32

1.5K 69 1
                                    



LARO NG APOY ( U-Prince  4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Unedited...
"Lyn? Aminin na natin sa parents natin na may mga supling na tayo," sabi ni Drew na nakayakap sa kaniya at mas lalong isiniksik ang mukha sa dibdib ng dalaga. "Wala akong maramdamang boobs, babe!"
"Isang reklamo pa sa dibdib ko at dudugo ang nguso mo!" pagbabanta ni Lyn. Umungol lang si Drew at marahang kinagat ang balikat ng dalaga. He loves biting her soft skin.
"Babe? Aminin na natin para magpakasal na tayo." Pangungumbinse ng binata.
"Magpakasal ka kung gusto mo!" Maraming katanungan sa isipan niya. Gaya ng kung kaya ba nitong maging tapat na asawa sa kaniya?
"Sige na, para happy family na tayo."
"Papatayin ako ng daddy ko."
"Ako ang bahala sa parents mo, basta pakasal na tayo. Gusto ko na kayong makasama sa iisang bahay," excited na sabi nito at nilaro ang nipples ni Lyn.
"Tigilan mo na nga yan!" saway niya saka tinabig ang kamay nito.
"Sipsipin ko na--"
"Manyak ka talaga! Bumangon ka na nga!"
"Ayaw! Gusto pa kitang kayakap!" tanggi ni Drew at mas niyakap siya sa bewang.
"Drew naman! Uuwi na ako!"
"Babe? Seryoso ako, magpakasal na tayo, hindi ko kayo pababayaan. Tama lang, graduating na tayo kaya makakahanap na ako ng trabaho. Mula ngayon, hindi na ako mambabae, sa inyo na ako."
"Kung ginawa mo 'yan noon, e di sana, maayos tayo ngayon!"
"Alam kong mali ang ginawa ko dahil gago talaga ako pero maniwala ka, nagbago na ako nang makilala kita pero nang panahong iyon, sinusubukan ko pa lang."
"Bahala ka!"
"Lyn, noong iniwan mo ako, akala ko talaga ginago ninyo ako ni Drei kaya mas lalo akong nagloko."
"Kung mahal mo ako, hindi ka magloloko."
"Paulit-ulit kaya hindi tayo nagkakasundo dahil palagi mong ibinabalik ang nakaraan. Lyn naman, mag-umpisa tayo."
"Nasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang nasaktan."
"Mas nasasaktan ako! Hindi mo lang iyon alam dahil palagi mong iniisip na manloloko ako!"
"Hindi ba?" Itinakip niya ang kumot sa hubad na katawan saka bumangon.
"Kita mo na? Hindi ba puwedeng magsimula na tayo ng bago?" napipikon na sabi ni Drew at bumangon din saka tumayo kahit na wala pa siyang saplot.
"Pag-isipan ko," tinatamad na sagot ni Lyn na sinisikap na huwag tumingin sa katawan ng kaharap.
"May anak na tayo tapos pag-isipan mo pa?"
"Ay, hindi rason ang mga anak natin para lang tanggapin kita!" Hinahanap niya ang panty pero punit na pala kaya naiinis na itinapon niya sa basurahan. "Paano ako nito uuwi?"
"Nakipagtalik ka sa akin at nagustuhan mo, may anak na tayo, mahal mo 'ko, at mahal din kita, ano pa ba ang gusto mo?" Magagago na talaga siya kapag ito ang kausap niya. Madali lang naman ang lahat pero bakit pa nito pinapakumplikado?
"Ang galing mo rin, ano? Matapos mong magloko, patatawarin kita kaagad?"
"Fuck! Ang hirap mong kausapin! Humihingi na nga ng tawad, magseseryoso na, tapos ganiyan ka pa? Umuwi ka na nga!" pagtataboy ni Drew.
"Talagang uuwi ako! Alam ko namang may papupuntahin ka pa rito!" singhal ni Lyn. "Kumuha ka muna ng damit ko sa condo para makauwi ako at nang malaya ka na! At huwag ka nang magpakita pa sa amin ng mga anak mo!"
Napanganga si Drew sa sinabi nito. "What?" Pinandilatan siya ng dalaga na nakahawak sa kumot na nakatakip sa katawan. "Padating na ang mga babae mo? Kunin mo na ang damit ko sa condo para makauwi na ako!"
Tahimik na nagsuot ng damit si Drew.
"Hindi talaga kita maintindihan!" sabi niya nang palabas na.
"Hindi mo talaga ako naintindihan dahil puro ka lang bisyo!" Natigilan si Lyn nang bagsakan siya ni Drew ng pinto. "Ugh! Bastos ka talaga!" sigaw niya na sana ay narinig pa nito.
Sumasakit pa ang ulo niya dahil sa nainom kagabi kaya naupo siya muli sa kama. "Si Erika!" sabi niya nang maalala ang kakambal. Kinuha niya ang cellphone na nasa bedside table na at tinawagan ang kakambal.
"Hello?" inaantok na sagot nito sa kabilang linya.
"Erika? Nasaan ka? Nakauwi ka na ba? Pasensiya ka na kagabi ha, hindi ko sinasadyang iwan ka," sunod-sunod na tanong at paumanhin niya.
"Nasa bahay na kami ni Drei at puwede bang mamaya ka na lang tumawag? Alas otso pa lang, masakit pa ang katawan ko!" pakiusap ni Erika at pinutol ang tawag saka ipinikit ang mga mata.
"Honey? Nagugutom ka na? Kain tayo!" Napaupo bigla si Erika nang marinig ang boses ni Drei. Pagtingin niya sa katabi, nakahubad ito kaya mabilis na tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Wala rin siyang saplot at ang sakit pa ng pagkababae niya.
"Ghad! Nag boom boom paw tayo," naiiyak na sabi niya saka napatingin sa kumot na may bahid ng dugo.
"Ang bilis mo naman yatang nakalimot?" nakangiting wika ni Drei at tumayo kaya napapikit si Erika.
"D-Drei, ang kama," nag-aalalang tanong niya. Nang masira ang kama nito kagabi, lumipat sila rito sa kuwarto niya at may nangyari na naman sa kanila.
"Aayusin ko mamaya," natatawang sabi ni Drei. Gusto niyang mahiya sa dalaga pero wala na siyang magagawa, bumigay na talaga ang kama niya.
"Eeeeee... Palitan mo!" Dumilat siya at sumalubong sa kaniya ang katawan ni Drei kaya napalunok siya ng laway.
"Oo, papalitan ko mamaya basta tabi na tayo matulog hon."
"Ayaw ko!" nakalabing sabi ni Erika at pimpleng sinulyapan ang pagkalalaki nito na bahagyang natutulog.
"Huwag mo akong titigan ng ganiyan, magigising siya," pilyong sabi ni Drei kaya sumimangot si Erika.
"P-Paano ko iyon nakaya?" namumulang tanong niya.
"Ang tapang mo na!" Tumawa si Drei na mas ikinasimangot ng kasintahan.
"Ouch!" naiiyak na sabi niya kaya mabilis siyang sinaklolohan ng binata.
"O-Okay ka lang, honey?" natarantang tanong niya nang makita ang sakit sa mukha ng dalaga.
"M-Masakit, Drei... Ang hapdi!" naiiyak na siya at muling naupo sa kama. "H-Hanggang puwet yata ang napunit?" natarantang sabi niya. Pakiramdam talaga niya ay abot hanggang anus.
"H-Hindi naman, ganoon talaga kapag sa una," sagot ni Drei pero kinakabahan siya. Masyadong fit si Erika at ang dami pa nitong dugo.
"S-Silipin mo," naiiyak na pakiusap niya.
"H-Ha? H-Honey naman..." ani Drei pero tinanggal na ni Erika ang kumot at kinakabahang sinilip ang pagkababae.
"H-Hindi ko makita, pahingi ako ng salamin..."
"Ako na," napilitang sabi ni Drei.
"Sige," sabi ni Erika saka bumukaka aa harapan nito. Napahilamos naman si Drei sa ginawa nito. Napaka-childish.
"M-May punit ba? Mahaba? Abot hanggang anus?"
"W-Wala..." sagot ni Drei at tinakpan ng kumot ang dalaga, bigla na lang kasing nagising ang alaga niya sa pagka-inosente nito.
"D-Drei?"
"Sure ka?"
"Oo, maliligo lang ako, sabay ka?" tanong ng binata.
"M-Mauna ka na. Pero sure ka? Wala talagang punit?" Paninigurado niya. "M-Magpapa-hospital na ba ako?"
"Huwag!" Pagpigil ni Drei. Baka dumugin sila ng media dahil sa puwedeng ibalita. "Wala talagang punit sa labas. Ganoon talaga 'yon, honey, masakit at dumudugo sa una." Pangungumbinse niya saka pumasok sa shower room at pinahupa ang sarili.
Sa kuwarto na sila nag-breakfast ng dalaga. Pagkatapos nilang kumain, iniligpit niya ang kalat. Lahat ng kumot ay inilagay niya sa garbage bag at itinapon sa labas ng bahay. Tumawag na rin siya ng mga lalaki para ipabuhat ang kama pababa.
"Drei!" tawag ni Erika na pababa ng hagdan. Nasa sala na ang tatlong lalaking bumubuhat ng king sized bed ni Drei nang pumasok ang katulong.
"Sir, may bisita ho kayo," sabi nito na kasunod ang mga magulang ni Erika.
"Ano ang nangyayari rito?" tanong ni Skyler. Inutusan ni Drei ang tatlo na ibaba muna ang kama para makapagpahinga sila.
"Dad! Ba't nandito kayo?" tanong ni Erika. Hindi man lang nag abeso ang mga ito na pupuntahan siya.
"Bisitahin ko kayo! Ano ang nangyari sa kama ninyo?" tanong ni Skyler. Sinikap ni Erika na maglakad ng tuwid palapit sa mga ito at humalik sa pisngi ng dalawa.
"Nasaan si Lyn?" tanong ni Kimberly sa anak.
"K-Kuwan... Sa c-classmate ho nila natulog dahil may group project," palusot ni Erika.
"Ah..." sagot ni Kimberly at inabot ang dalang paperbag sa anak. "Ginawan ko kayo ng guava jam, alam kong gusto ninyo ito ni Lyn."
"Thank you, Mommy!" pasalamat niya at niyakap ang ina. "Maupo ho muna tayo."
"Ano pala ang nangyari sa kama ninyo? Saan ninyo 'yan dadalhin?" tanong ni Skyler na nakatingin sa malaking kama. Ang tatlong lalaki ay naupo rito para magpahinga.
"Itatapon na ho namin, gusto kong palitan ng bago," sagot ni Drei at nagkatitigan sila ni Erika na sila lang ang nakakaintindi ng mga pinagsasabi.
"Saan ang dalawang paa niyan?" tanong ni Kimberly. "Sayang, mukhang maganda pa naman."
Naiiyak na si Erika dahil hindi alam ang isasagot. Ang lakas pa naman ng pang-amoy ng ama niya kapag sa ganitong usapan.
"Pinutol ko po para mapalabas sa kuwarto dahil maliit lang ang pinto," kabadong sagot ni Drei. Matalim na tinitigan ni Skyler ang dalawa lalo na si Drei. Ang tatlong lalaki ay binuhat na ang kama palabas ng bahay.
"Paano nakapasok ang kama kung maliit lang ang pinto? Nakapasok nga ng buo, pero paglabas, kailangan nang putulin?" Sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa ni Erika lalo na nang mapansin niyang nakakuyom na ang kamay ng ama.
"Pina-adjust ko po kasi ang pinto."
"Lintik na pinto 'yan!" Tumaas na ang boses ni Skyler saka tumayo. "Sinaktan mo ba ang anak ko?"
"Hindi ho! Hindi talaga!" kinakabahang sagot ni Drei.
"Erika, aminin mo nga sa akin, sinasaktan ka ng tarantadong ito?" Tumayo si Kimberly saka hinawakan ang kamay ng asawa.
"Honey, umuwi na tayo," yaya ni Kimberly at hinila ang asawa.
"Bitiwan mo ako, hon, pinalo talaga niya ang anak nating ng paa ng kama!" wika ni Skyler.
"Hindi naman daddy e! Grabe ka naman!" nakasimangot na sagot ni Erika. "Papalitan ko kasi ang kama niya dahil may surot! Kinagat ako kagabi!"
"Doon ka natulog sa kuwarto niya?" bulalas ni Skyler.
"Kama ko po 'yan, dad!" depensa ni Erika. "May kumagat sa akin kaya pinapalitan ko!"
"What?" bulalas ni Sky at galit na hinarap si Drei. "Ne lamok, hindi ko pinapakagat sa balat ng anak ko tapos dito sa inyo, pinapapapak mo lang siya sa surot?" galit na sabi niya at dinuro pa ito.
Gusto sanang sumabat ni Erika na ang malaking surot na alaga ni Drei ang kumagat sa kaniya pero tiyak na magwawala ito.
"Pasensiya na ho," paumanhin ni Drei na medyo nakahinga na ng maluwag. "Bibili na lang ako ng bago."
"Huwag na!" sagot ni Skyler, "Ako na lang ang bibili ng kama ng anak ko!"
"Talaga Daddy?" Lumiwanag ang mga mata ng dalaga.
"Oo! Iyong hindi ka na kakagating ng lintik na surot na iyan!" Galit na sagot ni Skyler kaya napangiti si Erika. Napakamot na lang si Kimberly dahil sa naisip ng asawa.
"Yehey! Basta dad, iyong matibay po ha. Iyong hindi made in China!" masayang sabi ni Erika.
"Oo! Magpapahanap ako ng pinakamatibay na kama!" ani Skyler. Hindi siya makapapayag na hindi komportable ang anak sa tinutulugan. Alam naman niyang maselan ang balat nito.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon