27

1.5K 62 0
                                    

LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited...
"Shit!" Napatayo bigla si Drei sa kinauupuan
nang gunitain ang pinag-usapan nila ni Erika
kagabi.
"Ano ang problema? May bumangga na
naman ba sa atin?" tanong ng kagrupo niya.
"Wala!" naniningkit ang mga matang sagot
niya. Badtrip siya sa lahat ng badtrip.
Nainsulto siya kung tunay na insulto ang
pag-uusapan. Muli siyang naupo pero ang
mga mata ng tatlong kasama rito sa
tambayan ay nagtataka sa ikinikilos niya.
Halatadong hindi ito mapakali.
"Haist!" desperadong sambit niya at
napahilos sa mukha.
"Ano ba kasi ang problema mo?" tanong ni
June, ang MI nila sa Tau Gamma. Inisa-isa
niyang tinitigan ang mga ito. Gutom na
gutom ang mga mukha sa kasagutan niya.
"Kapag may kasintahan kayo, ano ba ang
gusto nila?"
"Iphone."
"Makeup!"
"Bags!"
Isa-isang sagot ng tatlo kaya mas lalong na-
frustrate si Drei.
"Malaki ang sandata o maliit?" diretsahang
tanong ni Drei kaya ngumisi ang mga ito.
"Sino ang babaeng ayaw sa malaki at sino
ang babaeng gusto ang maliit? Kailangang
itatanong pa ba iyan? C'mon, bro, sino ang
babaeng mas pipiliin ang maliit?" napailing
na sagot ni June.
"Huwag mong sabihing maliit ang sa iyo? Sa
katawan mong 'yan?" nagdududang wika ni
Sid.
"Fuck you!" pagmumura ni Drei. "Baka
nangangalahati ko lang 'yang kargada mo!"
5'7" lang ang height nito at medyo payat pa
kaya sigurado siyang average size lang si
Sid.
"Psh! Kahit mas malaki 'yang sa iyo, marami
na ang naputukan nito!" pagmamalaki ni Sid.
"Ulol!" sabat ni Henry. "Kaya pala ang dami
mo nang nabuntis!"
"Napasarap e," sagot ni Sid. Tatlo na ang
nabuntisan niya. Ang dalawa ay binuhay ang
bata pero ang isa ay mas piniling ipa-abort
dahil takot na tumigil sa pag-aaral.
"Haist! Hindi kayo nakatulong!" Tumayo si
Drei at dinukot ang sigarilyong nasa bulsa.
Minsan lang siyang manigarilyo, kapag may
malaking problema o suliranin na mahirap
bigyan ng lunas.
Nakailang beses na siyang pabalik-balik at sa
sahig na itinataktak ang upos ng sigarilyo.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Drew
saka naupo sa mga brod na nakaupo sa
sofa.
"Ano ang problema mo?" tanong niya sa
kakambal na hindi mapakali.
"Bro, kung may problema ka sa pagkalalaki
mo, putulan mo," suhestiyon ni Sid.
"Idugtong mo na lang sa akin," nakangising
sabi ni Henry.
"Mga ulol!" singhal ni Drei at sinipa ang
silya. Bago pa sumabog ang utak niya,
lumabas na siya sa tambayan.
"Babe!" bati ni Mariah nang makasalubong
niya.
"Kailangan mo?" wala sa modong tanong
niya.
"Iniiwasan mo ba ako? Hindi ka sumasagot
sa messages ko, ang tawag ko ay hindi mo
rin sinasagot."
"Busy lang ako."
"Busy? Sabihin mo nga sa akin ang totoo,
kayo ba talaga ni Erika?"
"Mariah, sumasakit ang ulo ko at--"
"Kung ayaw mo, break na tayo!" malakas na
sabi nito kaya napatingin siya sa paligid.
Mabuti na lang dahil walang tao sa hallway.
"Fine! Break na tayo!" pagsang-ayon niya.
Ito ang matagal na niyang hinihintay. Kapag
hindi pa siya hiwalayan ng dalaga, siya na
mismo ang makipaghiwalay rito.
"How dare you!" nanggiginig ang boses nito,
"Dahil ba kay Erika? Siya na ba ang bago
mo? Ang malanding babaeng iyon na
walang ginawa kundi ang makipagtalik kahit
kanino? Mas piliin mo pa siya kaysa sa ak--"
"Keep your mouth shut!" malakas na sabi ni
Drei at pinipigilan lang ang sariling saktan
ang kaharap, babae pa rin ito. "Hindi ganu'n
si Erika!" Kahit lahat pa yata ng babae ay
sisigaw sa harapan niya na ilang lalaki na ang
nakagamit kay Erika, hindi siya maniniwala!
Sino ba naman ang maniwala sa kanila? Siya
lang naman nakasaksi kung gaano ito
kaduwag pagdating sa ari niya. Unless,
pumatol ito sa maliit? No, kung pumatol
man ito, hahanap talaga ito ng malaki.
"Wow! Just wow! Kinakampihan mo siya?
Matapos niyang makipaghalikan kay Drew?"
"Matagal na iyon at problema na namin
iyon!"
"So? Siya na pala ang bago mo kaya
dinidispatsa mo na na ako?"
"Tapos na tayo, Mariah!"
"Sige, subukan mong hiwalayan ako at
ipapaalam ko sa grupong may relasyon tayo!
You fucked me! You fucked your sister!"
pagbabanta ni Mariah. Mortal sin sa
frasority ang magkaroon ng relasyon. Kapag
may makaalam, haharap sila sa matinding
penalty at mapapatalsik sila sa grupo.
Maliban na lang sa kung magpapakasal sila.
"Ikaw pa naman ang presidente natin at ako
ang secretary!"
"Ipaalam mo, wala akong pakialam!"
matapang na sagot ni Drei. Matagal na
siyang nakahanda rito. Alam niyang
magwawala si Mariah kapag makipaghiwalay
siya.
"You're... You're son of a bitch!" gigil na
sabi ng dalaga saka malakas na sinampal
siya. Hindi siya umiwas kahit na alam niyang
gagawin ito ng dalaga.
"Ito na ang huling pagsampal mo sa akin,
Mariah!" malamig na tugon niya kaya
napahikbi ang dalaga. Naaawa siya rito pero
wala siyang magagawa. Tiyak, magwawala
ang ama nito lalo na kapag mai-send na nila
ni Drew ang sex video nilang tatlo. Yes,
minsan na silang nag-threesome. Merong
sabay sila. Si Drew ay sa pang-upo
nakapasok at siya ay sa pagkababae nito.
Minsan, sa bunganga siya, salitan lang. Hindi
naman lasing si Mariah noon. Siya pa nga
ang nakiusap na sumama si Drew sa kanila.
Bilang protekta sa sarili, in-edit nila ang
video para blured ang kanilang mukha
maliban sa dalaga.
Ito rin ang babaeng nadatnan ni Lyn na
katalik ng kakambal. Naging kampante lang
ito na hindi niya iiwan kahit na ganito ito.
Hell, nagpapanggap lang siya. Ang ama nito
ang pinakahuli niyang gagantihan. Apat na
leader ng white dragon gang sa ibang bansa
ang gumahasa noon sa kanilang ina habang
nagdadalang-tao ito sa kanila ni Drew.
Kinuhanan ng video habang pinagpapalit-
palit na parang baboy ang kanilang ina.
Nang hindi makuntento, binugbog at
pinagsasaksak. Palihim na hinanap niya ang
video na iyon at sa tulong ni Tito Vincent
niya, nakuha niya ang pinakahuling kopya.
Hindi niya masikmurang panaoorin pero
kinaya niya. Bilang anak na mapagmahal sa
ina, gaganti siya sa sinapit nito noon!
"Magbabayad kang manloloko ka!" galit na
sabi nito.
"Wala akong dapat na pagbayaran dahil
naniningil lang ako, Mariah!" makahulugang
sabi niya saka iniwan na ito. Kahit sino
naman ang nakakagamit dito pero alam
niyang mas nahulog ang loob nito sa manila
ni Drew. Kilala niya ang kapatid, madali
itong magsawa sa mga babae kaya nga
umiiwas na ito kay Mariah.
"Kuya!" tawag ni Jacob sa kaniya. Ang isa sa
quadruplets na anak mg may-ari ng
paaralan nila.
"Bakit?"
"Si LL po, nagwawala sa tambayan,
nawawala raw po ang pusa niya," napakamot
sa ulo na sagot ni Jacob. "May sayad na
talaga siya, Kuya! Kinidnap daw ang pusa
niya, ipapatawag daw niya ang lahat ng
fraternities dahil tutulong daw para hanapin
si Pitoy..." desperadong sumbong ni Jacob.
Mula nang iwan ang kakambal ng kasintahan
niyang tomboy, hindi na nila ito makausap
ng matino, mas mabuti pa nga ang pusa
dahil mas tao pa ang turing ni LL.
"Haist! Nandiyan lang 'yan sa loob ng
campus, bakit ba kasi dinadala niya e bawal
ang pusa sa paaralang ito! Mauna na ako,
may pupuntahan pa ako." Paalam niya sa
kausap at dumiretso sa parking area.
Sa Westbridge University siya dumiretso at
tinawagan si Erika pero hindi nito sinasagot
ang tawag kaya napilitan siyang pumasok.
Lahat ng mga mata ay sa kaniya nakatingin
dahil naka-uniporme pa siya ng CTU, hindi
kagaya nitong Westbridge na naka-civilian
sila.
Dumiretso siya sa tambayan ng mga
Villafuerte. Minsan na rin siyang nakapasok
dito kaya alam na niya. Noong enrolment na
sumama siya kay Sky dahil nagpatulong ito
na dalhin ang mga ibinebenta nitong stuffed
toys.
"Hala, ayaw mo kay Alwyn? Akin na lang
siya!" natatawang sabi ni Erika at ipinulupot
ang mga kamay sa braso ng lalaking hindi
niya kilala kaya biglang lumabas kumulo ang
dugo ni Drei.
"Hala ka, may boyfriend ka na e," sabi ni
Keana at pinandilatan si Alwyn.
"E ano ngayon? Kerido ko si Alwyn, tutal,
may Jerome ka naman!" pang-asar ni Erika.
Napansin niyang natahimik ang lahat at
nakatingin sa likuran niya kaya napalingon
siya.
"D-Drei?" bulalas niya nang makita ang
fiance. "A-Ano ang ginagawa mo rito?"
Ayan na naman ang mga mata nitong
nanunumbat na para bang nakalabag siya sa
sampung utos na nakasulat sa Bibliya.
"Sinusundo ka sana kaso mukhang busy ka
sa iba?" madilim ang mukhang sagot ng
binata at nakipagtitigan kay Alwyn na
mukhang maangas din at lalaban sa kaniya.
"Kung wala ka pang balak na umuwi, mauna
na ako, aayusin ko ang mga gamit mo kung
sakaling wala ka nang balak na manatili pa sa
pamamahay ko!" Bago pa niya depensahan
ang sarili, pabagsak na isinara na nito ang
pinto.
"Hala ka, Ate Erika, galit si Kuya Drei," wika
ni Keana.
"U-Uuwi na ako," paalam niya at patakbong
sinundan ang binata. Habang nasa hallway,
napapansin niya ang ilang kababaihan na
nakasunod ang mga mata kay Drei.
"Drei!" tawag niya pero hindi ito huminto
kaya binilisan niya ang pagtakbo. Sa parking
lot na niya ito naaabutan.
"Sandali!" Pagpigil niya at agad na pumasok
sa kotse nito. Nang makapasok ang binata
sa driver's seat, walang imik na nagmaneho
ito. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya
sa binata na hindi pa rin humuhupa ang
pagsalubong ng mga kilay. Napahawak siya
ng mahigpit sa seatbelt dahil sa bilis ng
pagmaneho nito.
Nang makapasok na sila sa garahe ng
mansion, bumaba si Drei at padabog na
pumasok sa mansion. Naiinis na sumunod
naman si Erika. Hindi na nila nabati ang
dalawang katulong sa hardin.
"Drei, ano ba ang problema mo?" sigaw niya
nang hindi na kinaya ang pagdadabog ng
binata. "Letse! Ano ba ang problema mo?"
Nasa pasilyo na sila pero hindi pa rin ito
nagsasalita. "Kapag hindi mo ako kausapin,
uuwi na lang ako sa amin!"
"Bakit? Dahil may maipagmalaki ka nang
lalaki sa pamilya mo? Siya ba ang rason
kung bakit hindi mo kayang makipagtalik sa
akin? Siya ba?" galit na sigaw ni Drei at
naikuyom niya ang kamao.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Kaibigan
namin si Alwyn! Nagbibiruan lang kami!"
Kung galit ito, mas galit din siya dahil hindi
niya ito maintindihan sa inaasal.
"Nagbibiruan? Biro lang pala sa iyo na
magkaroon ka ng kerido? E di kayo na
magsama ng hayop na lalaki mo--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa
kaliwang pisngi niya. Great! Mag-asawang
sampal ang natanggap niya bago lumubog
ang araw.
"Sino ka para pagbintangan ako? Ano ba
ang problema mo? Bakit ganiyan ka na lang
makapagbintang sa akin?" Hindi na niya
napigilan ang sariling sampalin ito. Gigil na
siya e.
"Dahil may relasyon kayo!"
"Wala kaming relasyon! Nagbibiruan lang
kami!" Ito ang problema niya, masyado
itong seryoso.
"Nagbibiruan? Niloloko na ninyo ako!"
Nanginginig na ang katawan niya na para
bang ikamamatay niya kapag hindi pumatay
ng tao at uunahin talaga niya ang Alwyn na
iyon.
"Hindi kita niloloko! Bakit ka ba ganiyan?
Ano ba ang problema mo?"
"Tumahimik ka na..." mahinahon na sabi ni
Drei.
"Hindo ako tatahimik hanggat hindi ko
maintindihan kung ba't ka galit!"
"Wala!"
"Sabihin mo sa akin!" giit ni Erika.
"Wala nga!"
"Sabihin mo nga--"
"Nagseselos ako!" sigaw ni Drei kaya
natigilan ang dalaga. "Shit lang! Nagseselos
talaga ako sa hayop na iyon at gusto kong
sumabog! Gusto kong basagin ang bungo
niya dahil sa inis! Ayokong may kahati!
Ayokong may kausap kang ibang lalaki dahil
NAGSESELOS AKO! Ang sakit e! Akin ka
lang, Erika, AKIN KA LANG!"
Hindi makagalaw ang dalaga, kahit ang mga
mata ay natatakot kumisap dahil baka sa
isang iglap, magising siya at panaginip lang
ang lahat.
"Masaya ka na? Masaya ka na halos mabaliw
na ako sa kakaisip sa iyo buong araw?
Masaya ka na dahil malapit na akong
makapatay ng tao dahi sa 'yo?" sumbat ni
Drei at sinipa ang flower vase sa tabi ng
dalaga bago pumasok sa kuwarto.
"N-Nagseselos siya?" sambit ng dalaga at
ewan niya, kahit ganoon ka galit ang mukha
ng binata, nagawa pa rin niyang ngumiti.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon