9

1.4K 49 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9 ( Wedding )

Unedited...
"Ang ganda talaga natin, sis!" puri ni Erika
kay Lyn matapos mag-ayos. Ito ang araw ng
kasal nina Sky at Taira.
"Oo nga! Tumaba ka yata?" puna ni Lyn.
"Nahiya naman ako sa pagpayat mo," sabi ni
Erika at pinagmasdan ang kambal. "Pati
tuloy boobs mo, lumiit!"
"Wow! Salamat sa puri, kambal! Nakaka-
touch!"
"Kailan ka babalik?" pag-iiba ni Erika at
binuksan ang pinto para lumabas.
"Bukas."
Nakasalubong nila ang ilang kamag-anak sa
hagdan. Itinaas ng kambal ang puting damit
para hindi madumihan habang pababa na ng
hagdan.
"Ang bilis naman. Lumipat ka na kasi rito,
nalulugi na si Pudra!" suhestiyon ni Erika.
"Actually, I'm planning to quit my course,"
malungkot na sagot ni Lyn. Isang hakbang
lang ang pagitan nila ni Erika na mas nauna
sa kaniya.
"Why?" Habang ang mga mata ay sa
aapakan na baitang. Baka mamaya, madulas
siya. Ang taas pa naman ng takong ng suot
niyang sapatos.
"I can't maintain my grades, homesick and
you know, financial problems. It is difficult
for me to handle things na malayo sa inyo.
Grabe, kapag magkasakit ako, walang nag-
aalala sa akin," malungkot na sagot ni Lyn.
"Basta kung hindi mo na kaya, give it up!"
ani Erika. At least, nabubuhayan siya kapag
nandito ang kakambal.
"I'll think about it!"
"Nandito pala ang fiance mo," sabi ni Lyn
nang makita si Drei na may kasamang lalaki
na hindi nalalayo ang hitsura nito sa huli.
"Hi," bati ni Drei nang lapitan sila at ngumiti
kay Erika.
"Hello!" she smiled back. "Sis? Siya pala ang
kakambal ng fiance ko, si Drew." Pagpakilala
nito sa dalawa.
"Oh? Mag-sister kayo?" tanong ni Drew
pero ang mga mata ay nasa kay Erika.
"Yes, we're twins!" she answered. "Lyn?
Sabay ka na sa amin para hindi na masikip sa
van," suhestiyon ni Erika.
"Doon na 'ko kina--"
"Malaki ang van na dala namin kaya kasya
tayong apat if that is your concern," sabat
ni Drei. "Unless, may iniiwasan ka."
"Excuse me?" Hindi niya napigilang taasan
ng kilay si Drei.
"Bakit? Are you avoiding someone?" tanong
ni Drew at mataman siyang tinitigan sa
mukha.
"Why would she?" Erika interrupted.
"Nothing, honey," sagot ni Drei at inakbayan
ang fiancee.
"Okay, I'll go with you," sabi ni Lyn. Kung
anu-ano pa ang sinasabi ng mga ito e
sasama naman siya.
"Ang bastos niya!" bulong ni Lyn kay Erika
nang umikot si Drew sa kabilang punta at
pumasok. Ni hindi man lang sila
pinagbuksan.
"Dito ka na sa tabi ko, Erika," sabi ni Drei at
binuksan ang pinto para sa dalaga.
"Super!" she rolled her eyes at pumasok na
sa unahan. Binuksan ni Lyn ang pinto at
pumasok na.
Tahimik na naglalaro si Drew ng cellphone,
ang dalawa naman sa unahan ay tahimik din.
Napapansin ni Lyn na paminsan-minsan ay
napapasulyap si Drei sa kanilang dalawa
pero hindi siya nagpahalata. Naiilang talaga
siya. Parang ang awkward ng pakiramdam
niya sa sitwasyon nilang apat.
"I heard, sa Harvard ka nag-aaral?" tanong
ni Drew na inilagay na sa bulsa ang
cellphone.
"Y-Yes," naiilang na sagot ni Lyn. Halos
magkadikit na ang katawan nila e ang haba
naman ng upuan.
"Genius, ha!" he chuckled.
"Huwag mong landiin ang kapatid ko,
malalagot ka sa akin," pagbabanta ni Erika
na lumingon sa kanila.
"Just tell me if you're jealous, babe!"
nakangising sagot ni Drew.
"Shutup, Drew!" saway ni Drei sa kakambal
nang tumigil dahil sa stop light.
Si Lyn ay nakikiramdam lang. Mukhang
nahihirapan si Erika pakibagayan ang
dalawang 'to dahil mukha pa lang nila, mga
suplado na lalo na si Drei. Itong si Drew
naman ay pilyo.
"Lyn?" Kinalabit siya ni Drew. "Are you still
virgin?"
"What the--" Hindi niya matuloy ang
sasabihin dahil sa tanong ng katabi. Ganito
ba talaga ito ka-prangka?
"Wala ka na ba talagang galang?" Kahit na si
Erika ay hindi makapaniwala sa tanong ng
binata. Mahigpit naman ang pagkakahawak
ni Drei sa manibela ng sasakyan. Siya ang
nahihiya sa tanong ng kakambal.
"You have to choices, answer it, or let me
discover the answer down there!" Ang mga
mata nito ay kumilos pababa sa katawan ni
Lyn at tumigil sa gitna ng hita niya.
"Fuck you!" galit na sabi ni Lyn at umusod
sa pinakadulo ng upuan.
"I would love to do it with you, Lyn!"
"That's enough, Drew!" galit na sabi ni Drei
at sinamaan ito ng tingin. Kung hindi lang
kasal ang pupuntahan nila, kanina pa niya
tinigil ang minamaneho at sinapak ito.
Nagiging bastos na ito.
"Sorry if I offended you, gorgeous lady,"
paumanhin niya sa katabi pero mukhang
hindi bukal sa kalooban.
"Drei? Puwede bang pababain mo siya?"
pakiusap ni Erika. Ayaw na ayaw niyang
binabastos sila ng kakambal niya.
"No need, Sis!" sabat ni Lyn. "Hindi naman
ako na-offend!"
"I'll shut up na, promise. Inaasar ko lang
kayong kambal dahil ang pikon ninyo. Isa pa,
sikat na maldita kayo kaya ang sarap
ninyong asarin dahil palaban," pag-amin ni
Drew.
"Hindi tayo close kaya put your jokes in the
right timing!" mataray na sagot ni Erika.
"Really? Hindi tayo close, Erika?"
makahulugang tanong ni Drew kaya
umalarma ang utak ni Erika dahil baka kung
ano pa ang sasabihin ni Drew.
"May hindi ba ako nalalaman, Erika?"
nakasalubong ang kilay na tanong ni Drei sa
dalaga pero ang mga mata ay sa uhanang
kalsada.
"W-Wala naman," sagot ni Erika at tumingin
sa labas ng sasakyan.
"Okay lang, hayaan ninyo si Drew, kung saan
siya masaya, go lang. Sanay ako sa mga
batang may tantrums," ani Lyn kaya
natahimik ang magkambal na lalaki.
Pagdating sa simbahan, agad silang lumapit
kina Sky na nag-aabang kay Taira.
"Dad? Baka hindi na dumating si Taira..."
kinakabahang wika ni Sky at pabalik-balik sa
pintuan ng simbahan.
"Relax, bro, ikakasal ka na ngal eh."
natatawang sabi ni Blue sa kapatid.
"Ikaw kaya rito?" ang lakas talaga ng
kalabog ng dibdib niya.
"M-Mommy, okay lang ba ang suot ko? B-
Baka pangit ako?" tanong niya kay Kimberly.
"Anak, relax ka lang. Hinga ng malalim," ani
Kim kay Sky at hinawakan sa mga kamay.
Tumawa siya nang nanlalamig at may pawis
ang mga kamay ng anak. "Ang pogi kong
anak, ikakasal na. D-Dati, ipinapatuli ka pa
lang namin," naiiyak na wika ni Kim at
hinaplos ang maamong mukha ng anak.
"MOMMY! Dinadagdagan mo ang kaba ko!
Hindi ka nakakatulong!" Lumayo siya sa ina.
Lumapit siya sa quadruplets na kasama ang
kambal na ate niya.
"Ate Lyn? N-Namiss kita!" Niyakap niya ang
nakakatandang kapatid.
"Oo nga, na-miss ko rin kayong lahat. Naku,
ikakasal na ang baby Sky namin." Maluha-
luha ring sabi ni Lyn.
"Kasi Ate, mahal ko talaga si Taira..."
"Oo na, mahal mo na siya!" Sabat ni Erika.
"Kaya tama nang pag-iinarte, magpapakasal
na nga kayo oh!"
"Sky?" hinawakan siya ni Lyn sa kamay.
"Ingatan mo si Tai-Tai ha. Huwag mo siyang
paiyakin at bawas-bawasan mo na rin ang
pagiging pasaway mo. Alam mo naman ang
pinagdadaanan ni Mommy kay Daddy, 'di
ba?" pagbibigay payo ni Lyn.
"Mabuti at nakauwi ka, Ate!" masayang sabi
ni Sky.
"Nakiusap lang siya sa paaralan na a-absent
ako ng isang araw para dumalo sa kasal ng
kapatid ko. Ang haba kasi ng biyahe at hindi
kayanin ng weekends lang."
"Oo nga," sabat ni Erika. "At maging
responsableng asawa ka rin sa kaniya. Alam
mo namang ang hirap ng buhay."
"O-Opo..." nagmamadaling iniwan niya ang
kambal at tumakbo palapit sa magulang
nang tumigil ang white lamborghini sa harap
ng simbahan.
"D-Dad, h-hindi ako makahinga..."
napahawak siya sa balikat ng ama.
"WALANG HIYA KA, SKY!" Mariing
hinawakan niya ang anak sa magkabilang
balikat at pinisil ito para hindi himatayin si
Sky.
"D-Dad, mamamatay na ako..." nanghihina
na talaga ang tuhod niya nang makitang
bumaba si Taira. Suot ang wedding gown at
may takip na veil sa mukha.
"Hindi ka pa na kasal. Mamaya ka na
mamatay sa honeymoon ninyo!" Bulong ni
Skyler dahil nakakahiya na sa mga bisita ang
inaasal ng anak. May nagvi-video pa sa
kanila.
"Okay na po ako!" Tumayo ng maayos si Sky
at parang walang nangyari.
Mayamaya pa ay nasa harapan na niya si
Taira kaya sumenyas si Aira at Kim na
umpisahan na ang kasal.
Nasa harap na ng altar ang ikakasal nang
may napansin si Erika.
"Lyn? Namumutla si Sky," bulong niya sa
kapatid.
"Hala, hihimatayin si Bunso!" kinakabahang
sabi ni Lyn.
Hindi nga sila nagkamali, biglang nawalan ng
malay ang kapatid kaya sumaklolo ang ama
nila. Mayamaya pa ay natauhan si Sky at
biglang umayos.
"Eeeh? Nakakahiya siya!" mahinang bulong ni
Erika.
"Sinabi mo pa!" natatawang sagot ni Lyn
pero masaya siya para sa kapatid. Sa wakas
ay sa kasalan din ang tuloy ng dalawa.
Matapos ang kasal, diretso sila sa reception.
Si Mandy ang nakasalo ng bouquet at si
Alwyn naman ang sa garter.
"Sa totoo lang, I never expect na may
kakambal ka pala," bulong ni Drew. Nakaupo
sila sa iisang mesa habang nakatingin kay
Drei na naglalagay ng pera sa damit ng
bagong kasal. Si Lyn naman ay sa table ng
mga magulang naupo.
"So?" she raised her brows.
"She's pretty."
"Me too!"
"Nagseselos ka!" bulong ni Drew pero nasa
plato ang mga mata.
"I'm not jealous!" galit na bulong ni Erika.
"You aren't even mine!"
Ngumisi si Drew sa sagot ng dalaga. "You
want me to be yours, Erika? Isang katok
lang sa pinto ko, my body is all yours!"
"Why are you doing this to me, Drew?"
"'Coz you're pretty enough to be mine!"
"For Christ's sake, I am your twin's fiancee!"
bulalas ni Erika.
"Who cares? He doesn't love you that much
para magpaka-loyal ka sa kaniya!"
"Whatever!" mahina pero may diin na sabi ni
Erika saka tumayo. Natutuyuan siya ng dugo
kapag ito ang kaharap niya. Malakas ang
tawa ni Drew tapos sinulyapan si Lyn na
nakikipag-usap sa mga magulang.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon