41

1.5K 47 1
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

Unedited...
"Babe? Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Drew. Kakapasok lang niya sa unit ng kasintahan at ito pa ang madadatnan niya.
"Saan ka galing?" walang kabuhay-buhay na tanong ng dalaga. Alas sais pa lang ng umaga kaya tulog pa ang kambal.
"Sa kaibigan ko," sagot ni Drew.
"Mabuti ka pa, nagawa mong magliwaliw," mahinang sabi niya. Tumayo siya para maligo.
"Hindi naman ako nagliwaliw," depensa ni Drew.
"Hindi ba? Okay."
Napabuntong hininga ang binata dahil sa ikinikilos nito. Galing na sila sa sitwasyong naglihiman kaya ayaw na niyang mangyari ulit sa kanila ang dati.
"Nagtrabaho ako kagabi sa bar nila bilang waiter," pag-amin niya. Ang mga matang nakikita niyang nakatitig sa kaniya ay ang mga mata ng taong nagdududa. "Totoo. Ngayong wala ka nang suporta sa mga magulang mo, responsibilidad na kita."
"Hindi mo kailangang gawin 'yan," sabi ni Lyn. Isang linggo nang wala ang kaniyang monthly allowance kaya hindi na siya umaasa. Ang tanging natitira na lang ay ang savings niya na hindi nga aabot sa isang daang libong piso. At least may mga gamit pa siya. Kapag wala na talaga, puwede niyang mabenta ang mga alahas. Ang mga mahalaga na iniregalo sa kaniya ay ipeprenda na lang niya kapag gipit na talaga.
"I have to!" sagot ni Drew. "Kailangan na nating magtipid at magsumikap para sa mga anak natin." Sigurado siyang hindi ititigil ng mga magulang ang suporta lalo na't gusto na ng mga ito na magkaapo at mukhang wala pang balak sina Drei at Erika. Maingat na rin siya dahil baka masundan ang kambal. Gustuhin man niyang magkaanak ulit, hindi pa talaga puwede dahil sa sitwasyon nila ni Lyn. Laging pasalamat nila nang nadatnan ito ng buwanang daloy kahapon.
"H-Hindi ko kaya, suko na ako," naiiyak na sagot ni Lyn. Samu't saring emosyon ang nararamdaman niya.
"Ngayon pa ba, Lyn? Ngayon ka pa bang susuko kung kailan buo na tayo?" Naiinis na siya pero sinikap niyang hindi nito mahalata. "Kahit paano, gumagawa ako ng paraan kaya bakit ka susuko? Hindi naman kita pinapabayaan!"
"P-Pero Drew, nahihirapan na ako. H-Hindi ko na alam ang gagawin lalo na ngayong galit ang mga magulang ko. Kapag tumulong ang mga kapatid ko, madadamay sila. Mabuti na lang dahil nabayaran na ni Erika itong unit. Paano kung matapos na ang buwan? Saan ako kukuha ng pambayad? Paano na ang mga anak ko?" Napahilamos siya ng mukha at muling naupo sa sofa. Saan sila pupulutin ng mga anak niya? Sa lansangan? Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang ama pero hindi siya nito kinakausap.
Kahit ang ina nila, wala ring magagawa. Firstime itong nangyari na nagmatigas ang ama lalo na sa kanilang ina. Sa triplets, kapag si Kim ang mangungumbinse, kaagad itong bumibigay pero hindi ngayon. Walang makakabali sa desisyon ng ama. Kahit pagpasok sa mansion, bawal din siya.
"Hindi mo ba ako sinasama sa mga plano mo? Bakit kayo lang ng mga anak natin ang iniisip mo? Kung matapos na ang unit na ito, umuwi tayo sa bahay. Kubng hindi tayo tatanggapin, lumipat kayo sa unit ko at ako ang magbabayad. Ano ba ang mahirap doon, Lyn?" parang amang sinesermonan niya ang anak kung umakto si Drew. Ang hirap kausapin ni Lyn.
"Hindi mo ako naiintindihan. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Na itinakwil ako ng mga magulang ko? Na ganito na ang buhay ko?" Ne pinsan nila, hindi pa alam ang sitwasyon niya. Alam niyang hindi magsasalita ang ama. Iiwas at iiwas ito kung kinakailangan.
"Mas mahalaga pa pala sa 'yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa mabuo tayo?" malungkot na sabi ni Drew. Kung ibang babae lang ito, kukunin niya ang anak niya at bahala na ito sa buhay niya pero hindi, mahal niya si Lyn at hindi niya ito puwedeng pabayaan kahit na pareho pa silang itatakwil ng mga magulang. "Tumayo ka na diyan! May pasok pa tayo. Huwag kang mag-alala, kapag graduate na ako, hahanap ako ng matinong trabaho para maayos naman tayo pero sa ngayon, magtiis ka muna kung anong meron tayo!"
"Sana maging maayos ang lahat," malungkot na sabi ni Lyn.
"Maayos din 'to basta huwag ka lang bumitaw! Kahit paano, nandito ako, hindi kita iiwan. Mas marami pa ang malala ang sitwasyon kaysa sa atin pero nakaya naman nila kaya huwag mong isipin na ikaw lang ang lumalaban dahil hindi kita susukuan. Hindi sa ganitong sitwasyon, Lyn!"
"Kasalanan mo kasi 'to!" paninisi ni Lyn. "Kung hindi sana kita nakilala, hindi sana magkaganito ang buhay ko!" Napakagat siya ng ibabang labi nang hindi umimik si Drew. Nakatitig lang sa mukha niya. "S-Sorry, hindi lang ako sanay na hindi kinakausap ni Daddy."
"Magbihis ka na," wika ni Drew na pinipigilan lang ang sarili. Alam niyang depressed lang ito kaya kung anu-ano na ang iniisip.
Wala sa sariling pumasok si Lyn sa kuwarto. Napahilamos si Drew sa mukha at kumawala ng isang malalim na buntonghininga. Hindi niya masisisi si Lyn. Masyado pa silang maagang nagkaanak at niloko pa niya ito pero hindi niya puwedeng pagsisisihn ang nangyari dahil may anak sila at iyon ang ipinagpasalamat niya. Ganoon talaga sa una, mahirap. Nangangapa ka pa sa dilim pero darating ang araw, maaayos din ang lahat basta ang mahalaga, hindi ka sumusuko. Nahihirapan din naman siyang mag-adjust pero sumusuko na si Lyn at kapag bumitaw pa siya, paano na?
Nang lumabas si Lyn, napangiti si Drew. Parang wala itong problema, fresh at ang ganda pagmasdan sa kulay puting bestida katerno ng puting shoulder bag at silver sandal.
"Bakit?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga nang mapuna ang mag titig ni Drew.
"Have I told you na ang ganda mo ngayong umaga?" nakangiting tanong ni Drew at hinapit siya sa bewang saka hinalikan sa mga labi, mabilis lang.
"Lahat ng oras, maganda ako!" pagmamalaki ni Lyn na sinisikap na itago ang tuwang nararamdaman. Alam niyang hindi ito nagbibiro. Kabisado na niya si Drew kapag nagsisinungaling.
"Yes, you are beautiful kaya dapat akin ka lang!" Mas lalo niyang idinikit ang mga katawan nila ni Lyn. Naramdaman niya ang pagkailang nito kaya napangiti siya sa naiisip. "May fifteen minutes pa tayo, babe!"
Tumingala si Lyn at ipinulupot ang mga kamay nito sa leeg niya at hinalikan siya sa leeg. Napakagat siya sa ibabang labi nang maramdaman ang mainit na bibig nito na tuluyang nagpagising sa diwa ng maliit niyang ulo pero nawalan siya ng kulay sa ibinulong ni Lyn. "Sorry, Drew! Nakalimutan mo, red tide ako!"
"Fuck!" desperadong sambit niya. Kapag minamalas ka nga naman!" naasar na sabi niya. "Nang-aasar ka lang eh!" At least, nagkakasundo sila sa ganitong bagay.
"Tara na, baka lumabas pa si Yaya at kung ano pa ang maisip niya."
"So? Wala akong pakialam! Pasalamat ka lang talaga dahil save by the napkin ka!"
"Ewan ko sa 'yo, manyak!"
"Sa 'yo lang!"
"Duh! As if na hindi kita kilala, Drew Bautista!" she rolled her eyes. Sana lang ay hindi talaga siya sukuan ni Drew lalo na ngayong hindi man niya aminin pero sobrang kailangan niya ito.
"Kilala mo na pala ako kaya alam mong mahal kita!"
Lihim na napangiti si Lyn. Inaamin niya, mahal nga siya ni Drew at hindi siya manhid para hindi mapansin ang effort at pagbabago nito.
Nang maihatid ni Drew si Lyn, pumasok naman siya. Pagdating niya sa classroom, agad na nahagilap ng mga mata niya ang kakambal, tulala.
"Mas malaki ang pinapasan kong mundo kaya wala kang karapatang umakto na para bang natalo ka sa sugal!" sabi niya at naupo sa tabi ni Drei. "Hanggang ngayon ba, wala ka pa ring tiwala kay Erika? Ako ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo pero napigilan pa rin niya ang sarili kaya ano pa ang ikinaproblema mo?"
"Kung wala kang masabing maganda, pakitikom ng bibig mo!" mahina pero puno ng otoridad na sabi ni Drei. Mula nang ipinakilala siyang boyfriend ni Lyn, nagkaroon na ng lamat ang samahan nila bilang magkambal. Minsan na lang siyang kinakausap ni Drew.
"Huwag ka nang mag-isip ng masama, hindi niya kayang magloko sa iyo kung iyan ang ikinabahala mo." Napasulyap siya sa kapatid. Kung mayroon siyang dapat kainggitan, ang pagiging happy go lucky nito. Kahit na malaki ang problemang kinakaharap, nananatili pa rin itong masaya na para bang ang gaan lang ng lahat. Nabalitaan pa nga niyang naghahanap ito ng partime job.
"Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako," sabi ni Drei.
"Huwag na. Ang pagsuporta mo ng isang taon sa mag-ina ko, malaking tulong na iyon kahit na baliktarin man ang mundo, may mali talaga kayo dahil sa paglihim sa akin!" Iyon talaga ang ikinagalit niya. Ang i-underestimate ang kakayahan niya.
"Masama pa rin ang loob mo? Kung hindi ka sana nagloko, e di wala tayong problema."
"Gamitin mo ang pagloloko ko para pagtakpan ang kamalian ninyo!" Wala talagang tiwala si Lyn sa kaniya kaya ang sama ng loob niya pero ayaw lang niyang manumbat dahil ang dami na nitong problema.
"Huwag mo ngang sirain ang araw ko, Drew!" May problema pa siya kay Erika na hindi niya alam kung ano. Basta hindi siya mapanatag kapag malayo ang fiancée sa kaniya. Para siyang sinisilaban sa kinalalagyan kapag hindi matanaw ng mga mata si Erika. Paano kung may ibang lalaki na gagawa ng mga ginagawa nila? Paano kung may mahumaling ito sa iba?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Drew nang tumayo siya pero tuloy-tuloy siyang lumabas patungo sa parking area.
Pagkarating niya sa Westbridge, napapalingon ang mga estudyante aa kaniya nang pumasok siya sa campus.
Tinatawagan niya ang dalaga pero hindi nito sinasagot ang tawag.
"Kuya!" tawag ni Kean nang makita siya.
"Kean, si Erika?"
"May klase pa ho," sagot ni Kean.
"Puwede ko bang malaman kung saan ang classroom nila?"
"Sige, samahan na kita!"
Nang ituro ni Kean, iniwan na siya nito. Nakatayo siya sa pinto nang nagsilabasan ang mga estudyante.
"Paano nakapasok ang taga CTU rito?"
"Ang cute niya!" sabi ng mga kaklasw ni Erika na pinipigilan lang ang pagtili.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita si Drew. Biglang uminit ang dugo niya sa mga nakapaligid dahil pinagpipistahan na nila ang katawan ng fiancé niya.
"Honey!" bulalas niya at humalik sa pisngi ni Drei. Matagal. Napangiti siya nang hinawakan nito ang maliit niyang bewang gamit ang kanang kamay. "Napadalaw ang fiancé ko?" Talagang nilakasan niya ang boses para marinig ng nasa paligid.
"Can we talk?"
"Sure!"
Dinala niya si Drei sa tambayan. Nasa kusina ang katulong at wala pa ang mga kasama. Hinila siya ni Drei papasok sa maliit na silid niya saka isinara ang pinto.
"Bakit nandito--uhmp!" Sinalubong ni Drei ang mga labi niya ng halik. Mapangahas. Mapang-angkin. Gusto pa sana niyang magprotesta kaso nadadarang siya sa halik nito. Nakakaliyo!
"Damn! Na-miss kita!" bulong ni Drei at sinimulang sipsipin ang balat Sa leeg ni Lyn.
"Oh, Drei, h-huwag!" pakiusap niya. Isang linggo rin niyang tinatakpan ang leeg dahil sa kiss mark na inilagay ni Drei. "Please, huwag sa leeg ko."
Hinatak si Drei para isandal sa pader at nagmamadali itong itinaas ang tshirt niya, exposing her small but firm breasts.
Napakagat siya sa ibabang labi nang maramdaman ang magdiin ng mga labi ni Drei at gamit ang dila, minarkahan siya nito. Nang hindi makuntento, inilipat-lipat ang paghalik palibot sa dibdib niya. And now, puno na siya ng kiss mark at wala siyang magawa kundi hayaan ito sa ginagawa na parang bang isang leon na ngayon lang nakakatikim ng karne. She wants it! Lalo na kapag iparamdam ni Drei nababaliw ito sa katawan niya. Na para bang ang katas ng kaniyang katawan ang nagsisilbing tubig rito para mabuhay.
"Akin ka lang, Erika!" wika nito habang nakatitig sa mga markang ginawa niya para kapag may ibang lalaking magtangkang angkinin ito, malalaman nilang pagmamay-ari na niya ang dalaga. "Walang ibang puwedeng umangkin sa iyo kundi ako lang!" wika ni Drei at hinila ito pahiga sa kama.
"I'm yours, Drei!"

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon