17

1.3K 51 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...
"Manang Lydia, anong oras po ba nakauwi si Drei kagabi?" tanong niya sa katulong na nagma-mop sa sala. Sabado naman ngayon kaya pasado alas otso na siya nang magising. Hindi nga niya narinig ang pagdating ng fiance.
"Hindi pa umuuwi si Drei," sagot ng katulong.
"Hindi ba pa?" tanong niya. "Nasabi ho ba niya sa iyo kung saan siy pupunta?"
"Hindi e. Minsan lang naman 'yon nagpapaalam," sagot nito.
"G-Gano'n ho ba?" Hindi na niya mapigilang mag-isip at magduda. Paano kung may iba nga itong kinakatagpo? Paano kung may mahal itong iba? Siya pa ang lalabas na kontrabida sa lovelife nila?
" Wala naman siguro," bulong niya.
"Gusto mong magkape? Ipagtimpla kita."
"Huwag na po, ako na," sagot niya at tumungo sa kusina. Ang isa nilang katulong ay nasa swimming pool at naglilinis.
Nag-squeeze siya ng orange para gawing fresh juice at naghanda ng sandwich na ang palaman ay nutella. Inilagay niya sa tray at lumabas sa terraza para kumain. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin at mainit ang malambot na balat.
Habang kumakain, kung anu-ano ang naiisip niya. Binalikan niya sa alaala ang mga nangyari buhat nang lumipar siya rito sa bahay ng mga Bautista. Si Drew, ito ang palaging nang-aasar sa kaniya pero ilang beses siya nitong iniligtas samantalang si Drei, palagi siyang binabalewala. Nitong umuwi lang si Lyn, ngayon lang niya nakitang pumirme ito sa bahay. Nitong nakaraang buwan na nga lang din siya nito inilibre ng mga gamit niya.
" Bakit kaya?" tanong niya sa sarili. May iba pa bang paggagastusan si Drei? Barkada!
"Ang layo naman yata ng narating ng isip mo?"
Napasimangot siya nang maupo si Drew sa harapan niya. Ang bango nito at ang preskong tingnan dahil kakatapos lang maligo.
"Sino ang iniisip mo? Ang fiance mo? O ako?"
"Wala ka na ro'n!" pagsisinuplada niya.
"Kung kasama ako sa laman ng utak mo, aba! Malaki ang concern ko. Baka mamaya, hinuhubaran mo na pala ako e di, kawawa naman ako. Hindi man lang makaganti sa 'yo," pilyong sabi nito kaya tinaasan lang niya ng kilay.
"Erika? Huwag mo nang isipin ang bed scene, gawin na lang natin."
"Wala ka ba talagang masabi na matino? Iyong hindi naman kamanyakan?" naiiritang sabi niya.
"Gusto mo ba talaga ng usapang matino?" Sumeryoso ang mukha nito kaya parang naasiwa na naman ang dalaga.
"Y-Yong sakto lang. Iyong hindi ka nambabastos ng babae," naiilang na sagot niya. Ang lakas kasi makapaghamon ng mga mata ng mokong.
"I can't," malungkot na sagot ni Drew. "Erika? Gusto mo ng seryosong usapan?"
"A-Ano ang--"
Napatigil siya sa pagsalita nang hawakan ni Drew ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng table. Kinakabahan siya sa sasabihin nito dahil malakas ang kutob niyang may itinatago ito sa kaniya.
"Alam mo ba kung bakit gusto kitang ligawan? Kung bakit gusto kitang agawin kay Drei?"
"Ba... B-Bakit?"
Malungkot na ngumiti si Drew. "Dahil maliban sa gusto kita, alam kong niloloko ka lang ni Drei..."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" naiiyak na tanong niya. Bigla siyang nanlamig sa narinig. Tumawa naman ng malakas si Drew.
"Para kang iwan sa mukha mo, binibiro lang kita. Ikaw naman, naniwala." Tatawa-tawa ito pero siya ay natahimik na nakatingin sa kaharap. Ang lakas ng tawa nito pero pakiramdam niya, pilit lang at may matinding kalungkutan ang mga mata?
"Ipagpatuloy mo na ang pagkain, nagugutom ka lang," sabi nito at tumayo pero si Erika, wala pa ring reaksyon. "Huwag mong seryosohimn ang sinabi ko, biro lang iyon." Sumeryoso ang mga mata ni Drew na nakayuko sa kaniya.
"Alam mo, Erika? Nakikita kong nasasaktan ka sa sinabi mo at sa totoo lang, mas nasasaktan ako. Mas matagal na akong nasasaktan kaysa sa iyo," makahulugang sabi nito saka bumalik sa loob ng bahay.
Alam niyang binawi lang ni Drew ang mga sinabi pero hindi mawaglit sa isip niya ang galit na gumuhit sa mga mata nito nang sabihing may babae si Drei. Biro nga lang ba? Pero bakit sa tingin niya ay hindi?
" Ang babaeng iyon ang kabit niya!" galit na sabi niya na ang tinutukoy ay ang babaeng nakita nila sa hotel. "Magbabayad talaga ang malanding iyon!" naiinis na sabi niya. Wala pa siyang kalaban na inaatrasan lalo na kapag pagandahan ang labanan! Never na magpapatalo siya!
"Kakalbuhin na talaga kitang malandi ka!" gigil na sabi niya at ininom ang orange juice sabay kagat ng sandwich.
Alas nuwebe na sa wrist watch niya kaya pumasok na siya sa loob dahil masakit na ang sikat ng araw.
Kakalagay lang niya ng tray sa kusina nang marinig ang sasakyan ni Drei kaya sinalubong niya ito. Mukhang wala pang tulog at pagod na pagod.
"Where have you been?" salubong niya sa kasintahan.
"Friends," he answered annoyedly.
"Friends nga lang ba?"
He looked at her feebly and says, "If you don't want to believe in what I have answered, bahala ka."
Naikuyom ni Erika ang kamao nang nilagpasan siya nito at tuloy-tuloy sa kuwarto nito.
Naiinis siya kay Drei dahil sa lamig ng pakikitungo nito sa kaniya. "Are you okay?" tanong ni Drew nang lumapit sa kaniya. "Para kang natuklaw ng ahas diyan."
"D-Drew? Hindi na ba ako maganda? Long legged naman ako, 'di ba?" parang batang nilait ng mga kalaro na tanong niya rito.
"Maganda ka naman, boobless nga lang pero puwede na para malahian," nakangising sagot nito at napasulyap sa dibdib ng dalaga.
"I hate you!" singhal ni Erika.
"Biro lang, babe," inakbayan siya ni Drew. "You are beautiful and nobody has the right to make you feel that."
"But he just did," she murmured.
"Don't take it seriously, Erika. You're beyond beautiful!"
"Lumayo ka nga sa akin!" saway niya pero ang totoo ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ni Drew.
"Why? Are you afraid to fall in love with me?" he said, teasingly.
"Of course not!" she exclaimed.
"Hmmm? Sabi mo e! Alis muna ako, pupuntahan ko lang ang mga barkada ko sa mall."
"Bakit ka sa akin nagpapaalam?"
"Baka kasi hanapin mo ako. Oops..." wika nito, "Wala ka palang pakialam sa akin dahil kay Drei ka lang concern."
"Umalis ka na nga!" pagtataboy niya rito pero nakaramdam ng tuwa dahil mabuti pa si Drew, sinasabi kung saan ito pupunta pero si Drei, ni hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.
Umakyat siya sa itaas at bumalik sa kuwarto. Ilang minuto na siyang nakaupo sa kama pero hindi mapakali sa naging kilos ni Drei.
"Ugh!" Tumayo siya at nagmartsa palapit sa kuwarto ni Drei. Malalakas na katok ang pinakawalan niya pero hindi pa rin bumubukas ang pinto.
"Drei, open this door!" she shouted. Sinipa na niya dahil sa inis.
"What you want, Erika?" he asked, sleepyly.
Diretsong pumasok ang dalaga at naupo sa kama nito. Inaantok na sinundan siya ni Drei.
"Saan ka galing?"
"Damn! Ginising mo ako para itanong na naman 'yan?" pikon na sagot ng binata.
"Saan ka nga galing? Totoong sagot lang!" giit ng dalaga.
"Sa barkada ko nga!" Mukhang nawala na ang antok nito dahil nakasalubong na ang mga kilay ng binata.
"Barkada? O babae mo?" matapang na tanong ni Erika. "Tapatin mo nga ako, may babae ka ba maliban sa akin? Prangkahan na, Drei!"
"What if sasagutin kita ng oo? Matatanggap mo ba? Hihiwalayan mo ba ako?" seryosong tanong nito kaya natameme ang dalaga. "Iuurong mo ba ang kasal at hayaan kaming magmahalan?"
"P-Paano mo nagawa sa akin ito?" nanginginig ang katawang tanong ni Erika. "S-Sino siya? Siya ba ang babae kahapon? Sino?" sigaw niya pero hindi man lang ito natinag. Parang wala lang sa binata na nasasaktan na siya.
"Inaantok na ako, lumabas ka na sa kuwarto ko."
"Sabihin mo sa akin kung sino siya!" singhal ng dalaga.
"Wala," tinatamad na sagot ni Drei.
"Bakit mo ako hinalikan noon, Drei?" Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Ang pinakaayaw niya ay ginagawa siyang tanga! "May nag-utos ba sa iyo?"
Si Drei naman ang natigilan kaya mapait na ngumiti si Erika. Tama nga ang sinabi ni Drew sa kaniya.
"So? Alam mo na ang totoo, huh?" he said with a smirk.
"Just answer my question, damn you!" she stood up and steps forward towards him.
"Yes," he replied.
"Matagal mo na pala akong niloloko? Ang tanga ko!" Pinahidan niya ang mga luha. Ang sakit isipin na hinalikan lang siya nito dahil sa utos ng kapatid. "Masaya ka na? B-Bakit hindi ka tumanggi na magpakasal tayo?" sumbat niya.
"Ikaw, Erika, bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?"
"May sinumpaan tayo!"
"Meron ba?"
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
"Sa pagkaalala ko, wala akong ipinangako sa iyo," giit ni Drei. "Hindi ko ugaling mangako! Mahirap mangako na hindi ko kayang panindigan."
"Hindi kita maintindihan," naguguluhang sabi ng dalaga.
Hahawakan na sana siya ni Drei sa kamay pero mabilis na napaatras siya. "H-Huwag..." natatakot na sabi niya.
"Bakit ayaw mong magpahawak sa akin, Erika?" madilim ang mukhang tanong ni Drei.
"K-Kung may mahal kang iba, huwag mo na akong hawakan pa," mahina pero puno ng galit na sabi ni Erika.
"Minahal mo ba ako, Erika?"
Tumingala siya sa binata pero agad namang binawi ang mga mata. Naguguluhan siya. Minahal nga ba niya ito? O nadala lang siya noon sa isang sumpaang akala niya ay pangako.
"Confused?" he raised his brows at naglakad palapit sa dalaga. Napalunok si Erika ng laway nang maramdaman ang init ng mga kamay sa mga balikat niya kaya natulos siya sa kinatatayuan. Gusto niyang maghanap ng makakapitan pero mukhang nabulag ang kaniyang mga mata, wala siyang makikita kundi ang nagliliyab na mga mata ng kaniyang kaharap. Hindi niya napigilang pumikit nang dumausdos ang mga kamay nito sa balikat niya. Nag-iiwan ng munting apoy sa balat na madadaanan. Napapaso siya!
"Lumabas ka na." Utos nito, "Bago ko makalimutang hindi pa kita asawa!"
Nanlaki ang mga mata ni Erika at patakbong lumabas ng kuwarto nang mahimasmasan.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon