Chapter 41

5.6K 154 3
                                        

Chapter 41


***

"WHAT IS THE MEANING OF THIS??"Galit na galit na sigaw ni Corine, nasa presinto sya nun dahil sinundo sya ng mga pulis sa bahay nila, pinaliwang ni Bonker dito ang mga ebidensya na nagtuturong sya ang suspect.

"Katulad ng sinabi ko Ms. Rivera, isa ka sa suspect sa pagkamatay nila Juanito De Guzman at mga kabarkada nito at saka ni Beatrice Joson na kung hindi ako nagkakamali ay parehong malapit sayo at pareho ring may atraso."Wika ni Bonker.

"WHAT ARE YOU TRYING TO SAY? THAT I KILLED THEM, OH COME ON, I'M A BITCH BUT IM NOT A KILLER!"Nanlalaki ang matang sabi ni Corine.

"So papano mo maipapaliwanag lahat ng ebidensya na nagtuturo sayo ? Sabihin mo nga sa akin Ms. Rivera, the audio tape, the pictures at ang mga statement ni Mildred Mariano."Paliwanag ni Bonker.

"How many times do I have to tell you that i did not murder anybody! At isa pa, why are you harrasing me, hindi ba dapat tawagan ko muna ang lawyer ko bago nyo ako ganituhin!"Mataray na sabi ni Corine.

"Ms. Rivera, will you lower down your voice, baka nakakalimutan mo,nasa presinto ka, mga pulis ang kausap mo and I'm expecting some respect from you."Diin na sabi ni Bonker.

"I DON'T CARE KUNG PULIS KAYO! OR KAHIT ANO PANG KLASENG TAO KAYO, YOU KNOW WHAT, ONCE MY FATHER LEARN ALL ABOUT THIS, YOU'RE ALL DEAD!"Sigaw ni Corine na nakapamewang pa.

Imbes na magsalita ay sinenyasan ni Bonker ang isang pulis, agad naman nakuha ng pulis ang nais iparating ni Bonker, agad nitong kinuha si Corine at hinila.

"T-Teka .. TEKA!!! saan nyo ako dadalin?! Anong ibig sabihin nito, bitiwan nyo ako!" Pagpupumiglas ni Corine.

"Miss Rivera, wag ka ng magpumiglas, doon mo na lang hintayin ang lawyer mo sa loob ng selda!"nakangising sabi ni Bonker.

"OH MY GOD! NO WAY! WAG NYO SA AKIN GAWIN TO, YOU'LL FOR PAY THIS! NOOOO!"sigaw ni Corine habang dinadala ng pulis sa selda.

+ 

Maghapong umiiyak si Nita sa loob ng kwarto ng anak,isa isa nyang inalala ang masasayang alaala ng anak noong nabubuhay pa ito, madalas sya nitong yakapin at kantahan, maging sa huli nitong sandali ay si Grace pa rin ang gumagawa ng paraan para pagaanin ang loob nya. Tandang tanda pa nya ang huling sandali ng anak.

~

Patang pata na ang katawan ni Grace noon, ni hindi na nga nito makuhang umupo man lang, si Nita noon ay hindi maitago ang emosyon sa kalagayan ng anak.

"Ma..Ano ka ba? Iyak ka ng iyak, pag may masamang nangyari sayo,sino na lang ang mag aalaga sayo, ano ka ba, umayos ka nga.."Wika ni Grace na nakuha pang magbiro sa kabila ng kalagayan nya.

"Anak.. Diko kakayanin na wala ka, ikaw ang buhay ko.."Umiiyak na sabi ni Nita.

"Ma, bago nyo pa ako pinanganak, nakaya nyo ng wala ako,at nabuhay kayo,paano nyo sasabihing ako ang buhay nyo.."Sabi ni Grace na natatawa.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan, mamamatay ka na lang, nakukuha mo pang magpatawa."Sita ni Nita sa anak.

"Ma.. Kung sakaling mamatay ako,wag na wag mong babaguhin ang ayos ng kwarto ko para kunwari nandito pa rin ako, at saka Ma, yung picture namin nila Charm, isama mo sa akin ah? gusto ko may ala ala pa rin nila ako kahit nasa kabilang buhay na ako.."Sabi ni Grace.

Lalong nagpapalahaw sa iyak si Nita, "Anak,please, lumaban ka, please.. Kailangan kita.."Pagmamakaawa ni Nita.

"Gustuhin ko man Ma, pero hindi ko na kaya, pagod na po ako..pagod na pagod na ako Ma, hirap na ako eh.."Mahina at naiiyak na sabi ni Grace,

"Please Ma, pakawalan mo na ako.."

Napaiyak naman si Nita lalo sa tinuran ng anak, "Anak.. Kung hirap ka na, sige.. Pakakawalan na kita.."Hikbi nitong sabi at saka dumukdok sa kama at umiyak.

Narinig pa nya na kumanta ito..

Sanay di magmaliw ang dati kong araw,

Nang munti pang bata sa piling ni Nanay,

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal,

Awit ng pagibig, habang akoy nasa..

Biglang huminto ang pagkanta ni Grace kasabay ng paghinto ng tibok ng kanyang puso..

" G-Grace .."

" A-Anak ...."

*sob*

~

Sariwang sariwa pa din sa isip ni Nita ang mga ala alang iyon, napayakap sya sa unan ng anak at nahiga sa kama nito.

Nasa ganun syang pwesto ng biglang bumukas ang bintana, napatinign si Nita dito at tumayo at saka sinara, bago sya bumalik sa pwesto ay nadaan sya sa salamin at doon nya napansin na may nakasulat dito parang pulbos ang ginamit pangsulat na kanina ay wala naman.

MA, ITURO MO NA SI CHARM KAY YSA PLEASE.

GRACE

Basa ni Nita sa nakasulat dito at umihip na naman ang hangin dahilan para mapayakap sya sa sarili.

+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon