Chapter 18
* * *
~
+
Iyak agad ng bata, tunog ng aso at manok, hiyawan ang gumising kay Lexin ng umaga na yon. Pagmulat na pagmulat nya ay mukha kaagad ni Ysa ang nakita nya, himbing na himbing ito sa pagtulog.
Maya maya pa ay nagising na rin ang dalaga, nawala sa loob nya na nandoon pala si Lexin kaya naman pinunasan pa nito ang muta sa mata at saka ngumiti, nang magising ng lubusan ay gulat na gulat ito nang makita si Lexin sa harap nya at titig na titig sa kanya. Biglang napayakap sa sarili ang dalaga at saka tumakbo papasok sa kwarto nya. Tawa naman ng tawa si Lexin sa reaksyon ng dalaga.
"Oh hijo, gising ka na pala, halika na nga at kumain na tayo ng almusal, nagluto ako ng sopas para mainitan yang sikmura mo." Tawag ng ina ni Ysa kay Lexin ng makitang gising na ito.
Sabay sabay na nagpuntahan sa lamesa ang kapamilya ni Ysa.
"Hijo, kumain ka ng kumain ah, hindi ko na tatanungin kung bakit ka uminom basta ang masasabi ko lang, mas masarap kung may mapaglalabasan ka ng mga nararamdaman mo, hindi yung kinikimkim mo, masama yon." Payo ni Lina rito.
"Oo nga Hijo, hindi lahat nakukuha sa pag-inom."Dugtong naman ni Javier.
"Ysa.. Kakain na, asikasuhin mo tong kaklase mo, kunin mo na yung damit nya na nilabhan mo kagabi!"Utos ni Lina sa anak.
"Opo Ma!"Sigaw ni Ysa mula sa kwarto at saka lumabas ito at naupo sa tapat ni Lexin at inasikaso ang binata.
"Ayaw po yata ni Ysa." Sumbong ni Lexin sa ina ni Ysa.
"Ysa, Ano ka ba!! Mahiya ka naman sa kaklase mo!"Sita naman ni Lina.
Nakasimangot namang inasikaso ni Ysa si Lexin. Tuwang tuwa naman ang binata sa ginagawa sa kanya ni Ysa.
+
"So Corine, bakit mo nga iniwan si Lexin doon kagabi?"Kulit na tanong ni Bea.
"Ano ka ba Bea, ilang ulit mo ba akong kukulitin about that? kagabi ka pa ha, sinabi ko ng ayoko lang na magkagalitan kami ni Yuan eh, baka nakakalimutan nyo, kami na!"Palusot ni Corine.
"OH... MY.... GOD....!!"Biglang sabi ni Mildred na nakatingin sa may parking lot, Nakita niyang bumaba ng kotse ni Lexin si Ysa.
Napatingin naman si Corine dito at parang sinampal si Corine sa nakita, pero hindi nya ito pinahalata, bagkus ay ngumiti ito at umalis na parang wala lang.
"Kung hindi magawang magreklamo ni Corine, ako ang magpaparusa diyan sa Aswang na yan!"Asar na sabi ni Mildred.
Si Ysa naman ay ilang na ilang pagkababang pagkababa ng kotse ni Lexin. Ipinilit kasi ni Lexin sa ina ni Ysa na isasabay na niya ito kaya wala na syang nagawa.
+
Sa may pool area naman kung saan tumatambay ang iilang estudyante ay hinhintay ni Ysa ang kaibigang si Marj na varsity ng Swimming, katatapos lang nitong mag-training at nasa restroom ito para mag-shower at magpalit.
Natiyempuhan naman ito nila Mildred at Bea na nasa may pool side, Agad na tumaas ang kilay ni Mildred nang makitang mag isa lang ito kaya naman agad nitong siniko si Bea at ngitian.
Saktong patayo na si Ysa ng lumapit si Bea at kunwaring tinulak ito ni Mildred, natabig naman ni Bea si Ysa kaya nahulog ito sa pool.
"Oh my, I'm so sorry Ysa !!"Kunwaring sigaw ni Mildred.
![](https://img.wattpad.com/cover/39304407-288-k152419.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
KorkuTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...