7

1.6K 56 0
                                    


LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  7

Unedited...
"Bakit mo ako dinala rito sa mall?" tanong ni Erika. Nasa Department Store sila ngayon. Nakaupo siya sa gazebo kanina nang dumating ito at pinabihis siya.
"Pumili ka ng mga gusto mo."
"Ikaw ang magbabayad?" she raised brows.
"Dadalhin ba kita rito kung ikaw ang pagbayarin ko?" balik-tanong ni Drei kaya biglang kumislap ang mga mata ni Erika.
"Talaga? Ikaw ang magbabayad?"
"Ayaw mo?" seryosong sagot ni Drei na naiinip na. Hindi niya ugaling samahan ang mga babae lalo na mag-shopping. Maiksi lang ang pasensiya niya. "But please, piliin mo lang ang kaya ng budget ko. Huwag kang bumili ng sapatos na abot sampung libo at bag na hindi tataas ang price sa limang libo!"
Napa-poker face si Erika. "Alam mo ba kung magkano ang presyo ng tshirt ko na ito?" Napasulyap si Drei sa damit niyang may tatak na D&G.
"Latest edition ito at five digits ang halaga!"
"Ki five, six o seven ang digits niyan, huhubarin mo pa rin 'yan kapag papakasalan na kita!" pikong sagot ng binata kaya napalingon ang ibang costumer at saleslady. Talagang pinagmasdan pa nila ang mukha ni Drei at ang iba ay hindi na maalis ang mga mata. Pero ang mas agaw-pansin ay ang dibdib nito dahil hapit na hapit ang na suot.
"Parang karne lang ng baboy ang katawan ng fiance ko sa talipapa kung makatingin ka, Ate a!" puna no Erika sa bababeng napanganga na habang nakatingala kay sa mukha ni Drei. Pasimpleng inayos nito ang sarili at kunwari ay ipinagpatuloy ang pagpili ng mga damit.
"Ay, ang taray! Hindi naman sila bagay!" pang-iinsulto ng baklang kaibigan ng babae.
"Nahiya naman ang pagkababae ko sa 'yo," panunuya rin ni Erika.
"Psh! Behave, Erika!" mahinang saway ni Drei at hinawakan ito sa braso. Hinila niya si Erika palayo sa mga ito bago pa magkaroon ng gulo.
"Ano ang gusto mo? Hayaan ko lang na papakin ka nila sa harapan ko? Ako nga, 'di pa kita natikman!" prangkang depensa ng dalaga.
"Anytime naman puwede mo akong tikman," nakangiting sagot ni Drei. "Sabihin mo lang."
"W-Wala akong sinabing gano'n!" Tumalikod siya at tumingin-tingin sa mga sapatos. "Ate? Pakiabot po ng sapatos. Iyong kulay pink!" pakiusap niya sa saleslady. Pinakiramdaman niya si Drei. Nakasunod lang ito sa likuran niya.
"Ito po?" tanong nito.
"Opo, gusto ko!" sabi niya at isinukat ang sapatos. "Wala ho ba kayong mas maliit na size rito?" tanong niya.
"Size seven na po, Ma'am?" tanong ng babae.
"Yes, please." Tiningnan niya ang price. Nasa 25k kaya nanghina siya.
"Ma'am? Ito na po ang last," sabi ng saleslady at iniabot sa kaniya ang isang sapatos.
"Pero mas bet ko ang kulay blue!" pagbawi ni Erika sabay turo ng same design pero iba ang kulay.
"Naku, iyan na ang last sa kulay blue. Size nine po 'yan," sabi ng babae.
"Ganoon ba? Kulay blue pala ang damit na susuotin ko sa party. Hindi bagay ang pink dahil blue rin ang pouch ko," nanlulumong sabi ni Erika.
"Ay, bukas pa kasi darating ang stock niyan."
"Ganoon ba? Sige, balikan namin bukas!" masiglang sabi ni Erika. Well? She's an actress. Papasa talaga siya kapag mag-audition sa Starstruck o PBB.
"Let's go?" tanong niya kay Drei na nakatayo lang sa likuran niya at nakatingin sa latest edition ng Nike shoes.
Mukhang hindi siya nito napansin kaya malaya niyang napagmasdan ang naka-sideview na fiance. Kitang-kita sa puwesto niya ang matangos na ilong nito at ang kinis pa ng mukha sa malapitan. Gusto rin niya ang ayos ng buhok nito. One sided lang sa kaliwa. Ang ganda pa ng pagkakaporma ng kilay. Napaka-perfect para sa kaniya. Ang linis tingnan kahit na malaki ang katawan. May mga lalaki naman kasi na ang laki ng abs tapos ang dumi na kung tingnan. Parang wrestler na sasabak sa giyera ng mga unggoy.
" Bakit kaya maugat siya? Sa ano niya kaya? Maugat din?" Napatanong niya sa sarili.
"Ghad! Nahawa na ako sa pagkamanyak ni Drew!" bulong niya at ipinilig ang ulo para mawala sa utak ang naisip.
"Tapos ka na bang pumili?" tanong ni Drei.
"Wala akong napili. Tinatamad ako," sagot niya saka nauna nang naglakad patungo sa mga tshirt.
Nakasunod lang ang binata sa kaniya habang namimili siya ng damit na presyo muna ang tinitingnan bago ang design.
"My ghad! Ang hirap pala kapag pobre ang mapapangasawa mo!" Tumingin siya sa kawalan sa damit na hawak. Kapag ang daddy niya ang kasama, kuha lang siya nang kuha basta magustuhan niya. Si Skyler na ang bahala sa presyo.
"Hindi mahalaga ang presyo ng damit as long na marunong kang magdala kahit na basahan lang ang suot mo," sabi ni Drei nang marinig ang reklamo niya.
"Miss? Saan ba makakabili ng basahan?" tanong ni Erika sa saleslady kaya nagtatakang tiningnan siya ng binata.
"Nasa second floor po yata, Ma'am. Baguhan lang ako rito," magalang na sagot ng babae.
"Anong gagawin mo sa basahan?" tanong ni Drei.
"Bibili para iyon na lang ang isusuot ko!" pagmamaldita na naman ni Erika.
Imbes na mainis, ngumiti na lang si Drei. "Maldita, ever!"
Ilang damit lang ang kinuha niya dahil hindi rin siya makakilos ng maayos. Nanlalaki pa naman ang mga mata ni Drei kapag makita ang presyo.
"Ano na lang kaya ang gatas ng anak natin balang araw?" nakasimangot na sabi ni Erika. "Baka two weeks pa lang, i-Bear Brand mo na!" Nakapila na sila sa counter.
Marahang tumawa si Drei kaya napalingon ang nasa unahan nila.
Inakbayan siya ng binata kaya bigla na lang nanlamig ang katawan niya. Bakit pakiramdam niya, ang bigat ng kamay nito? Mga sampung kilo yata kaya nanlambot siya?
"Don't worry, honey, bibili ako ng S-26 para sa baby natin basta ako ang mag-breastfeed sa 'yo!" sobrang hinang bulong ni Drei kaya ang nanlamig na katawan ay biglang uminit nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya.
Hindi siya makakilos at ang tanging nagawa ay ang lumunok ng laway. "Dito ka lang, may bibilhin lang ako," paalam nito at naglakad palayo sa kaniya. Wala pa rin siya sa sarili habang nakapila. Tatlo pa naman ang nasa unahan niya.
Wala siyang perang dala pero kapag iiwan siy ni Drei, credit card ang gagamitin niya.
"Lahat po ng ito, Ma'am?" magalang na tanong ng cashier sa kaniya na sa tingin ni Erika ay mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon.
"Yes, please..."
"Twenty thousand five hundred sixty seven and twenty five cents, Ma'am," sabi nito.
"Miss, pakisama na rin nito," pakiusap ni Drei na inilagay ang Nike shoes at pink shoes na nagustuhan ni Erika kanina.
"Bibilhin mo 'yan?" parang batang bibilhan ng ice cream na tanong ni Erika at tumingala kay Drei.
"You like it, right?"
"Yes!" Tumango-tango siya at ang lapad ng ngiti na isinukli kay Drei habang kumukuha ng credit card. Nang matapos bayaran ay ito na ang nagbitbit ng supot nila na hindi naman gaanong mabigat.
"Nextime, magtipid na tayo," sabi ni Drei habang palabas na sila ng mall. "Ang mahal mo palang maging kasintahan."
"Hmm? Hindi ko na nga kinuha e. Ikaw kaya ang bumili niyan!" sagot ni Erika.
Tumigil si Drei at hinarap siya. "Baka kasi maglupasay ka kapag hindi ko binili ito."
"Grabe ka naman! Hindi naman ako ganoon ka isip bata para gawin iyon!"
"Basta sa susunod, iyong kaya na lang talaga natin dahil estudyante pa lang ako."
"Okay!" pagsang-ayon na lang niya at sinabayan ito sa paglakad patungo sa parking lot. Kaunti lang ang tao at iyong mga may-ari lang talag ng mga kotseng naka-park ang nandito.
"Teka sandali," sabi ni Drei nang binuksan ang kotse. "Pumasok ka sa loob!" Utos nito.
"B-Bakit?" nagtatakang tanong niya nang pinahawakan ni Drei ang bitbit.
"Basta pumasok ka lang!" Umapoy sa galit ang mga mata nito at tinalikuran siya.
"Drei!" tawag niya at nanlaki ang mga mata nang kuwelyuhan nito ang binatang kaedad lang nila na papasok na sana sa itim na kotse. Mabilis na ipinasok niya ang paper bags at nilapitan si Drei.
"Waah!" tili niya nang sinuntok ni Drei ang binata.
"Tama na!" saway niya. "Drei!" Kinabahan siya nang sunod-sunod na suntok ang ibinigay ng fiance sa lalaki.
"Hayup ka! Ako pa talaga ang papatusin mo, ha!" nanggigigil na sabi ni Drei at nagliliyab ang mga mata sa galit. Lumalaban naman ang lalaki pero hindi makatama sa mukha ni Drei dahil mas matangkad ito sa kaniya.
"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?" natatakot na tanong nito kahit na masakit na ang buong katawan
Bakal yata ang tumatama sa katawan niya. Kapag ipagpatuloy pa ni Drei ang pambubugbog sa kaniya, mapapatay siya nito.
"Drei, tama na!" Nanginginig na saway ni Erika at hinawakan ito sa kanang kamay para pigilan. "P-Please, maawa ka sa kaniya..." May ilang nakatingin na sa kanila pero natatakot na lumapit. Takot na baka madamay pa sila sa gulo. Dagdagan pa ng hitsura ni Drei na parang leon sa gubat na handang manglapa ng tao.
Sunod-sunod na buntonghininga ang pinakawalan ng binata para humupa ang galit sa dibdib. Ang bigat talaga ng pakiramdam niya nang makita niya si Fritz.
"Sa susunod na banggain mo pa ako, hindi lang ito ang matitikman mo!" pagbabanta ni Drei sa binatang hinang-hina at putok ang mga labing nakasandal sa kotse nito. Kung hindi lang niya kasama si Erika, mapapatay talaga niya ito.
"Halika na!" Hinawakan niya ng mahigpit si Erika sa braso at hinila palapit sa kotse niya.
"N-Nasasaktan ako, Drei!" daing ng dalaga. Ang liit ng braso niya para sa malapad na palad nito na kahit ano mang minuto ay madudurog ng binata kapag ginusto nito.
"Pasok!" Utos nito nang mabuksan ang pinto kaya parang maamong tupa na sumunod si Erika.
Mabilis na minaneho ni Drei ang sasakyan palayo sa mall.
"W-Who is he? B-Bakit galit na galit ka sa kaniya?" tanong ni Erika nang kaunti na lang ang takot sa dibdib. Ilang beses pa siyang napainom sa mineral bottle na hawak bago makapagsalita.
"Hindi mo ba talaga siya natatandaan, Erika?" tanong ni Drei kaya napakunot ang noo ng dalaga. Pinipilit niyang maalala ang lalaki kung saan niya ito nakita dahil mukhang familiar?
"He's the one who wants to rape my fiancee!" galit na sabi ni Drei kaya napanganga si Erika at hindi niya alam ang sasabihin dahil ngayon niya lang naalala ang mukha nito.

A/n:

Kahit ako, nato-torn din sa kanila kung sino ba talaga. Hahaha!

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon