Chapter 46
~
"Kayo Mama ang dahilan kung bakit ako nasa gantong sitwasyon, alam nyo nung una pa lang na hindi si Maita ang mahal ko pero pinilit nyo akong ipakasal sa kanya!!"Katwiran ni Albert sa ina, umagang umaga kasi ay pinangangatalan ni Marieta ang anak tungkol sa pakikitungo kay Lexin.
"Ano ka ba naman Albert, bakit naman napasok dito ang pagpapakasal mo kay Maita, si Lexin ang pinaguusapan natin!"Galit na sabi ni Marietta.
"Ang sinasabi ko ma, kung sanang mahal ko din ang ina, eh di sana.."
"Ano!!?? mahal mo din ang anak? Bakit Albert, doon ba tinitingnan yon ha!!? Ang ibig sabihin ni minsan hindi mo minahal si Lexin dahil hindi mo mahal ang ina nya?"Putol ni Marieta sa sasabihin pa ni Albert.
"Dapat kasi hinayaan mo na lang ako sa totoong mahal ko, dapat pinayagan mo na akong magpakasal kay..."
"Alin!? Sa babaeng ginahasa mo!? Na kahit kasal ka na kay Maita at kasal na rin yung babae at may anak ay nagawa mo pa ring gahasain!?? Pasalamat ka na lang at hindi ka nila dinemanda!"Galaiting sambit ni Marietta.
"Pero Mahal ko sya.."
"Hindi ka nya mahal! kaya nga nagpakasal sya sa iba.."Diing sabi ni Marietta sa anak.
"Si Maita ang asawa mo at ang anak nyo dapat ang pagtuunan mo ng pansin!"
"YUN PA NGA ANG MASAKIT EH, AKUIN ANG ANAK NG MAY ANAK AT PAKASALAN ANG BABAENG HINDI MO NAMAN MAHAL!"
"Anong ibig mo sabihin!?"Nagulat na tanong ni Marietta.
"Wala ma.. Mabuti pa umalis na ako at hinihintay pa ako sa Munisipyo."Pagpapaalam ni Albert at saka umalis.
Naiiling namang tumayo si Marieta at tinungo ang kwarto ng apo. Pakatok na sana sya ng marinig nyang may kausap ang apo.
"Wag kang mag alala anak.. Kakausapin ko ang daddy mo para hindi ka na nya saktan, kinausap na din sya ni Lola mo kaya wag ka ng mag alala."Narinig nyang sabi ni Maita. Kakauwi lang nito galing Paris kagabi.
"Mommy.. Punong puno na ako sa kanya..."Dinig ni Marieta'ng sabi ni Lexin.
"Don't worry, nandito na ako so he won't bother you anymore."Dinig pa ni Marieta'ng paniniguro ni Maita.
"Maita, Lexin, Breakfast is ready!"Tawag nya sa mag-ina.
"COMING MA.."Sagot ni Maita.
~
Isang linggo na ang nakalipas mula ng mamatay si Javier pero noon pa lang nararamdaman na ng mga naiwan nya ang kalungkutan, ni hindi nila magawang mag-usap usap. Ni hindi sila makapagsabay sabay sa pagkain.
Si Ysa ay nagkukulong pa din sa kwarto, kung hindi pa ito pilitin ni Flor o ni Lina na kumain ay hindi ito kakain.
Bagsak na bagsak na ang katawan ni Ysa. Wala itong ibang ginawa kung hindi ang umiyak gabi gabi at matulog sa umaga.
"Ysa, kumain na tayo?"Aya ni Lina sa anak habang nagaahin, lumabas kasi si Ysa para maligo.
"Pinagluto ka ni ate Flor mo ng paborito mong pinakbet, binili kita ng saging na tundan, tapos yung kapitbahay nating si Aling Natty, birthday kasi ni Peter, yun bang panganay nya kaya nagpadala sya ng Lechon baboy at Caldereta..."
"Busog po ako.."Tipid na putol ni Ysa sa sinasabi ng ina at saka tumuloy sa cr.
"Busog eh ni hindi ka nga kumakain, kumain ka man lang kahit isang subo lang, dalawang subo, papatayin mo ba ang sarili mo Ysa.."Nag-aalalang pahayag ni Lina.
"Oo ma! Gusto ko nang mamatay, Gustong gusto ko na mamatay..!"
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Ysa mula kay Lina na kinagulat naman ni Ysa, napahawak ito sa pisngi.
"Bakit kung umasta ka akala mo ikaw lang ang namatayan.."Nanginginig ang boses na sabi ni Lina.
"Namatayan din ng ama si Ate Flor mo at si Lewis, pero nakita mo ba silang nagkaganyan? ako, namatayan ako ng asawa, namatay ang kaisa isang lalaking minahal ko pero nakita mo ba akong nagkaganyan? Hindi Ysa!! hindi ko ginawa, kasi alam ko, kung nakikita tayo ng ama mo, hinding hindi nya yon magugustuhan..ang malungkot tayo dahil sa kanya.."Naiiyak pang sabi ni Lina.
"Iba ang sitwasyon ko Ma, ako ang dahilan ng pagkamatay ni Papa, AKO! AKO!"Sigaw ni Ysa at saka dahan dahang napasandal at tumangis.
"Walang sumisisi sayo anak.."Ani Lina.
"Kaya nga ako nagkakaganto, kasi wala man lang isa sa inyo ang sumisisi sa akin.."Iyak pa ni Ysa at maya maya pa ay inuntog nito ang sarili sa may ref.
"Kasalanan ko! Dapat ako mamatay! Kasalanan ko!!"Pagwawala ni Ysa.
"Gusto mo talagang mamatay? Ha?"Galit na sabi ni Lina at saka pumunta sa lababo at kumuha ng kutsilyo.
"Oh ayan, saksakin mo ang sarili mo! Magpakamatay ka! SIGE! YAN ANG GUSTO MO!"Malakas na sabi ni Lina at saka pilit na pinahahawakan ang kutsilyo sa iyak ng iyak na si Ysa.
"SIGE AYAN! IWAN MO DIN KAMI KATULAD NG GINAWA NG PAPA MO! IPARAMDAM MO PA LALO SA AMIN YSA KUNG GAANO KASAKIT MAWALAN NG MINAMAHAL!!"Gigil pang sabi ni Lina, si Ysa naman ay napaupo habang umiiyak.
"Napakaselfish mo anak.. Nagdurusa din kami.. Nagdurusa din kami..,HINDI LANG IKAW!!"Sabay talikod ni Lina at hagis ng kutsilyo sa lamesa.
"M-Ma.. "Tawag ni Ysa sa ina, huminto naman si Lina at nilingon ang anak.
"I-I'M SORRY M-MA.. I'M SO SORRY.."Umiiyak na hingi ng paumanhin ni Ysa.
Dali dali itong nilapitan ni Lina at niyakap, ganun din si Ysa.
"Anak. Tayo na lang ang meron tayo.. wala tayong dapat gawin kung hindi ang magtulungan.. Ikaw, ako, si Flor at si Lewis.."Salita pa ni Lina habang mahigpit na yakap ang anak.
Maya maya pa ay kumalas na ito sa anak at pinahiran ang luha ni Ysa at inayos ang buhok at saka tumayo at inalalayan patayo ang anak.
"Mabuti pa, kumain na tayo.. Tatawagin ko lang ang mga kapatid mo."Utos ni Lina sabay talikod.
"FLOR! LEWIS! KAKAIN NA.."
Hindi na naituloy ni Lina ang pagtawag dahil biglang bumagsak si Ysa.
"YSA.! ANAK! YSA!"Panic ni Lina. "FLOR! Ang kapatid mo!!"sigaw nito.
~
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
HororTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...