21

1.4K 60 1
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21 ( Milk )

Unedited...
"Uuwi na ako!" sabi ni Erika nang tumakbo
palabas ang kakambal niya habang si Drew
ay naupo sa sofa at napatakip ng kamay sa
mukha at hindi alam ang gagawin.
"Sino ang may sabi sa iyo?" sabi ni Drei na
lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa
kaliwang braso. "You're not going anywhere,
Erika!"
"I want to go home!"
"This is your home!" he shouted and looked
at her in a very angry way.
"B-But my twin, she needs me. I need to see
her," she cried.
"She'll be fine!"
Tumayo si Drew at wala sa sariling lumabas
ng mansion.
"D-Drei, please, kailangan ako ni Lyn."
"Why? Because you felt guilty, Erika?" he
chuckled.
Hindi makakibo ang dalaga.
"I-I... I didn't mean to hurt her..."
"It's already done, Erika!" nagtagis ang mga
bagang ni Drei. Kung puwede lang durugin
ang dalaga, kanina pa iti nagkapira-piraso
dahil sa galit niya!
"Hindi ka uuwi, dito ka lang!"
"A-Ayoko na..."
"Oras na umuwi ka, malalaman ng pamilya
mo ang buong nangyari!"
"Wala akong kasalanan! Hindi ko alam na sila
pala!"
"What if hindi mo pa nalaman? Would you
continue your affair with my brother?" Hindi
makasagot si Erika. Nahulog nga ba ang
loob niya kay Drew? Minahal ba niya?
Naguguluhan siya! Kahit ganoon ang binata,
naging karamay naman niya ito noon sa
maling akala niya.
"Ano? Ide-deny mo?"
"W-Wala kaming relasyon," she murmured.
"Ano lang? Tikiman?"
"D-Drei..."
"Stop acting na inosente ka! Ano'ng tingin
mo sa akin? Tanga? Bulag?" Napaupo si Erik
at nakayuko. Mali naman ang ginawa niya na
gusto niyang pagsisisihan.
"Hindi mo ba alam na malaking insulto sa
pagkatao ko na nandito ka sa bahay namin,
ako ang fiance mo, pero iba ang kumakama
sa iyo?"
"Walang nangyari sa amin ni Drew!" mabilis
na depensa ni Erika.
"Walang nangyari pero naghalikan kayo?"
"W-Wala--"
"Stop pretending, Erika! Nakita ko! Nakita
ng dalawang mga mata ko na naghahalikan
kayo rito sa sala at ang kababuyang ginawa
ninyo sa gilid ng pool!" Kaunti na kang ay
sasabog na ang buong katawan niya! Mula
sa kuwarto niya, nakikita niya ang ginagawa
ng dalawa kaya tumungo siya sa bar at
nagpakalasing. Masyadong naapakan ang
ego niya!
Napatakip si Erika ng mukha at umiyak.
Sinisikap niyang walang tunog ang paghikbi
niya.
"I k-know it was my fault but... But..."
"But what? Nadala ka lang? Nagustuhan
mo? Ano?" sunod-sunod na tanong ng
binata.
Naghahanap si Erika ng maisasagot pero
wala siyang mahagilap. Mayroon bang valid
reason ang ginawa nila ni Drew?
"Ano, Erika?"
Napapitlag ang dalaga at buong tapang na
tumayo saka hinarap si Drei. "Hindi naman
ikaw ang may gustong humalik sa akin
noong bata pa tayo! Si Drew naman ang
nag-utos sa 'yo!" sumbat niya.
Ngumisi si Drei. "Iyan lang ba ang rason
mo? Kailan mo lang ba nalaman ito?
Matapos mong makipaghalikan kay Drew,
tama ba ako? Huwag mong gawing dahilan
ang nangyari sa nakaraan sa kasalanan mo sa
kasalukuyan! That is so irrational!"
"Bakit ba big deal sa iyo ang pakipaghalikan
ko kay Drew? Hindi mo naman ako gusto
noon pa dahil inutusan ka nga, 'di ba?" giit
niya.
"Problema mo sa kiss natin?" he asked back.
"Dahil doon nagsimula ang lahat! Kung hindi
mo ako hinalikan, wala sana tayo ngayon sa
sitwasyong ito!" she answered.
"Stop blaming me sa mga walang kuwentang
ginawa ninyo! Kung hindi ka naglupasay na
mapakasal ako sa iyo, hindi sana nangyari
ito! You and your fairytale beliefs!"
Napaatras si Erika dahil naglalakad ito
palapit sa kaniya na para bang turo na
tutuhugin siya ng matatalim na sungay nito.
"Do you think, mauutusan ako ni Drew sa
bagay na hindi ko naman gustong gawin?"
he asked. Do you think, uto-uto ako at kay
Drew pa?"
"W-What does it mean?" she stepped
backward.
"Nobody can push me to do something
which I don't like. Unless, ikaw ang may
gustong gawin ko!" He smirked.
"I'm sorry, binabalewala mo lang kasi ako.
P-Parang wala akong halaga sa iyo..." she
bit her lower lip.
"Because unlike you, I can't control my
sexual desire when it comes to you!" he
replied.
She swallowed her saliva and unshed tears
stung her eyes because of what she heard.
Ewan, masyado siyang naguguluhan.
"Hindi ka aalis sa pamamahay na ito hanggat
hindi ko sinasabi!" tinalikuran siya nito. Tears
burned her eyes. Kung puwede lang niyang
mabigyan ng linaw ang lahat.
"D-Do you love me, Drei?"
Tumigil si Drei pero hindi ito humarap sa
kaniya.
"That is an arduous question which requires
me a million neurons to answer!"
Hindi alam ni Erika ang gagawin. "Don't
worry, if sure na ako sa nararamdaman ko, I
shall give you an unequivocal answer!" he
promised.
Ilang minuto nang wala si Drei sa harapan
niya pero naguguluhan pa rin siya sa mga
nangyayari. Para siyang isang manlalakbay
na biglang pinasabugannng dinamita sa daan
at nagkapira-piraso ang katawan. Ilang
beses niyang tinatawagan si Lyn pero hindi
nito sinasagot ang mga tawag niya.
Sinusubukan niyang hindi sila
magkasalubong ni Drei sa loob ng mansion
and she succeeded.
Kinabukasan, alam niyang tulog pa si Drei
nang umalis siya dahil ang sabi ng dalawang
katulong, hindi pa ito lumalabas ng kuwarto
niya.
"Lyn!" tawag niya sa kapatid at patakbong
lumapit dito. "L-Lyn, kausapin mo naman
ako o!"
"Bakit?" inosenteng tanong ni Lyn.
"S-Sorry sa mga nagawa ko," paumanhin
niya. "H-Hindi ko alam na kayo pala noon ni
Drew. Hindi mo naman sinabi na m-may
boyfriend ka na pala." The stored tears
started to flow from her eyes.
"H-Huwag kang umiyak, nakakahiya! Para
kang bata!" saway ni Lyn at hinila ang
kakambal sa tree park na kaunti pa lang ang
mga estudyante.
"L-Lyn? H-Hindi ko talaga--
"Ssssh!" Tinakpan ni Lyn ang bibig ni Erika
ng kaniyang mga daliri. "Don't blame your
self, wala kang kasalanan." Naiintindihan niya
ang kakambal. On other point, may mali ri
siya. They promised na wala silang itatago
sa isa't isa pero siya ang naglihim. Natakot
lang siya noon sa mga kapatid dahil ang
lakas manukso ng mga ito. It was her first
relationship. Unfortunately, a failed
relationship.
"H-Hindi ka na galit sa akin?"
Ngumiti siya ay inipit sa tainga ang ilang
hibla ng buhok ni Erika na nakatakip sa
mukha nito.
"Kahit kailan, hindi ako magagalit sa iyo,"
sagot niya at pinilit na itago ang sakit na
nararamdaman. Hindi talaga siya galit sa
kakambal pero may bitterness lang siya sa
mga nangyari. Insecurities din, maybe.
Insecure siya dahil si Erika ang mahal ni
Drew. Insecure siya dahil ito ang pinaglaanan
ng oras ng lalaki na sana ay para sa kanila
ng anak niya. Pero hindi ibig sabihin no'n,
galit na siya kay Erika. She knows her limits.
"Lyn? Hindi na ako lalapit kay Drew,
promise!" she raised her right hand as a sign
of promise. "Hindi ko naman siya mahal e.
Naguguluhan lang talaga ako pero sure na
ako, I don't love him."
"Sige, baka ma-late pa tayo." Lyn stood up.
"Mauna na ako, Sis."
"Lyn? Bati na tayo?"
Isang ngiti ang ibinigay ni Lyn sa kakambal.
"The last time I checked, hindi naman tayo
nag-away?"
Niyakap si Erika. Kahit na alam nila parehong
may gap na sa pagitan nila, sooner or later,
maaayos din nila ang lahat ng gusot.
Half day lang sina Lyn ngayon dahil hindi
papasok ang guro sa panghapon kaya maaga
pa siyang uuwi.
"Hi, Lyn," bati ni Jerome.
"Hi, Alwyn! Kamusta ka na?"
"Okay lang. Nakita mo ba ang pinsan mo?"
tanong ng binata.
"Si Keana?" panigurado niya.
"Yes."
"Nope," tipid na sagot ni Lyn.
"Ah, nasaan na kaya ang isip bata na 'yon?"
"Alwyn, mauna na ako ha," paalam niya sa
binata at iniwan ito. Excited lang siyang
makita ang kambal niya. Sumakay siya sa
taxi at nagpahatid sa condo.
"Ate? Ang babies ko po?" agad na tanong
niya pagkabukas ng pinto. Kahit na
pinapadalhan siya ng monthly allowance ng
mga magulang, nagigipit pa rin siya dahil sa
gatas, diaper, damit, vitamins, at monthly
check-up ng kambal. Nagbabayad din siya
ng tinitirhan nila, bayad sa yaya, pagkain,
lahat-lahat. Suwerte lang niya dahil nandiyan
si Drei na nagpapadala. Kahit paano,
nakakagaan ng bulsa. Nang dinalaw siya ng
mga magulang, mabuti na lang dahil hindi
nahalata ang tiyan niya dahil sa maluwag na
damit. Nang sumunod na dalaw, nagdahilan
na siyang bawal lumabas sa dorm ng school.
"Nasa kuna, naglalaro," sagot nito kaya
mabilis na inilpag niya ang bag sa sofa at
pinuntahan ang dalawa na nasa malaking
kuna na nasa gilid lang ng tv set.
"Hi, boys!" masiglang bati niya sa kambal na
nakangiti. Sinisipsip ng isa ang matabanh
pisngi ng kakambal nito.
"Papalitan ko lang ng diaper," sabi ni
Elizabeth.
"Sige po, magpapalit lang ako ng damit."
Papasok na sana siya sa kuwarto nang
tumunog ang door bell.
"Ako na ho," sabi niya at lumapit sa pinto.
Baka si Drei ang kumakatok. Binigay niya
ang address nila noong isang araw.
Pagbukas niya ng pinto, hindi siya
makagalaw. Pareho lang silang nakatingin sa
isa't isa at walang balak na magsalita. Ilang
minuto na ang lumipas pero nakatayo lang
sila na para bang hindi magkakilala.
"L-Lyn?"
Umangat siya ng tingin. Napansin niya ang
karton na nasa harapan nila.
"May kailangan ka?" tanong ng dalaga na
para bang wala lang sa kaniya ang presensiya
nito.
"Ahm... G-Gatas pala sa... Sa a-anak
natin..." nahihirapang sabi nito na ang
tinutukoy ay ang laman ng karton saka
napasulyap sa loob ng unit nila pero hindi
niya makita nang maayos ang nasa loob
dahil nakaharang si Lyn sa pintuan.
"Salamat," pasalamat ng dalaga. "May
kailangan ka pa?" Tinitigan niya ang binata
pero hindi ito makatingin sa kaniyang mga
mata.
"W-Wala na..." sagot ni Drew.
Katahimikan na naman ang namayani sa
pagitan nila ng ilang segundo. Nakikiramdam
lang kung sino ang unang magsalita.
"L-Lyn, kung may kailangan ka, i-text mo
lang ako para makatulong naman ako kahit
papa'no sa anak natin." Para itong naiihi na
kambing habang nagsasalita na hindi alam
kung ano ang ikikilos.
"Actually, mga anak!" pagtatama ni Lyn.
Gumuhit ang pagkabigla sa mukha nito na
para bang naka-data lang, mahina ang
loading sa utak.
"K-Kambal pala sila?" Ngumiti si Drew pero
ikinainis ni Lyn.
Tinatamad na tumango ang dalaga.
"Aalis na ako," paalam nito na napakamot sa
ulo.
"Mabuti naman," sagot ni Lyn. Kanina pa
niya gustong sipain ito para umalis na.
Nang makapasok si Drew sa elevator, sa
halip na buhatin, tinulak niya ang malaking
karton papasok sa unit.
"Mabuti naman at nagbigay siya!" Wala
siyang mapapala kapag pairalin niya ang
pride dahil siya rin naman ang lugi. At least,
nakakatulong ito financially, sa kaniya pa ang
kambal.
Kinuha niya ang kutsilyo sa kusina para
buksan ang malaking karton na parang
lagayan ng tv. Talagang naka gift wrapper
pa ito.
Nang buksan niya, tumambad sa kaniya ang
napakamaraming lata ng gatas na 2.5 kg.
Parang gusto niya tuloy na magpakuha ng
birth certificate sa NSO para malaman kung
isa nga ba siyang Villafuerte para itrato ni
Drew ng ganito.
"Sana pala, nagkaroon na lang ako ng
kaunting pride!"
Napasulyap ulit siya sa gatas. Kahit ilang
milyong pagkurap pa siguro ang gagawin
niya ay hindi na magbabago ang nakatatak
na "NIDO" sa lata ng gatas na ibinigay ni
Drew para sa wala pang isang taong gulang
na kambal nila.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon