Chapter 50

4.9K 132 4
                                    

Chapter 50
~

Ilang araw ng nagmumukmok si Lexin sa kwarto nya at kinababahala na ito ng kanyang ina at lola.

"Anak..Lexin, anak halika na kumain na tayo.."Aya ni Maita sa anak na nagkukulong sa kwarto.

Pero walang Lexin na sumagot, kaya naman naiiling na umalis na lang si Maita.

Sa loob ng kwarto ay nakatanaw lang sa bintana ang binata at nakatulala.

"Ysa.." lagi nyang sambit.

Madilim at magulo ang kwarto nito, at wala rin itong pakialam sa ayos nang kanyang silid.

Maya maya ay nakaramdam ng panlalamig si Lexin, kaya patay malisya na lang nitong sinara ang binata at bumalik sa kanyang kama.

Ngunit makalipas ang ilang segundo ay biglang bumukas ang bintana, pintuan sa banyo at pati ang ilaw.

Napabalikwas ng bangon si Lexin sa pagkabigla. Dahan dahan syang tumayo at palinga linga ang mata, pagkatapos ay tinungo nito ang bintana at sinara muli, pagkatapos ay ang pintuan ng cr at pagawi na sana sya sa ilaw ng bumukas ulit ang bintana at pintuang kakasara lang na kinagulat nya.

Agad syang bumalik mulit dito at matapang na sinara ang ito at saka nagmamadaling pumunta sa ilaw at saka ito pinatay at pagkatapos ay agad tinungo ang pintuan at akmang lalabas na pero nabuhay muli ang ilaw, pero sa pagkakataong ito ay dinig nya ang tunog ng switch na parang may nagbubukas, maya maya ay namatay muli ito, patay sindi ang ilaw kasabay ng tunog ng switch ay dahan dahang nilingon ni Lexin ang switch at doon ay nakita nya ang babaeng nakaitim na ini-on at off ang ilaw, nakatingin sa kanya at nakangisi.

"ARGH!!!!"

Pababa na noon si Maita ng marinig ang sigaw ni Lexin, agad agad syang bumalik sa kwarto nito at kinatok ito.

"Lex! Anak! Lexin! Buksan mo ang pinto!"katok ni Maita sa pintuan at pamaya maya ay napalitan na ng Kalampag. "LEXIN! OPEN THE DOOR!"

Pero wala pa rin nagbukas, bagkos ay sunod sunod na kalampag ang narinig nya sa loob ng kwarto, nagpanic na si Maita kaya agad agad nitong tinawag ang biyenan.

"MA! SI LEXIN! SI LEXIN! KUNIN NYO ANG SUSI! "sigaw ni Maita at saka tinuloy pa rin ang pagkalabog sa pinto.

Si Marietta naman ay nagmamadaling umakyat kasunod ang katulong na may dalang susi.

"ANO BANG NANGYAYARI?"tanong ni Marietta na putlang putla sa pagaalala.

"HINDI KO ALAM MA, BIGLA BIGLA NALANG SYANG SUMIGAW"kabang kabang sabi ni Maita.

Isang malakas na kalabog na naman ang narinig nila sa loob at isang malakas na daing mula kay Lexin.

"DIYOS KO ANG APO KO! BUKSAN MO NA ANG PINTUAN!"utos ni Marietta sa katulong, agad namang tumalima ang katulong.

"Nyora, ayaw po eh.."wika ng katulong.

"ANO KA BA! BAKA HINDI YAN YUNG SUSI, NAPAKATANGA MO! BUMABA KA KUNIN MO YUNG SUSI AT BAKA NAPAPANO NA ANG ANAK KOO!"galit na sabi ni Maita sa katulong.

Agad agad namang tumalima ang katulong.

"Ma, anong nangyayari sa anak ko!"umiiyak na si Maita, sakto namang dating ni Alberto.

"ANO BANG NANGYAYARI AT NAGKAKAGULO KAYO?"sita nito.

"ALBERT, TULUNGAN MO KAMI, TULUNGAN MO SI LEXIN, KANINA BIGLA NA LANG SYANG NAGSISISIGAW TAPOS KUMAKALABOG SA LOOB AYAW NAMANG MABUKSAN!"tarantang sabi ni Maita.

Tinungo ni Albert ang pintuan at pinihit ang seradura pagkatapos ay tinapat ang tenga sa pintuan.

"Lexin!"tawag nya pero isang malakas na ungol at daing ang kanyang narinig kasunod ng isang malakas tunog ng nabasag na salamin.

"LEXIN!"panic ni Albert ng marinig iyon.

"ISTONG! BADONG! HALIKA KAYO DITO DALI!"tawag ni Albert sa mga body guard.

Agad namang nakapanik ang guard at inutos dito ni Albert na pwersahang buksan ang pinto at ganon na nga ang ginawa ng dalawang bodyguard na malalaki ang katawan, gamit ang buong lakas at tamang bwelo ay binunggo nila ang pinto hanggang sa bumukas na ito, hindi na nagdalawang isip pa si Maita at agad pumasok sa loob.

Kitang kita nya na hila hila ng babaeng nakaitim si Lexin sa paa, puro dugo ito na hula nya ay nanggaling sa basag na salamin ni Lexin.

"IKAW...!"bulalas ni Maita kasunod noon at saka bigla itong nawala, pagdakay isang malakas na sigaw ni Marietta na sunod na pumasok.

"LEXIN!!!"sigaw nito bago tuluyang mawalang ng malay.

"MA! MA! BUHATIN NYO DALI! KUNIN NYO SI LEXIN! DALIAN NYO! DALIN NATIN SILA SA HOSPITAL"Natatarantang wika ni Albert ng makitang nahimatay ang ina at si Lexin na duguan at walang malay.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon