34

1.5K 56 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 34

Unedited...
"Drei? Nasaan ang kakambal mo?" tanong ni Cheena na sis nila.
"Papunta na yata 'yon," sagot ni Drei habang nag-iihaw ng preskang isda binili nila sa malapit lang na port. Pasado alas sais na pero wala pa si Drew. Ang sabi nito, on the way na raw.
"Hmp? Baka hindi siya pupunta!" nakasimangot na sabat ni Mariah. Basa pa ang mga ito dahil kakagaling sa paliligo.
"Pupunta 'yon, siya pa mawala?" sabat ni Yolo na kasama ni Drei sa pag-iihaw. Pinasara nila ang buong resort ng barkada para masolo sa kanilang chapter anniversary.
"Brod, samahan mo muna akong maghanda ng mesa," yaya ni Cheena kay Yolo.
"Sige sis. Maiwan muna namin kayo. Huwag mong sunugin ang iniihaw mo," bilin niya kay Drei.
"Magaling akong mag-ihaw kaya huwag kang mag-alala!" natatawang sabi ni Drei. Nasunog ang una niyang inihaw dahil panay ang text niya kay Erika kung ano na ang ginagawa niya rito.
Pinaypayan niya ang nakasalang na uling.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, kayo na ba talaga ni Erika?" Madilim ang mukha ni Mariah habang nakatingala sa binata. Naupo siya sa silyang nasa harapan nito pero hindi niya nakaya ang usok kaya lumipat siya sa tabi ng binata..
"Yes," sagot ni Drei. Naiirita na siya kay Mariah dahil wala itong ginawa kundi tanungin siya palagi tungkol sa kanila ni Erika.
"Drei naman! Ipinagpalit mo ako sa babaeng iyon na walang ka class, class? My ghad!" Hindi siya makapaniwalang si Erika ang ipinagpalit ni Drei sa kaniya na hindi hamak na mas seksi siya rito.
"Wala na akong dapat na i-explain pa sa iyo dahil wala na tayo--"
"No! Hindi ako papayag at hanggat hindi ako pumapayag, akin ka!" Sa kaniya lang si Drei at walang sinumang makakaagaw rito.
"Mariah naman, wala na tayo at tantanan mo na kami ni Erika."
"Akin ka lang, Drei! At ito ang tandaan mo, hindi ako magpapatalo sa mababang babaeng iyon!"
"Talaga?" Pareho silang napatingin sa likuran nang may magsalita.
"E-Erika?" hindi makapaniwalang sabi ni Drei. "Ano ang ginagawa mo rito, hon?"
"Mabuti na lang pala dahil sumunod ako rito dahil kung hindi, baka hindi ka na uuwi!" wika ni Erika at ipinulupot ang kamay kay Drei.
"Alam mo bang bawal ang hindi Treskilion?" pagsisinuplada ni Mariah.
"Pakialam ko sa grupo ninyo? Hindi naman ikaw ang ipinunta ko kundi ang fiancé ko na nilalandi mo!" taas noong sagot ni Erika na nakapamewang na.
"Boyfriend ko siya!" giit ni Mariah.
"Fiancé ko siya at ikakasal na kami so back-off, stupida!" singhal ni Erika.
"H-Hon, tama na 'yan," pakiusap ni Drei dahil palapit na ang iba nilang kasamahan.
"Brod, ano ang nangyayari rito?" tanong ni Chito na MI nila.
"Wala brod," sagot ni Drei na nakatingin kina Drew at Lyn na palapit din sa kanila. "Pakibantayan muna ng iniihaw ko, ihahatid ko lang si Erika sa cottage ko."
"Sige brod!"
Bawal ang outsider sa kanila pero nakapa-reserved naman siya ng extra cottage dahil balak talaga niyang isama si Erika noong isang araw pa.
"Paano ako? Ayaw kong makasama ang babaeng 'yan sa kuwarto!" sabat ni Mariah.
"Mas lalo na ako kaya sa labas ka!" singhal ni Erika at tinaasan ito ng kilay.
"Sa kuwarto ka na lang muna ng mga sis natin," blangko ang mukha ni Drei. Kanina pa siya naiirita sa babae dahil kung anu-ano ang pinagsasabi at ginagawa nito.
"No way! Ako ang nauna!" Ayaw patalo ni Mariah.
"Ay, kapal ng mukha mo, sinuka ka na nga, sinisiksik mo pa ang sarili mo? Ang cheap mo naman!" pang-iinsulto ni Erika. Ang mga kasama nina Drei na babae ay mukhang dudumugin na siya pero hindi siya papatalo sa mga ito basta isa-isa lang.
"Mas ka! Hindi ka welcome rito!"
"Hindi naman ako nagpapa-welcome sa 'yo!" Padabog na tinalikuran ni Erika ang mga ito pero hinila siya ni Drei at dinala sa cottage.
Pagkasara ng pinto, niyakap siya ni Drei. "Bakit hindi mo sinabing susunod ka rito?"
Itinulak siya ni Erika na nakasimangot. "Magtatabi pala kayo mamaya? Wow!"
"Sa kabilang kama siya, kasama niya ang sis din namin," depensa ni Drei. Dalawa ang kama ng kuwarto na pang dalawahan kaya nang malaman ni Mariah, walang pasabing inilipat nila ni Cheena ang mga gamit.
"Sana hindi na pala ako pumunta para naging masaya ka!"
"Hon naman, wala akong gagawing masama."
"Tigilan mo ako, Drei! Alam ko na ang mga kagaya mo!"
"Wala talaga." Lumapit si Drei at hahawakan sana siya pero tinabig niya ang mga kamay nito.
"Huwag mo akong hawakan at huwag mo rin akong angkinin dahil hindi ko masisikmurang may iba ka pa!" singhal ni Erika at lalabas sana pero hinarangan siya ni Drei. "My ghad! Sa ganda kong 'to, hindi ka pa na-satisfied sa akin?"
"Pinagsasabi mo? Loyal na ako sa 'yo."
Seryosong sabi ni Drei. Wala siyang balak na ipagpalit pa si Erika o maghanap pa ng iba, kung alam lang nito kung gaano kalalim ang pagmamahal niya rito.
"Siyempre kaharap mo ako!" pagsisinuplada ng dalaga. "Tumabi ka, lalabas ako!"
"Ayoko! Makinig ka muna sa akin! Wala talaga akong gusto sa 'yo! Mahal kita at kung alam mo lang, ikaw ang palaging iniisip ko!"
Pareho silang napatingin sa pinto nang may kumatok.
"Buksan mo! Ang linta na 'yan na dikit nang dikit sa 'yo!"
Laylay ang balikat na lumapit si Drei sa pinto. Kapag ganito ang modo ng fiancée, mahihirapan siyang suyuin ito.
"Oh?" Si Drew na hinihila si Lyn ang napagbuksan niya.
"Dalawa pala ang kama kaya rito na kami ng asawa ko," sabi ni Drew at pumasok saka ibinagsak sa kama ang bitbit na mga gamit nila.
"Hindi mo ako asawa!" nanggigigil ma sabi ni Lyn at hinila ang kanang kamay. Kanina pa sila naghahatakan ni Drew dahil uuwi na siya.
"Asawa na kita."
"Managinip ka!" singhal ni Lyn.
"Bahala ka! Pero papakasalan kita kapag graduate na tayo!"
"As if na papayag ako!" Si Drei ay lumapit kay Erika at naupo sa tabi nito sa kabilang kama.
"Wala kang choice dahil may anak na tayo!"
"Magiging single mother ako!"
"Wala namang double mother kaya single father rin ako oras na makasal na tayo!"
"Uuwi na ako!"
"Bakit ba ang suplada mo? Ikaw na nga 'tong minamahal eh!" napipikon na sabi ni Drew. Ang hirap intindihin ni Lyn.
"Ang arte mo Lyn!" sabat ni Erika na nakasalubong ang kilay. "Humihingi na nga ng sorry si Drew, ayaw mo pang patawarin."
"Hindi mo kasi naiintindihan!" sagot ni Lyn. "Hindi naman ganoon kadali ang magpatawad."
"Ano ang gusto mo? Patagalin natin?" hindi makapaniwalang sagot ni Drew. "Ilang beses ko bang sabihin sa iyong mahal kita, magbabago na ako, papakasalan kita at patawad? Paano kung mamatay ako bukas? Kapag pala magpatawad ka, matagalan?"
"Buhay ko ito kaya ako ang masusunod!" sagot ni Lyn.
"Lintik na buhay na meron ka!" pikon na sabi ni Drew. Sina Erika at Drei ay nakikinig lang sa kanila. "Okay lang sana kung hindi mo ako mahal pero alam naman natin pareho na mahal mo ako! Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Ano ba ang gusto mo? Lumuhod ako sa harapan mo? Ibalik natin ang oras? Luluha ako ng dugo para lang mapatawad mo? Ano?"
Natameme si Lyn sa mga pinagsasabi ni Drew lalo na sa desperadong mukha nito. "Lyn naman! Pagod na rin naman ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. Sabihin mo, ano ba ang gusto mo? Ano ba ang hinihintay mo para mapatawad ako at makapag-umpisa na tayo?"
Nang hindi sumasagot si Lyn ay lumabas si Drew at pabagsak na isinara ang pinto.
"Ang arte mo kasi!" wika ni Erika na naiinis sa kakambal.
"H-Hindi mo kasi naiintindihan."
"Kasalanan mo rin naman! Kayo ng Drei na ito! Kung hindi ninyo inilihim, sana maayos na ang pagsasama ninyo! Responsableng tao naman si Drew, ayaw mo lang bigyan ng pagkakataon!" Sarap tirisin ni Lyn! Hindi na niya ito maintindihan dahil kung siya ang sa kalagayan nito, patatawarin niya si Drew.
"Kukuha lang ako ng makakain natin," sabi ni Drei.
"Sasama kami ni Lyn!" wika ni Erika.
"Dito lang kayo, hon, magpahinga muna kayo dahil pagod pa kayo sa biyahe."
"Hindi ako pagod! Nag-enjoy ako sa biyahe kaya sasama kami ni Lyn dahil baka hindi ka na makakabalik mamaya! Mahirap na!" giit ni Erika. Nasa paligid lang ang mahaharot na barkada nito kaya hanggat maaari, hindi puwedeng mawala si Drei sa paningin niya.
"Sige, sumama na lang kayo," sabi ni Drei at napangiti. Isa sa mga nagustuhan niya kay Erika ay ang pagiging possesive nito. Kung ibang babae lang siguro, maiirita siya pero kapag si Erika, natutuwa siya. Ang hindi nito alam, gusto rin niyang nakikita at nakakasama ito dahil mas takot siya na baka ipagpalit siya sa iba. Kung puwede nga lang lumipat siya sa Westbridge para mabantayan ito, gagawin niya pero alanganin na.
"Nasaan na kaya si Drew?" tanong ni Erika habang naglalakad sila patungo sa rest house ng barkada nina Drei.
"Nandoon na 'yon sa ibang babae!" sabi ni Lyn.
"Sabi na sa 'yong bantayan mo ang ama ng anak mo eh!" Pinapagalitan niya ang kakambal kaya natatawa na lang si Drei sa dalawang kasama. Para silang mga batang handang kuyugin ang kaaway ng isa sa kanila.
"Hayaan mo siya! Doon siya masaya e!" nakasimangot na sagot ni Lyn nang makitang nakaupo sa batuhan si Drew at naninigarilyo kasama ang mga barkada nitong lalaki.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon