11

1.4K 56 0
                                    

LARO NG APOY ( U-Prince 4)

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11 ( confrontations )

Unedited...
"Kung hindi ka nag-Harvard, e di sana sabay
tayong ga-graduate ngayon," sabi ni Erika
habang naglalakad sa hallway ng paaralan.
Balik third second year si Lyn at
ipinagpatuloy ang kurso.
"Babalik na lang ako sa Harvard?"
"Biro lang, alam ko namang love mo ako
kaya hindi mo ako matiis!" sabi ni Erika at
hinawakan ang kanang kamay ng kapatid.
"Holding hands? Yuck!" nandidiring sabi ni
Lyn saka tinanggal ang kamay ni Erika.
"Hmm? OA mo!" nakabusangot na sabi ni
Erika.
"Oo na! Baybay na! Male-late na ako,"
paalam ni Lyn at humiwalay kay Erika dahil
sa kabilang building pa siya.
"Sabay tayong kumain," pahabol na sabi ni
Erika. Nag-wave lang si Lyn.
Buong araw silang naging busy sa klase lalo
na't graduating na sila. Dagdagan pa ng
thesis na nagpapadugo sa ilong ni Erika.
"Magbayad na lang kayo," suhestiyon ni Lyn.
"Iyon nga ang gagawin ng grupo namin pero
kailangan ding pag-aralan dahil sa defend,
defend na 'yan!" Magpapagawa na lang sila
sa kapatid ng kaklase nila para hindi na sila
mahirapan pa.
"Kuya, daan ka muna ng seven eleven, bibili
lang ako ng blue water," wika ni Lyn nang
malapit na sila sa bahay ng mga Bautista.
Madadaanan nila ang 7/11 tatlong kanto
bago makarating sa bahay nina Drei.
"Magpabili ka na lang kaya bukas sa
katulong," ani Erika. Kahapon kasi nang
bumili sila, nasarapan si Lyn sa blue water.
"Mayroon ba no'n sa mall?"
"Oo naman! Ano sa tingin mo? Pagmamay-
ari g seven eleven ang blue water?"
"Akala ko lang naman sa seven eleven lang
'yon mabili, sorry naman!" depensa ni Lyn.
Matapos ang thirty minutes, nakarating sila
sa mansion at umalis na ang driver ng mga
Villafuerte.
"Dapat si Drei na ang maghahatid sa 'yo sa
school," sabi ni Lyn.
"Hindi kami close!" sagot ni Erika.
"Mayroon ba no'n? Ikakasal kayo tapos hindi
kayo close? Where is the love?"
"Love is in the air!" Erika answered.
"Then, let's spray a baygon!" Lyn suggested.
"Bitter!" Erika rolled her eyes.
"Bitter but sweeter than you!"
"In what aspect?" she stopped and faced her
sister.
"In all aspect, my twin sister!"
"Fine! Since you are my twin, magpaparaya
ako..." sabi ni Erika. "Pero now lang. Later,
dyosa na ako!"
Nadatnan nila si Drei na nakaupo sa sala.
Lumingon ito sa kanila nang marinig ang
boses ng dalawa.
"Sana sinabi ninyong pauwi na kayo para
dinaanan ko na lang kayo sa Westbridge,"
sabi nito na nakatingin kay Erika.
"Akala ko, mamayang gabi ka pa," sagot ni
Erika. Himala, hindi naman ito nagsasabing
daanan siya noon, ngayon lang.
"Nextime, i-text o tawagan ninyo ako."
"Sige, n-nextime..." sagot ni Erika at
ngumiti kay Drei kahit na nakaramdam siya
ng hapdi sa puso. Hindi niya alam kung
bakit pero binalewala lang niya ito. Baka
dahil sa gutom lang.
"Mauna na ako sa itaas, Sis," paalam ni Lyn
kaya napasulyap si Drei sa kaniya. Hindi na
niya hinintay na sumagot ang kakambal at
tinalikuran na ang mga ito. Naiilang siya kay
Drei.
Dumiretso siya sa shower room nila ni Erika
para magbihis. Pagkalabas niya ay nakaupo
ang kapatid sa couch na naghihintay sa
kaniya.
"Tapos ka na?" she stood up and walks
toward her.
"Yes."
"Ako naman, gusto kong maligo," sabi ni
Erika at pumasok sa shower room bitbit ang
isusuot na roba.
Naupo si Lyn sa harap ng dresser at sinuklay
ang maalon at mahabang buhok.
Pinagmasdan niya ang hitsura sa salamin at
napabuntonghininga. Gusto niyang umamin
sa kapatid pero natatakot siya!
Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang
mahinang pagkatok sa labas. Kinabahan siya.
Kung hindi lang dahil sa kakambal, nunca na
titira siya rito sa mansion ng mga Bautista.
"Sandali!"
Sunod-sunod na ang pagkatok kaya
napilitan siyang tumayo para pagbuksan ang
nasa labas.
"Naiwan ni Erika sa sala," sabi ni Drei na
iniabot sa kaniya ang puting Gucci bag ng
kakambal.
"Napakamakalimutin talaga niya," sabi ni Lyn
at kinuha ang puting bag.
"Nasaan na siya?"
"Nasa shower pa. Gusto mo siyang
makausap?" Pinilit niyang maging normal sa
kaharap dahil kinakabahan siya. O mas
tamang sabihing natatakot?
"Lyn, about noon--"
"Drei please, as much as possible, let's
forget the past!" she begged.
Napayuko siya at napakagat sa ibabang labi.
Hindi niya kayang salubungin ang mga mata
ng kaharap. Kinakabahan siya. Paano kung
sabihin nito kay Erika ang lahat?
Mapapatawad pa kaya siya ng kakambal sa
paglihim niya?
"Kung iyan ang gusto mo, ikaw ang bahala,"
sabi ni Drei.
"Salamat."
"Selosa si Erika kaya kung wala kang balak
na hintayin siya, makakaalis ka na."
"Kilala mo na talaga ang kakambal mo pero
ikaw, hindi ka pa niya lubusang kilala,"
malungkot na sabi ni Drei kaya mas lalong
hindi niya kayang harapin ito.
"Kapag tapos na kayo, bumaba na lang kayo
ni Erika para kumain na tayo," sabi nito at
tinalikuran siya.
Isinara ni Lyn ang pinto at wala sa sariling
naupo sa kama. Gusto niyang maiyak. Gusto
niyang magsisi pero huli na ang lahat.
Nagmahal lang naman siya pero mukhang
hindi na siya mahal ng lalaking pagmamay-
ari niya noon.
Nagkuwentuhan muna silang dalawa
hanggang sa hindi nila namalayan ang oras.
Alas siyete na pala ng gabi.
"Kain na tayo, nagugutom na ako," yaya ni
Erika.
"Sige, ako nga rin e, kanina pa."
Pagkababa nila, saktong bumaba rin si Drei
kaya sabay na silang pumunta sa dining
room.
"Drei? Nasaan si Drew?" tanong ni Erika na
ikinalingon ng fiance. Nauna lang ito ng
ilang hakbang sa kanila. Narinig niya
kaninang dumating na ang kotse nito.
"Hindi ko alam, baka nasa kuwarto pa niya."
Magkatabi sina Erika at Drei sa upuan
habang nasa harapan ni Drei si Lyn.
"Sis, paabot ako ng ulam," pakiusap ni Lyn
kay Erika na ang tinutukoy ay adobong
pusit. Inabot naman ito ni Erika.
"Masarap din si Manang magluto ng ulam,"
sabi ni Erika habang sumusubo. Si Drei ay
magiliw na kumakain.
"Oo nga e!" pagsang-ayon ni Lyn.
Pareho silang tumahimik nang makitang
papalapit si Drew at nang makarating ay
hinila ang silya sa tabi ni Lyn.
Walang imik na kumuha ito ng kanin at
sinimulang kumain. Nagkatitigan sina Erika at
Lyn at parehong pinapakiramdaman ang
bawat kilos ng dalawang lalaki kung sino
ang unang magsasalita.
"Pakiabot ako ng pusit, babe!" pakiusap ni
Drew kay Erika at nginitian ito pero
pinandilatan lang ng dalaga. Nang mainip ay
siya na mismo ang kumuha at nilagyan ang
plato. "Hindi mo mapakiusapan," bulong ni
Drew.
"Ang aga mo yata?" puna ni Drei at tumigil
sa pagsubo.
"Daig ng maagap ang masikap," tinatamad
na sagot ni Drew.
"Kailangan ko ng matinong sagot!"
napipikong sabi ni Drei.
"Wow, sasagutin ko ng matino ang isang
righteous na tao?" patanong na sagot ni
Drew at nakipagtitigan sa kakambal. Hindi
gumagalaw sina Erika at Lyn na para bang
mababasag ang lahat ng gamit kapag isa sa
kanila ay gumalaw. Kinakabahan na talaga si
Erika dahil baka magsapakan ang mga ito.
Kung ang triplets niyang kapatid ang
magsapakan, okay lang sa kanila dahil
matapos ang ilang oras, friends na sila pero
itong mga Bautista, mukhang giyera sa Iraq
ang mangyayari.
"Kailan mo balak na aayusin ang buhay mo?"
kalmadong tanong ulit ni Drei at
ipinagpatuloy ang pagkain na para bang
walang nangyari.
"Maayos ang buhay ko, Drei."
"Maayos pa ba sa lagay na 'yan?" panunuya
ng kapatid.
"At ikaw? Maayos din ba ang buhay mo?
Kung sabagay, maayos nga dahil mahilig
kang mamangka sa dalawang ilog!"
"Tama na!" sabat ni Lyn at tumayo. "Huwag
kayong magbastusan sa harap ng pagkain!"
Tumingala si Drew sa kaniya at ngumisi. "Sa
ibabaw lang ng kama kita babastusin, Lyn?
Iyon ba ang gusto mo?"
"Ano ba, Drew!" dumadagundong ang boses
ni Drei at tumayo. Mabilis na hinawakan
naman ito ni Erika sa kanang braso para
pigilang umikot sa mesa at lumapit sa
kapatid.
"Kakampihan mo si Lyn? Bakit? Tapatin mo
nga ako, may gusto ka ba sa kaniya?"
Parehong natigilan ang tatlo sa harapan nila
lalo na si Erika.
"Kumain ka na, baka gutom lang 'yan kaya
kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo,"
sabi ni Drei.
"Kung may problema kayo sa akin, ako na
mismo ang aalis sa pamamahay na 'to!" taas
noong sabat ni Lyn.
"Walang aalis sa bahay na ito!"
pakapangyarihang sabi ni Drei na para bang
siya ang batas!
Walang pasabing tinalikuran sila ni Lyn at
patakbong bumalik sa kuwarto. Sinundan
naman ito ni Erika.
"Alam mo ba kung ano ang pinaggagawa
mo? Bakit ka ba galit sa akin?" desperadong
tanong ni Drei. Hindi ganito si Drew noon.
Ito pa nga ang jolly sa kanilang magkambal.
"Dahil niloloko mo lang si Erika," sagot ni
Drew kaya natigilan ang kaharap. "Kung
hindi mo na siya gusto, sabihin mo lang,
aagawin ko siya sa 'yo!"
"Tapusin mo na ang pagkain mo," mahinang
sabi ni Drei at tinalikuran ang kapatid pero
napatigil ito nang magsalita si Drew.
"Kung may gusto ka kay Lyn, ibigay mo na
sa akin si Erika."
Hinarap niya si Drew. "Fiancee ko siya kaya
bakit ipamigay ko lang siya sa iba?"
"Kung sabagay, selfish ka nga! Gusto mong
masolo silang dalawa!" sabay smirk ni Drew
at pinagpatuloy ang pagkain na para bang
walang nangyari. Kanina pa siya nagugutom.
"Kung ako sa 'yo, Drew, ayusin mo ang
buhay mo!"
Tumingala si Drew at ngumiti sa kapatid.
"Maayos lang ang buhay ko kapag maangkin
ko na ang fiancee mo!" determinadong
sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain na
para bang walang nangyari. Kanina pa siya
nagugutom.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon