Chapter 54
"Hayop talaga yang bata nayan!"Daing ni Albert habang ginagamot ng nurse ang mga sugat at pasa dulot ng pambubugbog ni Lexin.
"Hiningi mo yan kaya binigay sayo ni Lexin."nakaisimid na wika ni Marietta.
"Kaya lumalaking hudas ang put*ngin*ng batang yan eh, sobrang pangungunsinti ang ginagawa nyo ni Maita, kaya kita mo pati ako sinusuway!"Galit na wika ni Albert.
"Wag na wag magpapakita sa akin yang batang yan at doble pa sa ginawa nya sa akin ang gagawin ko!" Banta ni Albert.
"Pwede ba Albert, tumigil ka na..baka sa susunod nyan eh mapatay ka na ng anak mo.. "banta ni Marietta.
Pero tila walang naririnig si Albert, abala ito sa pagiisip kay Cely, o Lina, ang ina ni Ysa.
"Alam mo ba Mama, anak ni Cely ang girlfriend ni Lexin.."Iba ni Albert sa usapan.
"Si Ysa?"hindi makapaniwalang sabi ni Marietta.
"Oo Ma, at hanggang ngayon, maganda pa rin sya.."Nakangiting sabi ni Albert.
"Alberto, kung ano man ang pinaplano mo, utang na loob! Magkakaproblema lang kayo lalo ni Lexin nyan!"sita ni Marietta.
"Hindi Ma, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.. Kailangan makausap ko sya.." Seryosong sabi ni Albert.
Naiiling na lang si Marietta, kabisado na nya ang anak at hindi maganda ang kutob nya sa kung ano man ang iniisip nito.
+
Samantala, Si Carlo ay nakalulan sa kotse nya papunta sa address na binigay ng ina ni Grace, inabot ito sa kanya ni Ysa bago pa man magpunta ng hospital.
Dinilim na sya sa daan kaya kinailangan pa nyang magtanong tanong sa mga nadadaanan tungkol sa lugar, pursigido syang malaman ang totoo kaya hindi nya ininda kahit magdilim na sya sa daan.
Sa kanyang pagtatanong tanong ay natuntun nya ang nasabing baryo. Madalang ang bahay sa lugar na iyon kaya naman napakatahimik, bukod doon ay walang ilaw ang daan, tanging ilaw lang sa kotse ni Carlo ang nagsisilbing liwanag nya sa daan.
Tahimik na nagdadrive si Carlo papunta kila Charm ng maya maya ay makarinig sya ng isang bulong.
"Huwag kang makialam.."
Napalingon si Carlo sa narinig na yun, ngunit wala naman syang nakita, kinikilabutan man ay naiiling na pinagpatuloy ni Carlo ang pagdadrive. Maya maya na naman ay isang mahinang bulong na naman ang narinig..
"PAKIALAMERO.."
"MAMAMATAY KA.."
"MAMAMATAY LAHAT NG NAKIKIALAM.."
Nagtayuan ang balahibo ni Carlo sa narinig kaya bigla itong napahinto at napalingon muli pero wala pa din syang nakita kaya naman nagpatuloy na lang sya.
"Carlo.. Carlo.. Maging matapang ka.. Hindi ito ang oras para matakot ka.." Kausap ni Carlo sa sarili at nagpatuloy sa pagmamaneho, bigla nyang naalala ang huling pagkakausap nila ni Axle na anak ni Alexa nung isugod nila sa hospital ang tatay ni Ysa.
+
"Paano mo nagawa yon?" Tanong ni Carlo nun kay Axle ng magkausap sila sa hospital.
"Ang alin?" Tahimik na tanong ni Axle.
"Paano mo napatigil ang nangyayari kay Sir Javier?" Usisa pa nito. "Ano yung sinaboy mo?"
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
TerrorTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...
