33

1.6K 49 0
                                    



LARO NG APOY ( U-Prince 4 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Erika habang nag-aayo si Drei ng mga gamit niya.
"Sasama ka sa akin sa Cavite," sagot ni Drei. "Three days lang naman tayo roon."
"May pasok pa kami bukas," sagot ni Erika.
"Hindi ba puwedeng um-absent ka?"
"Tinuturuan mo ba akong mag-cutting classes?"
Napakamot si Drei sa ulo. Hindi puwedeng hindi siya sasama sa grupo dahil mahalaga ang papel na gagampanan niya. Anniversary ng chapter nila bukas kaya kailangan siya pero hindi naman niya kayang iwan ang asawa kaya isasama na niya. Nagpa-reserved na siya ng isang kuwarto.
"Sorry, kailangan ko lang talagang pumunta ng Tagaytay."
"E di pumunta kang mag-isa!"
"Hindi kita puwedeng iwan dahil baka kung saan ka naman gumala!" Para lang siyang nagbabantay ng batang makulit at walang ibang gustong gawin kundi ang gumala.
"Hindi ako gagala, dito lang ako. Hindi naman ako magalang tao." Tinaasan siya ni Drei ng kilay kaya gumanti siya. "Gumagala lang ako noon dahil bored ako sa bahay na 'to dahil palagi akong iniiwan ng fiancé ko."
"Talaga lang huh! Subukan mong gumala habang wala ako dahil--"
"Dahil ano?"taas noong tanong ni Erika na nakapamewang pa.
"Dahil magdamag kitang aangkinin hanggang sa hindi lang kama ang masira kundi pati buong kuwarto natin!"
"Tse!" Inirapan niya ang binata kaya tumawa si Drei at hinapit siya sa bewang.
"Behave, Honey, okay?" he kissed the tip of her nose.
"Behave naman ako. Ikaw lang naman ang hindi." Namula ang pisngi ng dalaga when she felt the arousal of her fiancé. "D-Drei..."
"I want you, Honey," he chuckled and bit her right earlobe kaya nanayo ang balahibo ni Erika.
"D-Drei... Kakain na tayo ng dinner..." paalala niya nang gumapang ang mga kamay nito sa kaniyang bewang pataas sa dibdib.
"H-Hindi ko alam kung bakit pero tila naaadik na ako sa katawan mo, hon," bulong ni Drei at masuyong hinaplos ang maamong mukha ng minamahal na dalaga. "I couldn't imagine my life without you on my bed, Erika." Napalunok ng laway ang dalaga. Ang boses nito, nang-aakit at alam niyang nagsasabi ito ng totoo kung sa mata siya magbabase. "Hon, nakakabaliw ka."
Ngumiti si Erika at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng binata at nakipagtitigan dito. "Kaya kung ako sa 'yo, huwag ka nang humanap ng iba dahil oras na malaman kong kumarengkeng sa malalanding babae, hindi mo na ako matitikman kahit kailan!"
Tumawa naman si Drei at mas hinapit siya sa bewang. "Huwag kang mag-alala, sa 'yo lang ako at gagawin ko ang lahat para masigurado kong akin ka lang!"
"Damn! Para kang si Daddy, ang corny mo!" pabirong sabi ni Erika pero hindi na siya nakapagsalita pa nang angkinin at papakin ni Drei ang mga labi niya hanggang sa kusa siyang bumigay rito at nagmamadaling hinubad ang mga damit nila.
"D-Drei... Ooooh.." puro ungol na ang naririnig sa loob ng kanilang silid. Laking pasalamat na lang ni Drei dahil pina-sound proof niya ang kuwarto nila.
Ilang sandali pa, nagmamadaling hinugot niya ang pagkalalaki ilang segundong malabasan ang dalaga.
"I love you,"pagod na bulong niya kay Erika at niyakap ito nang mahigpit kahit na medyo malagkit ang nasa puson nila dahil sa semen niya.
"I love you too," bulong ni Erika at niyakap ang binata. Masaya siya dahil mahal din siya ni Drei at kahit paano, ito ang nauna sa kaniya at ito lang ang aangkin sa kaniya.
Kinabukasan, matapos siyang ihatid ni Drei ay nagpaalam na itong umalis patungong Tagaytay.
"Ano ang problema mo at kanina ka pa pabalik-balik diyan?" tanong ni Lyn sa kakambal na naglalakad sa harapan. Sina Keana at Kean ay nakatingala rin dito.
"Haist! Bakit ba hindi ako sumama!" bulong niya at napakagat sa dulo ng kuko ng kanang hinlalaki.
"Sumama saan?" tanong ni Keana.
"Wala!"
"Si Ate naman! Ayaw lang magkuwento!" ani Keana na nakasimangot. "Kailan ka mabubuntis Ate?"
"Huwag mo nga akong tanungin sa bagay na iyan! Mauna kang mabuntis!" sagot ni Erika.
"Anong mauna? Mas nauna na nga si Kean!"
Napatingin si Erika kay Keana kung tama ba ang pagkakarinig niya? Kahit si Lyn ay ganoon din, nakatingin sa kambal.
"N-Nagbibiro lang ho si Keana," sabat ni Kean na hindi makatingin sa dalawa.
"May nabuntis ka, Kean?" usisa ni Lyn.
"Wala ah!" mabilis na tanggi ng binata. "Naniwala naman kayo kay Keana e ubod ng sinungaling 'yan."
"Wow! Ako pa ang sinungaling? Sige ka, isumbong kita kay Daddy!"
"Subukan mo lang at makikita mo ang hinahanap mo!" pagbabanta ni Kean sa kakambal.
"Hala, nakabuntis ka nga, Kean! Lagot ka kina Tito Kyler at Tita Yna!" sabi ni Erika kaya namutla ang pinsan.
"A-Ate naman!"
"Sino siya? Gusto naming makilala ang pamangkin namin," usisa ni Lyn. Pareho lang silang may tinatago ni Kean kaya alam niyang namomroblema rin ito. "Huwag kang mag-alala, ligtas ang sikreto mo sa amin."
Ayun, walang choice ang binata kaya ikinuwento na niya sa mga ito ang lahat bago pa sila tumungo sa kani-kanilang klase nilang apat. Ang iba ay busy naman lalo na sina Sky at Black. Si Blue ay tumigil sa pag-aaral para alagaan muna si Avery. Kahit na nandiyan si Nathalie bilang private nurse, iba pa rin kapag siya ang mag-alaga sa asawa.
Last subject na nang tinext ni Erika si Lyn para sabay silang umuwi. Nauna siya kaya siya na ang pumunta sa classroom ng kakambal.
"Ano ba ang problema mo at nagkakaganiyan ka?" tanong ni Lyn dahil kanina pa ito hindi mapakali.
"Si Drew, nasaan siya?"
"Malay ko sa mokong na 'yon!" Pasado alas kuwatro na kaya alam ni Lyn na gising na ang mga anak niya.
"Tawagan mo!" Utos ni Erika.
"Ayaw ko nga! Para ano?"
"OA nito," nakalabing sabi ni Erika. "Magbati na kasi kayo ni Drew para aa pamangkin ko, mahal mo naman siya e."
"Huwag na natin siyang pag-usapan!" Kumukulo lang ang dugo niya kapag marinig ang pangalan ng ama ng kaniyang mga anak.
"Tawagan mo."
"Ayoko nga!"
"Sige na, kausapin ko."
"E di ikaw ang tumawag."
"Wala na akong load, last text ko na 'yon kanina."
"Magpa-load ka."
"Grabe ka! Patawag lang nga e. Dalian mo na!"
"Oo na!" Naiinis na kinuha niya ang cellphone sa shoulder bag at tinawagan si Drei pero hindi sinasagot ang tawag.
"Hindi sinasagot."
"Tawagan mo ulit."
"Kainis ka!" Nanggigigil na tinawagan niya ang binata. Nakaapat na ring pa ito bago nito sinagot ang tawag.
"Babe!"
"Kausapin ka ni Erika!" singhal niya saka ibinigay kay Erik ang cellphone.
"Drew? Magkasama kayo ni Drei?" tanong ni Erika.
"Nope, papunta pa lang ako ng Cavite," sagot ni Drew na kakalabas lang sa mall kaya hindi niya kaagad nasagot ang tawag ni Lyn.
"Sunduin mo kami rito sa school, sasama ako sa 'yo." Sumenyas si Lyn kung ano ang pinagsasabi niya pero hindi niya pinansin.
"Sige..." sagot ni Drew at nag-U turn.
"Tawag ka kapag nasa gate ka na ng Westbridge, bye!" Pinutol ni Erika ang tawag at ibinigay ang cellphone kay Lyn.
"Saan si Drei?" tanong ni Lyn habang palabas na sila.
"Cavite."
"Sino kasama niya? Ano ang ginagawa niya roon? Bakit pupunta ba si Drew sa kaniya?"
"Makipagbati ka na kasi kay Drew para malaman mo ang lakad ng mokong!"
"Salamat na lang!" nakasalubong ang kilay na sabi ni Lyn. Minsan na nga lang itong dumalaw sa mga anak nila kaya paano nito masasabing seryoso sa kanila ng mga anak niya?
Naupo sila sa tabi ng guwardiya at nakipagtawanan kay Manong na napaka-jolly.
"Si Drew na 'yan," sabi ni Lyn nang tumigil ang itim na sasakyan ni Drew. Ibinaba nito ang salamin ng sasakyan at tinawag sila. Hinila naman ni Erika si Lyn.
"Dito ka na sa harapan ko, babe!" sabi ni Drew kaya itinulak ni Erika ang kakambal papasok sa front seat.
"Diyan ka sa unahan!" sabi ni Erika at pinandilatan ang kakambal. "Subukan mong mag-inarte at isusumbong kita kina Daddy!"
"Kainis ka!" sabi ni Lyn. Ano pa nga ba ang magagawa niya?
"Akala ko, isinama ka niya," sabi ni Drew kay Erika pero sa katabing dalaga nakatingin.
"May exam ako kanina kaya hindi puwedeng um-absent."
"Paano 'yan? Diretso na tayo sa Cavite?" tanong ni Drew at inabot ang palda ni Lyn para hatakin pababa dahil nakikita na niya ang puting panloob nito. "Umayos ka kung ayaw mong gahasain kita sa harapan ng kakambal mo."
"Magmaneho ka na nga!" Inirapan niya si Drew. Siya na lang ang nahita kay Erika.
"Mas gusto kong imaneho ka, babe!" bulong ni Drew na nasa unahang kalsada ang mga mata. Mukhang wala namang pakialam si Erika dahil isinampak nito ang earphone.
"Diretso na tayo sa resort na sinasabi niya," wika ni Erika.
"What? Idaan muna ninyo ako sa bahay!" bulalas ni Lyn.
"Isama ka na namin, babe."
"Ayokong sumama sa inyo!"
"Well, sumasama ka na!" sagot ni Drew at kinindatan ang katabi. Kagaya ng dati, namumula na naman ang mukha nito sa inis.
"Kaasar kayo! Ang mga anak ko, walang panggatas!"
"Huwag kang mag-alala, bago ko kayo sunduin, dinaanan ko muna sila ng gatas kaya okay na sila."
"Gatas mong Nido?" pang-iinsulto ni Lyn.
"Enfalac na po, mahal kong asawa!" pagtatama ni Drew. "Kahit tawagan pa natin si Manang, okay na 'yon!" Si Drei naman ang nagsabi sa kaniyang Nido.
"Huwag mo akong tawaging asawa!" saway ni Lyn at isang nakakamatay na tingin ang itinapon sa binatang nagmamaneho.
"Papakasalan kita kaya magiging asawa rin kita!" sabi ni Drew at napasulyap sa maputing hita ni Lyn. "Para maging legal na ang paggamit mo sa katawan ko at hindi na kita masampahan ng kaso."
"Kapal ng mukha!"
"Guys, daan muna tayo sa mall, bibili lang tayo ng damit," wika ni Erika. Kailangan nila ng maisusuot dahil wala silang dala kahit na isang pamalit.

Laro ng ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon