48

1.7K 57 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 48

Unedited...
"Nasaan si Yolo?" galit na tanong ni Drei nang pumasok sa bahay ng isa nilang kaibigan. Kanina ay napag-usapan nilang mag-inuman dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito at solo nila ang bahay. Ne hindi niya pinansin ang mga bumabati sa kaniya basta ang mga mata, naghahanap sa kaibigan pero hindi niya makita.
"Hindi pa bumabalik mula kanina," sagot ni Jayrus. Alas diyes na ng gabi pero walang Yolo na bumalik.
"Babe! Akala ko ba, pauwi ka na?" tanong ni Mariah at lumapit kay Drei. Pipigilan pa sana ito ni Cheena pero nakalapit na si Mariah sa binata.
Boogsh!
Napatili ang ibang babae nang bumulagta si Mariah sa sahig.
"Ano ang ginawa mo?" galit na tanong ni Jayrus at susuntukin sana si Drei pero napigilan ni Drew na kakapasok lang ang kamao nito.
"Huwag kayong makialam kung ayaw ninyong madamay!" Nanginginig ang mga kamay ni Drew at pabagsak na binitawan ang kamay ng kaibigan. Pareho lang sila ni Drei, nanlilisik ang namumulang mga mata. Tila mga leon na pinagmalupitan ng nag-aalaga at nagkaroon ng pagkakataong lapain ang malulupit na mga tao!
"S-Sis!" naiiyak na sabi ni Cheena at sinaklolohan ang kaibigan pero hinatak siya ni Drei patayo at mas idiniin ang kamay sa braso nito na kung babasagin lang na baso, hindi lang nawasak kundi durog talaga ito.
"Ouch!" hiyaw ni Cheena nang baliin ni Drei ang kanang kamay niya. Pagpasok pa lang ni Drei, alam na niya ang pakay nito. Alam na nila ang ginawa nila sa kambal.
"Tama na, Drei!" sigaw ni Paolo.
"Sige, lumapit kayo at isa-isa ko kayong babarilin!" sigaw ni Drew na mahigpit ang pagkakahawak sa baril kaya napaatras ang mahigit sampung kaibigan.
"D-Drei... T-Tama na..." pakiusap ni Cheena pero sa halip na pakawalan, ibinalibag siya ni Drei sa pader.
"Uhmmm..." ungol ni Mariah na nagpulat ng mga mata pero inapakan ito ni Drei sa mukha sa sikmura at buong lakas na sinuntok sa mukha kaya nawalan na naman ng malay.
Ang lakas ng agos ng dugo sa ilong ni Mariah at sira na rin ang pinaayos na ilong.
"A-Ano ba ang problema ninyong kambal? Mapapatay ninyo siya!" hiyaw ni Paolo na kahit paano, natatakot na lumapit dahil nakatutok ang baril ni Drew sa kanila.
"Dapat lang mapatay sila dahil mamamatay tao sila!" sigaw ni Drew at tinadyakan si Cheena na nakaupo at iniinda ang sakit.
"Pag-usapan natin 'to, brod!"-Paolo.
"Brod, tinatakot na ninyo ang iba, tama na 'yan, pag-usapan natin," mahinahong sabi ni Greg. Impossibleng makausap nila ng matino ang kambal kung ang mga nanlilisik na mga mata nila ang pagbabasehan. Kilala nila ang kambal. Walang patawad ang mga ito sa bumabangga sa kanila. At walang sinasanto kapag matindi ang galit lalo na si Drei. Minsan lang ito nagsasalita pero kapag magalit, asahan mong makikita mo si Kamatayan sa mga mata nito.
"Ano ba ang kasalanan nila?" naguguluhang tanong ni Paolo na gusto na talagang tulungan sina Mariah. Naaawa siya sa kalunos-lunos na sinapit ng dalaga. Halos hindi na makilala dahil puno ng dugo ang mukha nito. Si Cheena ay nakahiga at namamaluktot sa sakit ng sikmura.
"Iharap ninyo sa akin si Yolo kung ayaw ninyong madamay ang lahat ng miyembro ng frat na ito!" Umalingawngaw ang boses ni Drew at pinalipat-lipat ang pagtutok ng baril sa mga kasama.
Agad na tumunog ang cellphone ni Drei. Sinagot niya ang tawag ni Blue at ibinalita sa kaniya na nagising na si Lyn pero si Erika ay nanatiling walang malay pero stable na ang vital signs.
"Hindi pa tayo tapos, Mariah! Sisiguraduhin kong ipapadala kita sa impyerno!' pagbabanta ni Drei kahit na wala pa itong malay. "Kulang pa 'yan sa kahayupang ginawa ninyo!" Lumabas na siya kahit na hindi pa sana nakuntento sa ginawa sa dalawang babae pero kailangan na siya ng fiancée niya.
"Huwag ninyong hayaang makawala ang dalawang pokpok na ito kung ayaw ninyong malagot sa akin!" pagbabanta ni Drew at sumunod na sa kakambal para puntahan ang kanilang kasintahan sa hospital.
Patakbong tumungo ang dalawa sa kuwarto. Kanina nang sumugod sila rito, wala pang malay ang dalawa at nang sinabi ni Kim ang mukha ng nakita nilang tatlong babae at isang lalaki, alam na nila kaagad kung sino ang mga ito. Silang apat lang naman ang biglang nawala kanina sa meeting nila.
"L-Lyn," sambit ni Drew at lumapit sa kasintahan. "Thanks God, you're awake!" naiiyak na sabi niya at hinawakan ito sa kamay.
"S-Si Erika..." sambit ni Lyn. Ang kakambal kaagad ang unang pumasok sa isip niya dahil nakita niya kung paano ito nawalan ng malay. Nakaramdam siya ng hapdi sa buong katawan kaya napangiwi siya.
"She's fine, hindi pa nagigising pero ligtas na siya," malumanay na sabi ni Drew at hinaplos ang buhok niyang hindi na maayos tingnan dahil nasunog.
Malungkot na nilingon ni Lyn ang nakahigang kakambal. "S-Si D-Daddy, n-nasaan si Daddy?" umiiyak na tanong niya. Alam niya, bago niya nawalan ng malay, nakita niya ang malaking sugat sa kamay nito. Kahit na nanlalabo ang mga mata, nakita niya kung paano sanggain ng ama ang umaapoy na kahoy na tatama sana sa kaniya dahil siya ang nasa likuran nito.
"Okay na si Tito, ginagamot pa siya ng doctor," sabi ni Drew at nginitian ito.
"H-Hindi na ako maganda," sambit ni Lyn. Kahit na hindi niya nakikita ang sarili, alam niyang napaltos ang mga balat niyang natatakpan ng bandage.
"Maganda ka," wika ni Drew. "Kahit na ano pa ang hitsura mo, ikaw pa rin ang babaeng maganda sa mga mata ko."
"N-Niloloko mo lang ako."
Umiling si Drew, "Hindi kita iiwan kahit na ano pa ang magiging hitsura mo. Mahal kita kahit na ganyan ka."
Bumukas at ang pinto at pumasok sina Sky at Blue na tulak ang amang naka-wheel chair.
"D-Dad..." naiiyak na sabi ni Lyn. Ang mga kapatid ay tahimik na nakatayo sa isang tabi at nanlulumo sa sinapit ng kambal.
"M-Mabuti naman at gising na kayo," naiiyak din na sabi ni Skyler. Third degree burn ang sa kamay niya pero wala siyang pakialam! Basta ang mahalaga, ligtas ang kambal. Nagpapasalamat siya dahil second degree burn lang ang sinabit ng dalawang anak.
"S-Si Erika, hindi pa po," sagot ni Lyn.
"Honey! Thanks God!" masayang sabi ni Drei nang magmulat ng mga mata si Erika. Kagaya ni Lyn, naka-bandage din ang ilang bahagi ng katawan ni Erika.
"A-Ano ang nangyari?" tanong ni Erika at nakaramdam ng hapdi sa buong katawan. Ang huling naalala niya, nasa lumang warehouse sila.
"L-Lyn," sambit ni Erika at babangon sana pero napigilan ni Drei.
"I-I'm here, sis. L-Ligtas na tayo," wika ni Erika na nakahiga sa kabilang kama. "I-Iniligtas tayo ni Daddy."
Napatingin sila sa amang nakatulala sa kawalan na hanggang ngayon, hindi pa pumapasok sa utak ang lahat ng nangyari. Basta ang alam lang niya, ligtas ang mga anak niya.
"D-Daddy? P-Paano kayo napunta roon?" tanong ni Lyn. Si Erika ay umiiyak na kausap ang fiance. Hindi pa rin siya makapaniwala na ligtas na sila.
Si Kim na ang sumagot dahil mukhang wala pa rin sa sarili si Skyler. "Nakita kayo namin ng daddy ninyo na palabas ng gate ng Westbridge. Nang makita ni Skyler na pinasakay kayo ng lalaking hindi niya kilala, agad na hinila niya ako para sundan kayo. Nawala pa nga kami hanggang sa napadaan kami sa warehouse at nakita niya ang sasakyan ng sinusundan namin na may nagmamadaling sumakay na tatlong babae. Agad na tinakbo ng daddy ninyo ang warehouse nang makita niyang nasusunog ito," sagot ni Kimberly. Nakita niya ang takot sa mga mata ng asawa habang sinisigaw ang pangalan ng mga anak nila at patakbong sumugod. Mabuti na lang dahil may mga extra kumot siya sa sasakyan kaya mabilis na binasa iyon ni Skyler gamit ang ilang laman ng mineral water para mapasok ang warehouse. Mabuti na lang dahil palaging nilalagyan ng katulong ng tubig ang sasakyan nila para sa mga anak. Madalas ay itong van ang ginagamit nila kapag mag-family outing o mahabang biyahe.
"Mabuti naman at ligtas na kayo," mahinang wika ni Skyler. Kanina ay hindi niya naramdaman ang sakit ng katawan pero ngayon, para siyang ni-lechon na baboy.
Puno ng pagmamahal na pinagmasdan ni Kimberly ang asawa. Mas lalo pa niyang minahal si Skyler dahil sa tapang at katatagan nito. Sa ginawa nito, mas lalo siyang naging proud na ito ang ama ng mga anak niya. He protects them like a body guard. Her daughter's first love and hero.
"D-Daddy, m-mahal mo kami," naiiyak na sabi ni Erika.
"D-Dad, salamat, mahal ka namin kahit na pasaway kami," segunda ni Lyn. Gusto man sana niyang yakapin ang ama pero masakit ang buo niyang katawan.
"B-Bakit ninyo hinayaang mapahamak ang mga anak ko?" sumbat ni Skyler sa dalawang binata.
"H-Hindi ho namin alam ang nangyari," sagot ni Drei na gusto na talagang bugbugin ang sarili dahil sa kapabayaan niya. Hiniram lang ni Yolo ang cellphone niya dahil may tatawagan daw ito. Biglang nagpaalam ang apat at nagmamadaling umalis. Iyon pala ay sinundo na nila sina Erika at Lyn.
"Kapag mahanap pa namin ang dalawa, kami mismo ang babalat sa kanila!" sabat ni Drew at naikuyom ang kamao. Bahala na kung makapatay sila pero sa ginawa ng mga hayop na iyon sa kasintahan niya, hindi niya mapapatawad ang mga ito. Paano na lang kung hind nakita at nasundan ni Skyler? E di hindi nila matagpuan ang kambal at hindi nila mabigyan ng hustisya ang sinapit na pagsunog sana?
"Kami ang hahanap sa dalawang iyon!" madilim ang mukha na sabi ni Black.
"Sisiguraduhin naming dila lang ang walang latay sa kanila!' determinadong sabat ni Blue. Ne minsan, hindi nila sinaktan ang mga ate. Kahit nag-aaway sila, mga prinsesa ang turing nila sa mga ito at ang makitang nasa ganitong kalagayan ang kambal, makakapatay talaga sila ng tao.
"Tama!" pagsang-ayon ni Sky. "Hindi ako papayag na basta na lang nila ganituhin ang mga ate ko!" galit na sabi niya. "Kahit na ganiyan sila, mahal na mahal ko ang mga 'yan at hindi ako makakapayag na mamatay na hindi makaganti!"
Naiiyak na pinagmasdan ng kambal ang mga kapatid. Alam nilang kahit ganito ang triplets, mahal sila ng mga ito. Lalo na ang daddy nila.
"Isasama ko talaga sila sa hukay ng mga kaibigan kong kakamatay lang!" mariing sabi ni Sky. Isinusumpa niya!

A/n:

Actually, sina Drei at Drew talaga ang orihinal na magliligtas sa kambal pero naisip ko si Skyler. Galit pala ito sa dalawa so kailangang magbigay si Aketch ng rason para maayos na ang gusot nilang mag-ama. Iyong rason talaga para magaan sa loob niya ang magpatawad, ganern! Hehehe! So ayun, nilagay ko siya sa school. 😀💜💖💚💖❤💗

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon