Abala sa kani-kanilang pinggan ang magpipinsan kaya nakakapanibago na tahimik ang lamesa. Sa bawat pagsalo ko kasi sa kanila ay ang ingay-ingay ng lamesa na akala mo ay may nangyayaring kumusyon.Dahil nga roon ay napatingin na lang ako kay Ilog na maganang-magana sa pagkain. Nagtagal ang tingin ko at nang mapansin siguro na may nanonood sa kanya ay agad umangat ang mata at nagtama ang mga mata namin.
He smiled. "Ang sarap!"
Napapailing na lang ako dahil simpleng adobo lang naman ang niluto ko para sabihan niyang ganoon.
"Grabe ang sarap ng luto ni ate Cale," sabat ni Kyle,ang isa sa kambal na kapatid ni Ken, habang hinihimas ang tiyan dahil sa kabusugan.
Halos mag-init naman ang mukha ko nang mapansin ang pagsang-ayon ng lahat.
"Loko-loko adobo lang naman 'yan!" inis kunwari na pahayag ko para maitago ang namumulang mukha.
"Mga ingrata kasi 'yan Caley kaya pabayaan mo na. Hindi kasi nakakatikim ng adobo kaya ganyan."
My lips parted on what she said. Tiningan ko sila isa-isa habang hindi makapaniwala sa nadinig.
"Kung hindi take out or deliver ay si Rianne ang nagluluto rito na hindi naman marunong kung paano lutuin ang adobo," sabat ni Liam na kanina pa pala nakangiting nakatingin sa akin habang maayos na ang pagkakalagay sa ibabaw ng pinggan ng kanyang mga kubyertos.
Ngumiti na lang ako bilang sagot at saka kaniya-kaniya naman kaming tumayo at itinoka kay Ken ang paghuhugas ng pinggan.
Habang nanonood sa sala ng pelikula ang iba ay sinamahan ko si Ken sa kusina. I lean towards their counter top and crossed my arms while watching her.
"Don't trust Liam, Caley, okay," she said out of nowhere. Inilagay niya sa isang sink ang mga pinggan na nasasabunan niya.
"Hmm?" I asked confused of what she said.
She sigh and washed her hands. Humarap siya sa akin at sumandal naman siya sa sink niya at ginaya ang ayos ng mga braso ko. "Liam is a playboy, he will hurt you."
I laughed at her sudden thought. "Ano ka ba Ken, Liam is just kind and caring."
She shrugged and clicked her tongue. "Ah basta, don't let Liam hit on you, okay?"
Nang masiguro na hindi niya ako titigilan ay tumango na lang ako para mapagbigyan siya.
Well, as far as I knew him, William DelaCuesta is a playboy in disguise. He somehow will let you feel that you are special without knowing that he is like that to many, and not exclusively to you. Kaya alam ko rin kung bakit sinasabi sa akin 'to ni Kennedy. She just want to protect me from pain that her cousin will give once I acknowledge his special care for me.
Nang sumang-ayon ako ay nawala ng parang bula ang kaseryosohan sa mukha niya at napalitan ng ngiti. She walks towards me and clunged herself to my arms.
Natatawa ako sa ginagawa niya hanggang sa makarating kami sa pwesto ng mga pinsan niya sa sala.
"I don't know if she still remembers me but I want to do what I promise to her," naulinigan kong saad ni Ilog habang kanya-kanyang pakinig ang mga pinsan niya.
Nagkatinginan kami ni Ken at naging siya at hindi alam ang pinag-uusapan ng pinsan niya.
Pare-pareho silang nakaupo sa sahig habang nakapalibot sa coffee table sa living room.
"Who's that?" agaw-pansin na tanong ni Ken na humiwalay na ang pagkakahawak sa braso ko.
Ngumiti muna sa akin si Ilog at pinaupo ako sa tabi niya na agad ko namang sinunod. I sit next to him, pinatong ang ulo ko sa balikat niya. When he felt it, he adjusted his posture para mas comfortable ako sa pwesto ko. "Si Krish, childhood friend ko."
BINABASA MO ANG
Dela Cuesta series #4:Mistaken Love
Novela JuvenilAll his life, Riverdale Dela Cuesta wanted to find his childhood sweetheart. He took every place he wish she had went and in his everyday search, he was always accompanied by his new bestfriend, Calleah Ortega who only wants his happiness over anyth...