13

1.3K 54 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

Unedited...
"E-Erika..." tawag ni Lyn sa kakambal.
Nakahiga ito sa kama at nakatalukbong.
"Tulog ka na ba?" Hindi sumasagot si Erika
pero alam niyang gising pa ito. "G-Galit ka
ba sa akin?"
Hindi pa rin siya sinasagot ng kakambal kaya
alam niyang nagtatampo ito sa kaniya. "K-
Kung ang iniisip mo ay tungkol sa nangyari
kanina sa kuwarto ni Drei, wala iyon. Huwag
mong bigyan ng ibang kahulugan dahil wala
naman akong nakita."
Naupo si Erika at blangko ang mukhang
hinarap ang kakambal. Kaninang umaga pa
niya ito hindi pinapansin. Ngayon nga lang
din nagsalita si Lyn.
"W-Wala talaga akong nakita."
"Ano ang ginagawa mo sa kuwarto ni Drei?"
tanong niya sa mahinang boses.
"M-May itatanong lang sana ako sa kaniya
dahil naliligo ka pa," sagot ni Lyn na
nanalangin na sana ay maniwala si Erika.
Hindi pa sila nagkausap ni Drei dahil kahit
siya, umiiwas na rin sa binata para wala nang
gulo. Alam niyang pinag-iinitan na siya ng
kakambal.
"Ano ang itatanong mo?"
"K-Kung puwede bang gamitin ang jaccuzi
sa kabilang kuwarto," palusot ni Lyn. Nang
pumasok sila ni Erika kahapon, nakita nila
ang jaccuzi.
"W-Wala ka ba talagang nakita?"
nagtatampong tanong ni Erika at humarap
sa kakambal.
"Wala nga," tanggi ni Lyn at hinawakan ang
kamay ng kaharap. Wala naman talaga.
Nadaanan lang ng mga mata niya pero hindi
niya natitigan. Nagulat lang siya.
"Sure ka?" parang batang segurista na
tanong nito.
"Oo."
"Basta, wala talaga ha. Magagalit ako sa
'yo!" naka-pout na sabi ni Erika. Hinawi ni
Lyn ang iilang hibla ng buhok ni Erika at
inipit sa kaliwang tainga.
"Huwag kang magalit sa akin, Erika, alam mo
namang hindi kita kayang tiisin," ngumiti
siya sa kapatid at pinilit na itago ang
totoong nararamdaman. Nagu-guilty siya at
the same time, nasasaktan.
"Ikaw rin, alam mo namang ikaw lang ang
karamay ko, Lyn. Ikaw lang..." sabi ni Erika
at nginitian ang kakambal.
"Movie marathon tayo?" pag-iiba ni Lyn para
makalimutan na nito ang tampuhan nila.
"Sige!" excited na sabi ni Erika saka tumayo.
"Kukuha ako ng chichiria sa baba. Alam kong
bumili ng marami si Manang kanina."
"Sige, hahanap lang ako ng magandang
panoorin natin. Tama lang kapag bumalik ka
na!" sabi ni Lyn.
Mabilis na lumabas si Erika at patakbong
tumungo sa hagdan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Drew na
kakarating lang at mukhang pagod na
pagod.
"Sa baba, kukuha lang ng makakain," sabi
niya at tuloy-tuloy na bumaba. Tulog na sina
Manang kaya siya na ang naghanap ng
makakain. Napangiti siya nang makita sa
cabinet ang maraming chichiria.
Patakbo na naman siyang bumalik sa itaas
pero napatigil siya nang harangan siya ni
Drew.
"Tabi ka nga!" sabi niya na nakasalubong ang
kilay.
"Kiss muna!"
"Drew naman! Wala akong time na
makipaglokohan sa'yo, tabi!"
Pero humarang ito sa daan at nagpatentero
na sila. Tumigil siya at poker face na
tiningala ito.
"Erika, gusto ko lang malaman mo na gusto
kita!" Natigilan siya sa sinabi nito at
nagtatanong ang mga matang sinalubong
ang titig ng binata.
"P-Pero fiancee ako ng kakambal mo,"
naguguluhang sagot ng dalaga. Guwapo rin
naman si Drew, makisig at sigurado siyang
hinahabol ng maraming babae. Kahit noong
unang pagkita nga nila sa bar, ang dami
nang nainggit sa kaniya nang maghalikan
sila.
"Kasal na ba kayo?" baliktanong ng binata at
humakbang palapit sa kaniya kaya napaatras
din siya. Umiwas siya ng tingin dahil sa
kinakabahan siya.
"I-Ikakasal din kami," garalgal na sagot niya.
"Paano kung hindi?"
"P-Paano mo nasabi 'yan?"
Isang nakakasuyang ngiti ang ibinigay ni
Drew bago magsalita, "Malay mo, may
mahal siyang iba."
"H-Hindi totoo 'yan!"
"Kilala mo ba talaga si Drei? Alam mo ba
ang naging buhay niya bago pa kayo muling
magkita?" Biglang nagulo ang utak niya
dahil sa sinabi ni Drew. Hindi pa niya
lubusang kilala si Drei. Ni minsan ay hindi pa
sila nito nag-usap. Naalala niya tuloy ang
babaeng tumawag ng "babe" kay Drei noong
nagkaroon ng unexpected party rito.
"Mahalaga pa ba iyon?"
"Yes."
"W-Wala naman sigurong ibang babae si
Drei?" patanong na sagot niya. Hindi siya
sigurado pero oras na malaman niyang
meron, baka sugurin niya ang babae. Nunca
na magpapaapi siya!
"Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo kay Drei
kung nandito naman ako, Erika?" malanding
sabi ni Drew at hinawakan siya sa kamay
para mapalapit sa katawan nito.
"D-Drew..." sambit niya nang hinapit siya
nito sa bewang.
"Nandito lang ako, Erika. Kaya kong ibigay
sa iyo ang pangangailangan ng katawan mo
na hindi kayang ibigay ng kakambal ko!"
Gusto sana niyang magsalita pero hinatak
siya ni Drew papasok sa nakabukas na pinto
ng kuwarto nito.
"D-Drew!" Kasabay ng pagkasara ng pinto
ay ang pagkahulog ng mga supot na may
lamang chichiria.
"Alam kong gusto mo rin ito, Erika!" Itinulak
siya nito pahiga sa kama at agad na
pumaibabaw sa kaniya. Gusto niyang
sumigaw pero natatakot siya sa puwedeng
sabihin nina Drei kapag malaman nilang
nandito siya sa kuwarto ni Drew.
"L-Lalabas na ako..." Ang bilis ng pagtibok
ng kaniyang puso na naririnig na niya.
"After kitang madala sa langit, babe!" bulong
ni Drew na mapalapit sa tainga niya kaya
hindi siya makakilos. Ang bigat pa ng
pagkakadagan nito sa kaniya.
Napalunok siya ng laway nang maramdaman
ang mainit at malambot na mga labi ni Drew
sa punong tainga niya pabababa sa kaniyang
leeg. Nakatingala siya sa puting kisame.
Hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.
Nag-iisip siya pero mas natatalo ng mga
labi ni Drew ang utak niya kaya napapikit
siya.
Katahimikan sa buong silid ang kaniyang
naririnig. Nilalamig siya dahil sa malakas na
aircon pero agad namang napapawi ang
lamig na iyon dahil sa dulot ng mainit ng
dila ni Drew na dumadampi sa kaniyang
leeg.
"Uhmmm..." ungol niya saka napaiktad kaya
mas lalong binilisan ni Drew ang pagpababa
ng mga halik patungo sa dibdib niya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang
maramdaman ang pagpisil nito sa kabilang
dibdib niya.
"N-No!" natarantang sabi niya saka tinulak
ang binata. "P-Please Drew, mali ito..."
Bumangon siya nang umalis si Drew mula sa
pagkakadagan sa kaniya.
"A-Aalis na ako, hinihintay na ako ni Lyn,"
sabi niya at nanginginig ang mga kamay na
pinulot ang plastic na may lamang pagkain.
"Erika..." mahinang tawag ni Drew sa
pangalan niya pero hindi niya ito nilingon.
"If gusto mong ipagpatuloy ang nasimulan
natin, nandito lang ako, hihintayin kita."
"Ito na ang huli, Drew!" matapang na sagot
ng dalaga nang humupa na ang mainit na
naramdaman niya.
"Tingnan natin. Mahirap magsalita ng
patapos, babe!"
Binuksan ni Erika ang pinto at palinga-
lingang lumabas sa kuwarto ng binata.
Nakahinga siya ng maluwang nang walang
tao sa corridor.
Lumabas din si Drew sa kuwarto para
magpahangin sa veranda. Napangisi siya
nang makita ang kapatid na nakaupo habang
naninigarilyo at nakatingin sa malayo.
Walang imik na naupo siya sa kabilang table
at kumuha rin ng sigarilyo sa bulsa.
"Bakit hindi ninyo aminin ni Lyn ang relasyon
ninyo kay Erika?" sabi ni Drew na kulang na
lang ay suntukin ang kapatid dahil sa
panloloko nito.
"Sino ka para magdesisyon sa buhay ko?"
"A, alam ko na, natatakot kayo na kapag
malaman ng pamilya natin ang sitwasyon,
mapapahiya kayo ni Lyn!" Hinithit ni Drew
ang sigarilyo at agad namang ibinuga ang
usok nito. "Masyado mo namang
pinoprotektahan ang dignidad niya para
saktan si Erika!"
Narinig ni Drew ang malalim na pag
buntonghininga ng kakambal na tila
nahihirapan sa sitwasyon.
"Naaawa ako kay Erika--"
"At kay Lyn? Hindi ka naaawa?" tanong ni
Drei.
"Naawa?" hindi makapaniwalang sagot ni
Drew at ikinuyom ang mga kamao sa inis.
"Bakit ako maaawa sa babaeng inaagaw ang
fiance ng kakambal niya? Kayo ba, naawa
kay Erika? Sa mga panloloko ninyo?"
"Hindi gano'n kababa si Lyn!' giit ni Drei at
hinarap ang kapatid. "Stop insulting her!"
"Putang ina mo, Drei! Mas kakampihan mo
pa si Lyn kaysa kay Erika? Mas uunahin mo
pa ang nararamdaman niya kaysa sa fiancee
mo?"
Tumayo si Drei. "Lumalalim na ang gabi,
matulog ka na."
"Paano kayo nakakatulog kung sinasaktan
ninyo si Erika? Paano ninyo nakayang
humarap sa kaniya kung sa bawat pagtalikod
niya, panloloko ang ginagawa ninyo ni Lyn?
Puta ka Drei! Puta ka!" pagmumura niya.
Hindi na niya kayang pigilan ang galit dahil
pakiramdam niya ay sasabog na siya.
"Gusto mo ba talagang aminin namin ang
totoo kay Erika?" mahinang tanong ni Drei
kaya natigilan si Drew.
"Huwag kang mag-alala, kukumbinsihin ko si
Lyn para matapos na ito dahil ang totoo,
nahihirapan na rin ako!" Tumalikod siya kay
Drew para pumasok na sa loob.
"Drei!"
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi
humarap sa kakambal. Hinihintay niya ang
susunod na sasabihin nito.
"Kung hindi ninyo maamin kay Erika, ako
mismo ang gagawa ng paraan para layuan
ka niya!" determinadong sabi ni Drew. Mas
lalong uminit ang ulo niya nang talikuran
lang siya ng kakambal!

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon