36

1.5K 58 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )
R-18

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 36

Unedited...
Tumayo si Drew at pinatayo rin si Lyn. "Balik
na tayo sa cottage, alas dose na," yaya niya
habang ang iba ay nagsasayawan na na
nakalibot sa apoy na nasa gitna ng circle
nila. Tumigil na rin ang mga ito sa paglalaro.
"Saan ka matutulog?"
"Sa cottage natin," sagot ng binata.
"Wala ka bang cottage na sa 'yo lang?"
Ngumisi si Drew at hinapit siya sa bewang.
"Gusto mo, solo natin ang kuwarto?"
malanding sabi nito kaya itinulak ni Lyn.
"Matulog kang mag-isa mo!" Naasar siya!
Ayaw niyang makasama ito sa iisang silid
dahil nabu-buwesit siya.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita
gagahasain dahil nandoon sina Erika!"
"Wala ka na bang ibang iniisip kundi 'yang
kamanyakan mo?" singhal niya at nauna
nang maglakad kay Drew. Nakasunod naman
ang binata.
"'Yan din kasi ang iniisip mo kaya sinasagot
ko lang."
"As if na nababasa mo ang isip ko!" sabi ni
Lyn. Medyo madilim na sa dinadaanan nila
dahil malayo ang agwat ng mga poste.
"Oo, Drew, Drew raw sabi ng isip mo!"
pamimilosopo ni Drew. Tutal, hindi naman
niya makausap ito ng matino.
"Huwag ka na kasing magpakipot, Lyn,
napapagod na ako!"
"Mas napapagod ako!" sagot ni Lyn na hindi
na maipaliwanag ang galit. Kapag kasama
niya ito, ang inis ang nangingibabaw kaysa
pagmamahal. Sino ba naman ang seseryoso
sa mga pinagsasabi nito? Ang bilis magbago
ng isip ni Drew. Mamaya unti, lalayasan siya.
Kulang sa tiyaga 'ika nga.
"E di pumayag ka na sa gusto ko!"
pangungumbinse ni Drew at hinatak ito sa
kanang kamay. "Mag-usap muna tayo ng
masinsinan."
Mabuti na lang dahil nagpatangay si Lyn
nang hatakin niya ito patungo sa batuhan at
naupo sila. Madilim sa paligid dahil nakatago
ang buwan sa makapal na ulap at ang
malalakas na paghampas ng alon sa pusod
ng dagat ang kanilang naririnig. Kahit ang
tilian ng mga kasamahan ay mahina na rin sa
kanilang kinaroroonan.
"Lyn, hindi na ba natin mabalik ang dating
ikaw at ako? Iyong nagmamahalan tayo?
Iyong hindi mo ako inaaway at wala tayong
ginagawa araw-araw kundi ang magpakita at
magparamdam kung gaano kahalaga sa atin
ang isa't isa?" tanong ni Drew na nilalaro
ang kanang palad ni Lyn. Napapagod na
talaga siya sa kakapaliwanag dito at kaka-
explain na magbabago na siya.
"Kung hindi ka sana nagloko, e di masaya
sana tayo," sagot ni Lyn na napapagod na
rin sa away nilang dalawa. Minsan na rin
naman siyang nangarap na mamuhay kasama
si Drew.
"Alam ko..." malungkot na sagot ni Drew at
itinapon ang nahawakang bato sa tubig.
"Hindi ba talagang magsimula tayo? Hindi ba
puwedeng kalimutan natin ang nakaraan?"
pagbabasakali niya.
"Hindi ko rin alam."
"Alam kong gusto mo pero nangingibabaw
lang sa 'yo ang pride mo!"
"Wala kang alam sa nararamdaman ko,
Drew."
"Psh! Ang hirap mong kausapin, pero kapag
magsama na tayo sa kama, hindi ka naman
tumatanggi at mas nag-enjoy ka pa nga
kaysa sa akin."
"Yabang mo!" naiinis na sagot ni Lyn. Heto
na naman sila, kaya hindi sila natatapos sa
giyera dahil biglang umiiba ang timpla ng
usapan.
"Masyado ka kasing seryoso at paulit-ulit
lang, nandoon na tayo pero mamaya,
babalik ka na naman sa umpisa."
"Ano ba ang gusto mo, Drew?"
"Magkabati na nga tayo at aayusin natin ang
pamilya natin dahil kating-kati na ako na
makasama ka at tumigil na ang away natin!
Nakakabobo, nakakagago at nakakabaliw ang
ganito!"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni
Lyn. "Subukan lang natin, Lyn,"
pakikipagsapalaran naman ni Drew.
"Fine," pagsuko ni Lyn. Masyado pang
maaga pero susubukan lang naman nila.
"Really?"
"Ayaw mo?"
"Siyempre gusto!"
"Tara na, balik na tayo sa cottage," yaya ni
Lyn nang tumayo kaya tumayo na rin ang
binata.
Hinawakan ni Drew ang kaliwang kamay niya.
Hihilain pa sana niya pero pinisil ito ni Drew.
"Holding hands tayo, Babe, parang noong
sa Palawan!"
Hanggang sa makarating sila sa cottage ay
hindi talaga binitawan ng binata ang kamay
niya. Pagpasok nila, nakaupo sina Erika at
Drew sa magkabilang kama na hindi pa rin
maipinta ang mukha ni Erika.
"Bibihis ako," sabi ni Lyn kay Drew kaya
binitawan nito ang kamay niya. Kumuha siya
ng damit sa bag at pumasok sa CR.
Paglabas niya, tahimik pa rin ang tatlo. Si
Drew ay nanonood ng tv.
"Drei, tabi kami ni Lyn ha!" wika ni Drew.
"Ayoko nga!" sabat ni Lyn at pinandilatan
ito.
"Tabi kami ni Lyn!" nakasalubong ang kilay
na sabat ni Erika.
Lumipat si Drei sa kamang inuupuan niya at
hinawakan ang mga kamay niyang nasa lap
niya. "Hon? Huwag ka nang magalit sa
nangyari kanina, hindi naman ako ang
humalik sa kaniya." Masama talaga ang loob
ni Drei. Dapat si Erika ang humingi ng sorry
sa kaniya dahil ito ang humalik kay Yolo
pero nagkabaliktad pa ang sitwasyon, siya
hetong humihingi ng kapatawaran sa fiancée.
"Huwag mo akong kausapin!" sabi ni Erika at
nahiga saka nagtalukbong ng kumot. Si Lyn
ay nakapikit na dahil sa sobrang pagod pero
si Drew, nanonood pa rin ng TV
"Hon naman, sorry na," sabi ni Drei at hinila
ang kumot nito saka tinabihan si Erika.
Tumayo si Drew saka pinatay ang ilaw at
naupo sa kama ni Lyn kaya ang TV na lang
ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid.
Hindi umimik si Erika. Basta galit siya kay
Drei. Tumalikod siya sa binata saka
pinahidan ang tumutulong mga luha. Ang
sama talaga ng loob niya. Sa harap pa niya
naghalikan ang dalawa. Ang masama, ang
bilis ng pangyayari na wala man lang siyang
nagawa para pigilan ang malanding babae.
Biglang dumilim ang buong silid dahil
pinatay na ni Drew ang tv at tumabi kay
Lyn.
"Hindi mo ba ako mapapatawad?" sobrang
hinang bulong ni Drei sa fiancée saka
pinaharap ito sa kaniya at niyakap pero
tinutulak siya ni Erika.
"Sorry na, ikaw ang mahal ko," bulong ni
Drei at hinaplos ang pisngi nito. Kahit na
hindi niya nakikita, kabisado na niya ang tila
anghel na mukha ng dalaga.
"Drei," pabulong na saway ni Erika nang
naglakbay ang mga kamay ng binata sa
ilalim ng blusa niya.
"I love you, honey," bulong ni Drei at
pinausdos ang kaliwang kamay pababa sa
puson ni Erika habang ang isa ay naiwang
pumipisil sa dibdib nito.
"H-Huwag ooooh... T-Tigilan mom-uhmp!"
Napaliyad siya nang angkinin ni Drei ang
kaniyang mga labi at hinimas ang kaniyang
hiyas nang makarating ang kaliwang kamay
nito sa target na puntahan.
"F-Fuck you... Oooh!" Pigil na pigil na pag-
ungol niya dahil baka marinig ng nasa
kabilang kama. Tumigil si Drei sa paghalik sa
kaniya at pumaibaba ang mga labi sa
kaniyang dibdib. Napakagat siya sa ibabang
labi para hindi umungol dahil inumpisahan
nitong igalaw ang gitnang daliri palabas
pasok sa kaniyang pagkababae habang
palipat-lipat ang pagsipsip nito sa
magkabilang nipples niya.
"G-Ghad!" bulong ni Drei at napakagat sa
kanang nipple ng sinasambang katawan nang
ipasok ni Erika ang kanang kamay sa shorts
niya at sinimulang paglaruan ang pagkalalaki
niya. Napapamura na siya sa isipan dahil sa
ginagawa ni Erika. Ang isiping ito ang may
hawak sa kaniya, mas lalong nagpagising at
nagpatayo sa alaga niya.
"H-Hon..." bulong niya saka ibinaba ang
shorts nito kasama ang panty.
"I w-want you, Drei," bulong ni Erika na
ilang beses na napapalunok ng laway dahil
natutuyuan ang lalamunan niya sa init na
dulot ng mga palad ni Drei sa kaniyang
buong katawan. Siya na ang bumaba sa
shorts ni Drei at naramdaman niya ang
mainit na hininga nito sa leeg niya matapos
pumatong ito sa malambot niyang katawan.
Napahawak siya sa dibdib nito at hinimas
ang abs.
"Hmmmm..." ungol ni Drei dahil sa sarap na
dulot ng mainit na palad ng dalaga.
Pakiramdam niya, isa siyang diyos sa
Olympus na sinasamba ni Erika. Parang may
night vision ang pagkalalaki niya na kahit
madilim, alam at nakikita pa rin nito ang
daan patungo sa kuweba ni Erika.
"Ooohhh..." ungol ni Erika nang marahang
ipinasok ni Drei ang ari sa kaniya kaya
mapusok na inangkin ni Drei ang mga labi
niya para hindi lumikha ng ingay habang
dahan-dahang gumalaw sa ibabaw ni Erika.
"L-Lyn... Ahhhh!" Narinig nilang ungol ni
Drew na gumagalaw na rin ang kama ng
nasa kabila.
"D-Drew..." ungol din ni Lyn kaya tumigil si
Drei sa ginagawa at niyakap si Erika.
"Nag boboom boom paw rin kayo?" tanong
ni Erika at napayakap kay Drei nang
magsimula na naman itong gumalaw pero
tunog ng halikan ang isinagot ng nasa
kabilang kama.
"Let's mind our own business, honey!"
bulong ni Drei saka binilisan ang pagtrabaho
kay Erika. Mabuti na kang dahil hindi na
nag-usisa pa si Erika at sinasalubong ang
bawat paggalaw niya. Sa bawat ungol nina
Drew, ungol din ang ganti nina Drei.
"Damn! D-Drei, I'm cumming! Ooohh..."
ungol ni Erika na halos sabunutan na si Drei
dahil sa sarap.
"D-Drew, sasabay yata ako kay Erika...
Ahhhh." ungol din ni Lyn at hinawakan ng
mahigpit ang pang-upo ni Drew kaya mas
lalong sumidhi ang init at sarap na
nararamdaman ni Drew.
"Cum with me, babe!" sagot ni Drew at nag-
deep penetration kaya mas lalong
napapadyak si Lyn sa ginagawa saka
hinahabol ang bawat pagsayaw ni Drew
hanggang sa nakisabay sa kapatid na
ibinigay ang huling ungol nang marating ang
rurok ng kaligayahan.
"Aaaaaah..." hiyaw ni Drei at mabilis na
hinugot ang pagkalalaki at napayakap kay
Erika. Sabay lang din sila ng kakambal
nilabasan. Katahimikan at malalalim na
buntong hininga ang sumunod na ingay.
Walang nagsalita sa kanilang apat at pawang
pagod na nakayakap sa kanilang mga mahal
sa buhay. Ilang sandali pa ay bumangon si
Drei at niyakag si Erika patungo sa shower
room para maghugas ng sarili. Si Drew ay
pagod na nanatili sa loob ni Lyn habang
nakatakip ng kumot ang kanilang katawan
kaya hinayaan na ng dalaga. Alam naman
niyang hindi bubuksan nina Erika ang ilaw.

A/n:
Wala na. Puro ganito ang eksena. Hahaha!
Hindi sana nagkabaliktad ang names.
Hahaha. Baka ang partner ni Drei, naging si
Lyn na. Lol!

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon