Chapter 75

3.6K 127 3
                                        

Quick note: Hi guys pa vote naman ng Chapter 74 Thanks! 😊 enjoy..

Chapter 75

"Miss Fajardo, are you okay?" Narinig ni Ysa'bg tanong ni Atty. Moncada. Dahan dahang dinilat ni Ysa ang mata ang sumalubong sa kanya ang puting kisame.

"Nasaan ako?" Tanong ng dalaga at dahan dahang umupo.

"Nandito ka sa bahay nila Lexin sa Tagaytay, regalo ito ni Maita sa anak. " Sagot ng Doctor na nasa tabi ni Atty.

Dahan dahang ginalaw ni Ysa ang nga paa upang sana ay makatayo ngunit agad na kumirot ang tama niya sa hita dahilan para mapadaint ang dalaga.

"Huwag mong piliting bumangon Ysa, masyado ka pang mahina, mas makakabuti sayo kung magpapahinga kang mabuti." Ani ng abogado.

Napapikit si Ysa at inalala lahat ng mga nangyari sa kanya, hindi sya makapaniwalang nangyayari lahat ng ito sa kanya, nagsimula lang ito mula ng pumasok sya sa LAC.

Pumikit ang dalaga at ramdam na ramdam niya ang sariwang sakit at ala ala na dinulot sa kanya ng taong ito.

"Hindi ka na pinadala ni Lexin sa hospital, doctor na mismo ang pinapunta nya dito, ayaw daw kasi nyang may manggulo sayo." Kwento ng attorney na nakatanaw sa may bintana at nakapamulsa.

"Nasaan po si Lexin..?" Agad na tanong ni Ysa ng maalala na wala ang binata sa paligid.

"May aasikasuhin lang daw sya at babalik ulit. Hindi pa nga sya bumabalik mula kahapon.." Sakto namang pagkasabi nya noon ay bumukas ang pinto at pumasok si Lexin, may dala itong tray ng pagkain.

"Good Morning.. Breakfast in Bed!"nakangiting sabi ng binata na gwapong gwapo sa suot nitong puting tshirt at kakhi na short. Isang tipid na ngiti lang ang binalik ni Ysa dito. Inilapag ni Lexin ang dalang pagkain. Hush brown, Hot dog, corned beef, may soup pa sa gilid, at mga prutas, may isang basong gatas din ang kasama nito.

"Kumain ka na mabuti at kailangan mo ng lakas Ysa para gumaling ka kaagad.." Wika ni Lexin habang hinihiwa hiwa nito ang pagkain.

"Inasikaso ko na yung kaso mo, hindi ka na nila guguluhin.." Saka sinubo kay Ysa ang hiniwang pagkain.

"Sige na.. Wag ka na mahiya.. Ano ka ba.." Pilit ni Lexin kaya naman sinubo ito ni Ysa.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin to Lexin.. Alam naman nating.."

"Hindi tayo magkapatid Ysa.." Agad na putol ng binata sa balak pang sabihin ni Ysa, binaba niya ang hawak na kutsara at tipid na ngumiti at tinignan ang dalaga.

"Ano? Paanong.." Naguguluhang tanong ni Ysa rito.

"Hindi ako tunay na anak nila Mama, pinagtapat nya sa akin sa video na ginawa nya.." Malungkot na ngiting sabi ni Lexin.

"Bakit sa lahat ata ng ampon ikaw ang masaya...?" Tanong naman ni Ysa.

"Dahil isa lang ang ibig sabihin nito, hindi tayo magkapatid at pwede na tayo.." Sambit ni Lexin sabay hawak sa mga kamay ni Ysa. Hindi alam ni Ysa ang mararamdaman nya ng mga sandaling iyon, walang duda na mahal na mahal nya si Lexin pero iba na ang sitwasyon ngayon, masyado ng madaming nangyari lalong lalo na kay Lexin, sinisisi nya sa sarili ang sunod sunod na kamalasan ni Lexin, pakiramdam nya ay nahawahan nya ito ng kamalasan.

"Ysa.. Will you marry me?" Agad na bumalik sa reyalidad ang isip ng dalaga sa binitawang salita ni Lexin sa kanya.

"L-Lexin...-." Agad na namuo ang luha sa mga mata nito at tinignan din ang mga mata ni Lexin.

"Ysa.. After all we've been through, after all the mess, all the hardships.. After all of that Ysa.. Mahal kita, mahal na mahal na sa puntong gusto ko ikaw lang ang makasama ko Ysa.." Agad napahawak si Ysa sa bibig at bahagyang napapikit, Nilingon naman ni Lexin ang abogado at Doctor at tinanguan ang mga ito kaya naman ay ngumiti lang ang mga ginoo at umalis na nang kwarto.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon