15

1.3K 54 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...
"Teka lang, Kuya!" sabi ni Erika sa driver at naupo nang maayos. "Sandali lang ha."
Binuksan niya ang bintana. Hindi siya puwedeng magkamali! Si Drei talaga ang nakikita niya kasama ang babaeng pumunta sa mansion nila noong may unplanned party ang mga ito.
"Ano 'yon sis?" nagtatakang tanong ni Lyn at napatingin din sa labas. "Si Drei ba 'yon?"
Nakaakbay si Drei sa babae at todo hawak naman ang babae sa bewang ni Drei.
"Kuya, itigil mo 'to!" Utos ni Erika pero agad na isinakay ni Drei ang babae sa kotse nito at sa front seat pa talaga.
"Sundan mo kuya!" nanggigigil na utos din ni Lyn sa driver.
"Oo, sundan mo kuya at masabunutan ang babae!" Utos ni Erika at binuksan ang shoulder bag saka inilapas ang gunting na ginagamit niyang panggupit sa papel.
Parehong galit ang dalawang babae lalo na nang matapos ang bente minutong pagsubaybay ay itinigil ni Drei ang sasakyan sa labas ng mamahaling hotel.
"Kuya, dito ka lang!" bilin ni Erika saka patakbong sinugod si Drei. Nasa likuran lang niya si Lyn.
"Drei, sandali!" sigaw ni Erika habang kausap ng dalawa ang receptionist ng hotel.
"E-Erika?" nagulat na sabi ni Drei.
"Oo, ako nga!" Taas noong sagot ng dalawa.
"Who is she?" malanding tanong ng babaeng kasama ni Drei.
"Ako ang puputol sa sungay mo para isaksak mo diyan sa pagkababae mo nang hindi ka na mangati!" sagot ni Erika at mas tinaasan ng kilay ang babaeng kaharap.
"Erika, sa bahay na lang tay--"
"Huwag mo siyang kampihan kung ayaw mong pareho ko kayong kakalbuhin!" pagbabanta ng dalaga saka dinuro si Drei.
"Sino ka ba, ha?"
"Ikaw? Maliban sa retokadang dibdib at ilong mo, sino ka pa ha?" baliktanong ni Erika at namewang.
"Erika, huwag kang mag-eskandalo rito!" saway ni Drei dahil ang dami nang nakatingin sa kanila.
"Ako pa ang nag-iiskandalo? Ang pakikipaglandian sa fiance ng iba, hindi eskandalo?"
"Ow? Fiancee ka niya? Ilusyunada!" sabat ng babae.
"Tanong mo pa kay Drei! Huwag mo akong hamunin kung ayaw mong paputukin ko 'yang silicon sa dibdib mo!"
"Ang kapal ng mukha mo! Ako lang ang girlfriend ni Drei!" singhal ng babae kaya hindi na nakatiis si Lyn na nakikinig lang.
"Hoy, babaeng ipinaglihi sa plastic surgery, huwag kang magmatapang-tapangan sa harapan namin!" Mataas na rin ang boses ni Lyn.
"Ano'ng plastic surgery ang pinagsasabi nin--ouch!" hiyaw niya nang sabunutan na ni Lyn.
"Huwag mo akong hamuning malandi ka!" gigil na gigil na sabi ni Lyn habang hinihila ang mahabang buhok nito.
"Araaaay!"
"Hawakan mo, Lyn!" Sabi ni Erika at gigil na gigil habang ginugunting ang buhok ng babae. "Dapat sa 'yo, kaibigan kasi malandi ka!"
"Shit! Tama na!" saway ni Drei at hinila si Erika palayo sa babae kaya si Lyn na lang ang sumasabunot sa babaeng hindi na alam kung saan kakapit.
"Bitiwan mo ako!" Kinagat ni Erika ang kamay ng binata kaya nabitawan siya nito. Muli na naman siyang tumakbo para saklolohan ang kakambal at parang lubid na pinaikot niya ang buhok nito sa kamay niya para kung hilain siya muli ng binata, mahihila rin niya ang babae.
"Tama na!" saway ni Drei pero mukhang bingi ang dalawa kaya lumapit na ang security guards para awatin ang tatlo dahil napunit na ang damit ni Messy.
"Ano? Lalaban ka pa?" sigaw ni Lyn nang matigil sila ng guwardiya.
"'Yan ang bagay sa mga malalanding kagaya mo!" sabi ni Erika habang hawak pa niya ang isang dakot na buhok nito.
"P-Pagbabayaran ninyo ito!" umiiyak na sabi ng dalaga at nanlulumo sa maganda at malagong buhok niya na ginupit ng kambal.
"Ikaw ang magbabayad dahil ikaw ang may kasalanan!" singhal ni Erika pero tumahimik bigla nang mapadako ang mga mata kay Drei na galit na galit na.
"Erika? Labas na tayo, dali!" bulong ni Lyn at hinila ang kakambal dahil mukhang may nagvi-video n sa kanila.
"Takbooo!" sigaw ni Erika nang paglingon ay sumusunod sa kanila sk Drei. Mabilis na binuksan nila ang sasakyan sa back seat nang makalapit.
"Kuya, pakibilisan, dali!" Utos ni Erika at natatawa dahil hanggang ngayon ay hawak pa niya ang buhok ni Messy.
"Loka ka! Kawawa tuloy siya!" natatawang sabi ni Lyn.
"Ikaw kaya ang unang nagsabunot sa kaniya. Hahaha! Isa pa, iyan ang dapat na ginagawa sa mga malalandi, kinakalbo! Gigil niya ako!" natatawang sabi ni Erika pero naiinis siya kapag maisip si Drei.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Lyn. "Nanggigil na ako sa kaniya e! Ang tapang pa niya kaya sinunggaban ko na! As if na mahal siya ni Drei!"
"Ramdam ko nga ang panggigigil mo. Parang ikaw lang ang kasintahan e!" sabi ni Erika at lumuwag ang dibdib. Pakiramdam niya ay napalabas niya ang sama ng loob na dinadala sa ilang buwang pananatili niya kina Drei.
Pagdating nila sa mansion, agad na pumasok sila sa kuwarto dahil baka si Drei naman ang kakalbo sa kanila.
Dalawang oras na sila sa kuwarto pero wala naman silang narinig na tawag ni Drei.
"Lyn? Labas na tayo," yaya niya pero paglingon niya ay mahimbing na natutulog na ang kapatid kaya siya na lang ang lumabas sa kuwarto dahil nababagot na siya.
Pagbaba niya sa sala, nadatnan niyang nakaupo si Drew sa sala.
"Nakauwi na pala kayo," sabi ng binata nang mapansin siya.
"Kanina pa. Nakita mo ba si Drei?" usisa niya.
"Nasa kuwarto na niya."
"Lumabas ba siya?"
"Hindi pa, bakit?" tinatamad na sagot ng binata.
"Wala."
"Pupunta ka ng kusina? Padala naman ako ng niluto ni Manang na macaroni salad," pakiusap ng binata.
"Nagluto pala siya ng salad? Ikaw na lang ang kumuha."
"Ikaw na, tinatamad akong tumayo!"
"Grabe ka! Ako ang babae pero ako ang inuutusan mo!" reklamo ni Erika.
"Pupunta ka naman kaya pakisabay lang. Puwede namang tawagin si Manang kung ayaw mo," depensa ni Drew. Ang totoo ay may pilay siya sa paa at hinihintay lang ang masahista. Natumba siya sa motor kahapon pero gasgas lang naman.
"Ako na," sabi ni Erika saka tumungo sa kusina. Pagbalik niya ay bitbit na niya ang salad. Tig-isang plato sila.
"Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong niya nang mapansing napahawak ito sa kanang hita.
"Wala ito."
"May pilay ka? Patingin," concern na sabi niya. Makikita sa mukha nito ang pamimilipit sa sakit.
"Malapit siya sa itlog ko," sagot ni Drew.
"Huwag na nga lang, kaya mo na 'yan!" Sinamaan niya ng tingin si Drew. Kahit na nasasaktan ito, hindi talaga nawawala ang pagiging manyak nito.
"Akala ko ba, gusto mo akong matulungan. Erika, tingnan mo nga," pangungulit ni Drew sa katabi at sinundot ang tagiliran.
"Heh! Lumayo ka sa akin!" Umusod siya palayo kay Drew.
Kumain na silang dalawa ng salad habang nanonood ng tv. Mayamaya panay hindi nakatiis si Erika kaya hinarap niay si Drew.
"Bakit ba ang manyak mo?" out of the blue na tanong niya kaya tinaasan siya nito ng kilay.
"Bakit mo natanong? Gusto mo bang mamanyak?" pilyong tanong ni Drew at tinitigan sa mukha ang dalaga.
"Drew..." sambit ni Erika nang hawakan nito ang baba niya saka pinahidan ng hintuturo ang gilid ng kaniyang kanang labi.
"Ang kalat mong kumain," sabi ng binata at dinilaan ang hintuturo niyang may cream ng salad. "Gusto ko sanang punasan gamit ang dila ko kaso baka mahuli nila tayo."
Natameme si Erika at pinagmasdan si Drew. Gwapo ito. Pilyo kung pagmasdan at hindi siya sigurado kung kaya nitong magpakaseryoso sa isang buong araw dahil nakilala na niya ito sa pagiging pilosopo.
"Alam kong guwapo ako kaya hindi mo na kailangan pang pag-aralan ang anggulo ng mukha ko," aniya sabay smirk.
"Oo na! Guwapo ka na!" pagsang-ayon ni Erika dahil iyon naman ang totoo. Umayos siya sa pagkakaupo at inilipat ang mga mata sa TV.
"Erika?" tawag ni Drew at biglang sumeryoso ang mukha.
"May sasabihin ka?"
"Alam mo bang maganda ka para lang ipagpalit ng lalaking mahal mo sa iba?" Humarap si Erika sa binata. Puno ng kalungkutan ang mga mata nito kaya bigla siyang kinabahan. May nais ba itong ipahiwatig sa kaniya?
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Naalala mo ba noong birthday party namin? Noong bata pa tayo?"
Ngumiti si Erika. "Paano ko makakalimutan ang araw na iyon? E iyon ang araw na hinalikan ako ni Drei," sagot niya. Doon nagsimula ang lahat kung bakit engaged na sila ngayon.
"Alam mo ba kung bakit ka hinalikan ni Drei noon?"
"Kasi bata pa kami?" patanong na sagot ng dalaga. Iyon naman ang sabi ni Drei sa kaniya. "At ang ingay ko pa raw."
"Maliban doon, alam mo pa ba ang tunay na rason?" usisa ni Drew kaya nagtatanong ang mga matang sinalubong niya ang mga mata ni Drew.
"A-Ano pa ang ibang rason?" Kinabahan siya. Bakit ayaw pa niyang magkaroon ng iba pang rason ang paghalik ni Drei sa kaniya noon?
Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Drew bago magsalita.
"Inutusan ko siya," sagot ni Drew.
"I-Inutusan mo siya?" ulit ni Erika na nanginginig ang boses.
"Oo, inutusan ko siya na halikan ka dahil..."
"Dahil ano?"
"Gusto kita..." pag-amin ni Drew.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon