35

1.5K 54 0
                                    

LARO NG APOY ( U-Prince 4 )
R-18
by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

Unedited...
"Lyn? Palit tayo ng panty, masikip yata 'to
eh!" sabi ni Erika na nasa binti na ang kulay
itim na panty.
"Same size lang 'yan," sabi ni Lyn habang
nagbibihis din ng panty. Terno ang lahat ng
biniki nilang isusuot.
"Baka maluwag!"
"May beach shorts ka naman at madilim
kaya okay lang!" sabi ni Lyn. Alas nuwebe na
at niyaya sila ni Drei na mamasyal sa tabing
dagat.
"Kahit na!" sabi ni Erika at hinubad ang bra
para magpalit.
"Lyn? Hindi pantay ang boobs ko, 'di ba?"
tanong ni Erika para matingnan ni Lyn ang
dibdib niya.
"Hindi rin naman sa akin, magbihis ka na
nga! Baka dumating pa ang dalawang 'yon!"
sabi ni Lyn na tapos nang magbihis.
"Oo na!"
Ilang minuto pa ay may kumatok na sa pinto
nila kaya binuksan ni Lyn.
"Ready na kayo?" tanong ni Drei. Pinalabas
muna siya ni Erika dahil magbibihis daw ang
mga ito. Parehong naka black short shorts
at pink na sleeveless ang kambal kaya ang
cute nila tingnan.
"Yes, saan tayo mamamasyal?" tanong ni
Erika.
"Sa tabing-dagat para mag-enjoy naman
kayo."
"Ikaw Drei, hindi ka na nakasama ng mga
barkada mo dahil sa amin," nag-aalalang
sabi ni Lyn. Mabuti pa itong si Drei,
palaging nasa tabi nila samantalang si Drew,
hindi na mahagilap ng mga mata niya.
"Okay lang 'yon, kaysa naman mawalan siya
ng time sa atin dahil sa mga barkada nila,"
sabat ni Erika at ipinulupot ang mga kamay
sa kanang braso ng fiancé.
"Hmp! Mabuti naman kung gano'n!" sabi ni
Lyn at biglang nakaramdam ng selos sa
kapatid. Hindi naman dahil kay Drei kundi
dahil sana ganoon din si Drew sa kaniya pero
ne anino ng mokong, wala siyang makita.
"Nagtatampo ka kay Drew pero kapag nasa
tabi mo, tinataboy mo? Hindi kita
maintindihan!" nakasimangot na sabi ni Erika
habang naglalakad sila. Napalanghap siya sa
malamig at sariwang hangin na amoy dagat.
"Hindi mo kasi naranasan..." sabi ni Lyn at
niyakap ang sarili.
"Hindi ko talaga 'yon maranasan dahil kapag
mabuntis ako ni Drei, kakalbuhin ko muna
ang babae at puputulan si Drei bago ko
layasan!" Wala siyang takot na gawin iyon.
Hindi rin naman niya masolo ang binata, mas
mainam pang putulan niya ito para patas
silang matanggalan ng kaligayahan.
"Hindi naman kita lolokohin," sabi ni Drei at
napangiti na lang.
"Puwede bang makisali sa bonfire nila?"
tanong ni Lyn nang makita ang apoy na likha
ng mga kasamahan nina Drei at
napapalibutan ng kagrupo.
"Oo naman, halikayo!" yaya ni Drei.
"Brod!" sabi ng iba at nakipag-handshake sa
kaniya pero sina Mariah, tinaasan lang ng
kilay sina Erika. Hindi naman nagpatalo ang
kambal.
"Maupo muna kayo, laro tayo brod!" sabi ni
Yolo.
"Sige," sagot ni Drei at pinaupo ang
dalawang babae. Kaharap nila sina Cheena at
ang iba pa nilang sis.
"Ano ang laruin natin?" maarteng tanong ni
Cheena. "Hindi puwede ang outsider!"
"Puwede 'yon sis, para mas exciting sa
aming mga boys!" nakangising sabat ni
Chito na nakatingin kina Lyn lalo na kay
Erika kaya biglang kumulo ang dugo ni Drei.
Okay lang naman kapag nasaan ng mga ito
ang babaeng dinadala at pinapakilala niya
pero huwag naman ang fiancée niya.
"Dagdagan mo nga ng panggatong ang
apoy brod!" utos ni Cholo kay Jason na
sinunod naman ng kasama dahil mas senior
ito sa kanila. Sa fraternity, mahalaga ang
seniority pero dapat nandoon pa rin ang
respeto sa lahat dahil magkapatid na kayo.
"Laro na lang tayo sa bote, kung kanino
matama ang ulo ng bote, susundin niya ang
utos ng nagpaikot!" excited na sabi ni
Cheena. "Kapag hindi susunod sa utos, iinom
siya."
"Gusto ko 'yan!" sabi ni Jayrus. Pito ang
kasama nilang babae kasama na sina Erika at
labing lima silang lalaki dahil ang iba nilang
kasama ay namasyal at lasing na kaya tulog
na.
"Game!" pagsang-ayon ni Wyn.
Unang ikot, kay Yolo kaagad tumama kaya
ang utos nito sa kaniya ay maghubad ng
tshirt at maligo sa dagat na sinunod naman
nito.
Patuloy ang pag-ikot, ang ibang babae ay
lasing ma dahil takot sa dare.
Si Drei ay nakailang inom na rin.
Naramdaman ni Lyn ang paglapat ng mainit
na nila sa likuran niya. "Baka lamigin ka,"
sabi ni Drew at naupo sa tabi nito.
Lasing ito dahil nalalanghap niya ang alak
dito. "Saan ka galing?" Hindi na niya
naiwasang magtanong.
"Magpalamig ng ulo sa nakakainis na asawa
ko!" wala sa modong sagot niya. Uminit
talaga ang ulo niya sa sagutan nila ni Lyn
kanina dahil ang hirap nitong paintindihin.
"Magtino ka na kasi," mahinang sabi ni Lyn.
Aaminin niya, nadadala siya sa malungkot na
mukha at boses nito.
"Nagpapakatino ako pero ayaw mong
maniwala dahil palagi mong iniisip na
manloloko ako." Natahimik si Lyn. Pinag-
iisipan din niya ang pakipagbati rito pero sa
tuwing malapit na siyang bumigay, saka
naman siya aasarin o walk-out-an ni Drew.
"Ikaw na, sis!" tili ni Cheenah nang tumuon
kay Mariah ang ulo ng bote.
"Kiss mo si Drei sa lips!"
Humaba ang tainga ni Erika sa narinig. No
way!
"Uy, bawal 'yan!" saway ni Cholo na
namumula na ang mga mata. Kaninang alas
dos pa sila nag-umpisang uminom kaya
matira ang matibay na lang ito.
"Sisterhood kiss lang naman brod!" depensa
ni Cheenah.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Wyn at ng iba pa
dahil alam ng mga ito na may naging
relasyon ang dalawa.
"Fine!" sabi ni Mariah na kunwari ay
napipilitan lang saka lumapit kay Drei.
"Hindi ako papayag!" pagtutol ni Erika pero
nagulat na lang siya nang maupo na si
Mariah sa tapat ni Drei at hinalikan ito sa
labi. Kahit si Lyn ay nanlaki rin ang mga
mata at umusok ang ilong. Mabilis na
naitulak ni Drei si Mariah.
"Sweet lips, bro!" nakangising sabi ni Mariah
bago ito tinalikuran.
"H-Hon," sambit ni Drei pero hinatak ni
Erika ang kamay niya. "Hindi ko ginusto,"
depensa ni Drei pero hindi na siya pinansin
ni Erika.
Naghiyawan sila nang kay Erika matuon ang
bote.
"Dare ako!" matapang na sagot ni Erika.
"Kiss mo si Yolo sa lips!" Utos ni Chito.
"No!" mabilis na tanggi ni Drei at hinawakan
sa kanang kamay si Erika.
"Bitiwan mo ako!" galit na sabi ni Erika at
tinapunan ito ng masakit na tingin.
"Honey, hindi puwede!"
"Sabing bitiwan mo ako o uuwi ako ng
ganitong oras!" Tinulak niya si Drei at
nilapitan si Yolo at mabilis na hinalikan sa
lips kaya naikuyom ni Drei ang kamao
habang nanginginig ang buong katawan sa
galit. Kinuha niya ang isang panggatok at
itinapon sa apoy kaya mas lalo itong
lumagablab.
Napasulyap si Drei sa kakambal lalo na sa
nanginginig nitong kamay. Kahit si Lyn ay
nabahala rin para kay Erika. Gusto niyang
kalbuhin si Mariah dahil sa ginawa nito kay
Drei.
Pinaikot ni Drew ang bote na tantiyado ng
ikot. Natuon kay Drei ang dulo.
"Halikan mo ang babaeng gusto mong
pakasalan!" Utos ni Drew sa kakambal kahit
na hindi pa ito nakapili ng gagawin pero
hindi kumikilos si Drei. Tanging apoy lang
ang nakasalamin sa mga mata nito.
"Ayaw mong halikan? Ipapahalik ko siya sa
iba oras na matuon ulit sa kaniya ang bote!"
hamon ni Drew. Kabisado na niya ang pag-
ikot ng bote at alam ni Drei iyon.
Hinarap ni Drei si Erika. "Huwag ako ang
halikan mo!" pagbabanta ni Erika kaya mas
lalong nagalit si Drei.
"Gagawin ko ang lahat ng gusto ko dahil
akin ka lang!"
Itutulak sana siya ni Erika pero nahawakan
siya nito sa magkabilang balikat at mapusok
na inangkin ang mga labi niya. Naramdaman
niya ang paghigpit ng pagkakayakap ni Drei
at pinipilit na buksan ang mga bibig niya.
Naiiyak na siya kaya tumigil si Drei.
"Fuck!" desperadong sabi niya saka tumayo
at hinila si Erika palayo sa mga barkada. Iyak
pa rin nang iyak ang dalaga habang
nagpapahila kay Drei.
Nang malayo na sila ni Drei, tumigil ang
binata saka mahigpit na niyakap si Erika.
"I'm sorry honey, h-hindi ko napigilan ang
sarili ko," paumanhin ni Drei pero todo pa
rin sa pag-iyak si Erika. Nasasaktan siya e.
"Siya ang humalik sa akin at galit ako dahil
hinalikan mo si Cholo! Damn! Galit talaga
ako Erika!" Naiinis na sinipa niya ang batong
nasa harapan. Gusto niyang manuntok ng
tao para maibsan ang galit na
nararamdaman.
"Magsama kayo ni Mariah mo!"
Mabilis na hinatak ni Drei si Erika nang
talikuran sana siya nito.
"Dito ka lang sa tabi ko, Erika!" galit na sabi
niya. "Huwag kang umalis sa tabi ko kung
ayaw mong makapatay ako ng tao!" Hinapit
niya ito bewang at hinuhuli ang mga labi
nito.
"Drei--uhmp!" Mapangahas na ipinasok ni
Drei ang dila sa bibig ng dalaga at mahigpit
na hinawakan ang magkabilang mga kamay
para hindi gumalaw.
Nagpupumiglas si Erika pero ang lajas ni
Drei. Kahit na umiiyak na siya, hindi pa rin
siy nito pinapakawalan. Wala siyang
magawa, nagmistulang isang napakagaang
papel siya na unti-unting nagiging apo dahil
sa pagsubog ni Drei sa kaniya. Nanghihina
ang kaniyang tuhod at nanlambot ang
katawan nang gumapang ang mga halik ni
Drei sa leeg niya. Ne hindi na nga niya
nararamdaman ang malamig na hangin dahil
sa init ng mga labi ni Drei na nag-iiwan ng
bakas sa kaniyang balat. Para itong
mabangis na hayop na galit na galit at
nilalapa ang napakamaamong tupa.
Napasinghap siya nang maramdaman ang
mainit na mga palad ni Drei na pumipisil sa
magkabilang dibdib niya. Gigil na gigil na
para bang pinaparusahan ang mga ito kaya
gusto nitong pisain.
"D-Drei..."ungol niya at napasabunot sa
buhok nito dahil sa mainit na dilang
naglalaro sa kanang nipple niya nang itaas
ang damit niya. Mabuti na lang dahil
madilim sa bahaging kinaroroonan nila.
"Damn this body!" wika ni Drei at muling
itinaas ang mukha at hinawakan sa
magkabilang pisngi si Erika. "H-Hindi ko pa
ito naramdaman sa ibang babae kundi sa iyo
lang," namamaos na sabi niya. Lahat ng
ginagawa nila ni Erika sa ibabaw ng kami ay
palagi niyang binabalik-balikan sa isip at
para siyang sinisilaban ng apoy, nag-iinit
ang kaniyang katawan. Mababaliw siya kapag
hindi niya muling maangkin ito. Gusto
niyang durugin sa mga bisig si Erika. Gusto
niya itong kagatin. Lahat ng bahagi nito ay
nagpapainit sa buo niyang katawan at
nagpapabaliw sa munting halimaw na alaga
niya.
"Balik na tayo sa cottage hanggat kaya ko
pang pigilan ang sarili ko!" sabi ni Drei na
matindi ang ginagawang pagpigil sa sarili.
Kahit paano, alam niyang may mga matang
nakatitig sa kanila rito sa dilim.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon