverdale ay nagpalipat na ako ng upuan. Kung dati ay nasa gitnang bahagi ako dahil doon sila nakapwesto, ngayon ay nagpalagay ako sa dulong bahagi ng classroom.

Dahil bored at inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone at ear buds ko at saka pinasok sa aking tainga. I let myself took a nap, habang nakatuon ang ulo sa mga brasong nakapatong sa lamesa.

"Miss Ortega!" the noise in front woke me up. I lazily looked at the professor in front and stood up.

"Yes, Miss?"

"You know that sleeping in the class is prohibited, right?"

Hindi ko mapigilang hindi irolyo ang mata saka bored na tiningnan ang kuko na kakapagawa lang din. I should pick pink with glitters next time.

"I'm tired, Miss. I'm sorry, I won't do it again," labas sa ilong kong saad.

Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko tungkol doon ngunit katulad ng palagi kong ginagawa, I didn't even flinched or show reaction.

I had done enough, sapat na ang pagpapakabait, dahil kahit ano namang gawin mo, kung ayaw talaga ng tao sa 'yo, ayaw talaga niya sa 'yo kaya mas mabuti pang gawin mo ang mga bagay na totoong magpapasaya sa 'yo kaysa maging tama at proper para sa ibang tao. Are you really happy and contented, now, Cale?

Maybe, I'm not, pero ano pa bang magagawa ko, I am the blackship of the family and friends.
Why would I be a good girl if people around me favors the bad. Nakakapagod magpakabait, 'yong tipong hindi ka lumalaban at magpapasensya na lang dahil lang kapatid mo o dahil importante sa 'yo.

Nang breaktime na ay hinayaan ko ang sarili kong umub-ob sa arm rest ng upuan. I let my eyes close, pero hindi pa man tuluyang nawawala ang ulirat ko ay ramdam ko ang mga yabag palapit sa akin.

Pero dahil sa antok at pagod ay hindi ako nagmulat ng mata. I let that person close our distance.

"I'm sorry, please come back to me... to us." The inner soft hearted Cale was touched, pero ang hirap ng umasa sa 'yo River. "I did you wrong... I miss you."

Dela Cuesta series #4:Mistaken Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon