Chapter 30

6.1K 161 4
                                    

Chapter 30

 * * * * *

Dedicated to : Jennifer Eulalio , Apply Calunsag, Micah Padro, Josephine Ygona.

* * *

"Mahal na mahal kita, lagi mo tatandaan yan.."Wika ng lalaki sa babae, nasa may bench sila ng school.

"Mahal na mahal din kita.. Sobra .. hindi ko kakayanin kung mawawala ka.."sagot naman ng babae, hindi nya maaninag ang mukha ng mga ito pero parang pamilyar ang mga boses nila.

Naiba ang eksena, at nagpapanik ang babae sa stage na nakagown, aawardan ito, malakas na palakpakan ang narinig nya.

"And our new CAMPUS QUEEN !!! Is "

Napadilat si Ysa ng maputol ang panaginip niya, at pagdilat nya ay tiningnan nito ang kandila at doon nakita nya na naman ang babaeng nakaitim na sakto namang kakaihip lang sa kandilang bigay sa kanya at saka ito bumaling sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"TAKBO!!"Nakakakilabot na sabi ng babaeng nakaitim.

Napadilat muli si Ysa at saka nya napansin na nandoon pa din sya sa bahay nila Alexa.

"Anong Nangyari??"Hinihingal na tanong niya habang palinga linga.

"Ysa.. Kung sino man ang nakikita mo, mag-iingat ka sa kanya, sa ngayon wala syang magagawa, pero sa oras na may mamatay, unti unti ay babalik ang mga naganap na dati."nakakakilabot na rebelasyon ni Alexa.

"Pero.. Hindi ko alam ang gagawin ko, masyado ng mabigat ang mga nangyayari sa buhay ko para isipin pa yang mga kababalaghan na yan at saka anong kinalaman ko sa patayang nangyari noon at punyetang babaeng nakaitim na yan!!"Sigaw ni Ysa at saka biglang nabasag ng mag-isa ang vase sa lamesa.

"Ysa.. Kung ano man ang nangyari noon at mangyayari palang ngayon, kahit yon may kinalaman sayo! Lahat yon! Mas mabigat at mas malala pa ang mga pwede mangyari kumpara sa ngayon!"paliwanag ni Alexa.

Napatulala si Ysa at saka yumuko, pakiramdam nya ay bugbog na bugbog ang katawan nya dahil sa mga nangyayari, problema sa school,sa pamilya, kay Lexin, pati ba naman multo kailangan pa nya problemahin.

"Hindi mo ba naisip Ysa na kung bakit sa dinami dami ng estudyante sa school nya, ikaw ang ginagambala nila, Ysa.. Namatay ang dalawa mong kaibigan dahil bahagya nilang naranasan ang mga nararanasan mo pero bakit ikaw buhay pa din samantalang mas madami kang nakikita."wika pa ni Alexa.

"AYOKO!!!!"Biglang sigaw ni Ysa.

"Ayoko na!! Kung gusto nila ako multuhin FINE! Wala na akong pakialam, kunin na lang din nila ako!Sa mga nangyayari sa akin mas gugustuhin ko pang mamatay nalang!!"Mataas na boses na sabi ni Ysa at saka akmang pupunta sa pinto.

"Madaming tulong Ysa.. Madaming tulong, buksan mo lang ang mga mata mo.."Matalinghagang sabi ni Alexa.

Ngunit hindi na ito pinansin nang dalaga at tuluyan nang lumabas nang bahay ng ginang.

Ilang araw ding hindi nakapasok si Ysa sa school dahil sa nangyari sa ama, isa pa, kahit pa sabihin na hindi sya ang nasa video ay gusto pa rin nya makaiwas sa usap usapan.

"Pa kamusta ka na?"Bati ni Ysa sa amang si Javier pero hindi man lang sya nito pinansin at nilagpasan na lang.

"Mabuti pa Ysa, wag mo muna kausapin ang Papa mo at baka maulit na naman yung nangyari sa kanya."Malamig na sabi ng kanyang ina.

"Buti pa Ysa magsaing ka na lang, hanggat maaari, wag mo muna kausapin si Papa, masama pa  loob niya sayo, kung mahalaga sayo ang pamilya natin, makibagay ka."bulong ni Flor.

Para namang sinaksak ang puso ng dalaga sa mga narinig, pakiramdam nya ay hindi na sya kabilang sa pamilyang iyon.

Habang nagsasaing si Ysa ay hindi maiwasang tumulo ang luha nya, hindi ito ang buhay na gusto nya, pero bakit parang may humihila sa kanya sa kaguluhan.

Maya maya pa ay may kumatok sa bahay nila, binuksan nya iyon at bumungad sa kanya si Corine na sinalubong naman sya ng yakap.

"Sis, bakit ba hindi ka pumapasok?It's been a week ni hindi ka man lang nagpaparamdam maging sa text."Malambing na wika ni Corine.

Sakto namang labas ng ina ni Ysa na si Lina. "May bisita ka pala.."Wika nito.

"Ma, si Corine po, Corine Mama ko."Pagpapakilala ni Ysa.

"Kamusta po?"Masayang bati ni Corine, ngiti at tango lang ang sinagot ni Lina.

"Sis, wrong timing ba ako? Parang mainit ulo ng Mama mo."Bulong ni Corine kay Ysa.

"Galit sila sa akin, dahil doon sa video, nakadagdag pa na nahospital si Papa dahil doon.."Malungkot na kwento ni Ysa.

"How sad ..  Anyway, isa nga din pala yan sa pinunta ko dito, balak ko kasi kausapin si Daddy na Chairman ng Board sa school na magimbestiga about the video, I'm sure, that video is a fake, alam ko naman na hindi ka ganoong klaseng babae."sabi ni Corine.

"Talaga? Naku Maraming Salamat Corine, Ma!!"Tawag pansin ni Ysa sa ina na malapit lang sa kanila.

"Narinig nyo po ba yun, mapapatunayan ko na sa inyo na hindi ako yung nasa video!!"Naluluha sa kaligayahang sabi ni Ysa. "Corine, hindi pa man pero maraming maraming salamat!!"Sabi ni Ysa at saka niyakap nito ang dalaga.

"Walang anuman sis, magkaibigan tayo diba, at ang magkaibigan dapat nagtutulungan.."Nakangising sabi ni Corine habang nakayakap kay Ysa, at hindi napansin ni Corine na saktong pababa ng hagdan noon si Flor at kitang kita nya ang malademonyong ngiti ni Corine.

"Basta sis, pumasok ka na bukas ah? mamayang gabi kausapin ko na si Daddy."sabi pa ni Corine.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Corine, si Flor naman ay nakamasid lang sa babae, masama ang kutob nya kay Corine.

"Ysa.. Kaibigan mo ba si Corine?"tanong ng kapatid habang naghuhugas ng pinggan si Ysa.

"Oo ate, mabait sya, una akala ko hindi kasi ayon sa kwento noon nila Marj may pagkamean girl daw yun pero nagkasundo naman kami."nakangiting sagot ni Ysa.

"Hindi maganda ang kutob ko sa kanya Ysa, kaya mag-iingat ka.."Babala ni Flor.

Napakunot naman ang noo ni Ysa sa sinabi ng kapatid. "Anong pinagsasasabi mo ate, mabait si Corine, tutulungan nya ako patunayan sa lahat ng nanghusga sa akin lalong lalo na sa inyo na wala akong kasalanan!"Madiin na sabi ni Ysa.

Para namang biglang tinamaan si Flor sa sinabi ng kapatid kaya hindi na ito kumibo, pero hindi pa rin maalis sa isip nya ang ngiting iyon ni Corine, nakakatakot, parang demonyo.


* * * * *

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon