Chapter 05

10.8K 311 7
                                    

Chapter 5

* * *

~


Halos takbo at lakad ang ginawa ni Ysa , sa sobrang sama nang loob niya ay hindi na niya napansin pa kung saan na siya dinala nang mga paa, at ang tanging nasa isip lamang niya ay nais niyang makalayo sa mga taong iyon.

Nakarating sya sa pinakalikod ng Campus, tahimik doon at nakakakilabot ang paligid, isang malamig na hangin ang sumimoy na halos parang niyayakap siya nito at saktong palingon ay napansin nya na may babaeng nakaupo sa isa sa mga bench na nakahilera doon, sa tantya nya ay kaedad nya lamang ang babae, napansin nya rin ang pagtaas baba nang balikat nito na animo'y umiiyak ito. Nilapitan niya ang dalaga at doon niya nakumpirma ang mahihinang hikbi nito.

"Miss .. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya rito ngunit  hindi man lang ito lumingon sa kanya, bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pag-iyak.

"Siguro, pinagkakatuwaan ka din nila dito no? Mga tao talaga, walang magawa.." Naiiling na wika nya rito.

"Sinong kausap mo???" Biglang ani nang isang boses sa likuran ni Ysa. 

Nilingon naman ito nang dalaga at agad na umakyat ang dugo nito sa ulo dahil sa galit nang makita ang muka ni Lexin.

"Anong ginagawa mo Dito? Sinusundan mo ba ako?"Galit na ani niya rito.

Pero imbes na sumagot ay tumingin ito sa tinayuang bench nang dalaga.

"Ganyan ka ba talaga kawirdo at kinakausap mo pati sarili mo!?" Seryosong wika ni Lexin rito , napakunot naman ang noo ni Ysa at tinaas ang kanang kamay at nilagay iyon sa kanyang bewang.

"Anong kinakausap ko sarili ko!? Bulag ka ba? Nakita mo nang may kausap akong ---...." hindi pa na naituloy ni Ysa ang sasabihin ng paglingon niya sa bench ay wala na roon ang babaeng kinakausap lamang niya kanina.

Napakunot naman nang noo si Lexin at saka umiling at ngumisi.

Nang makita ni Ysa yun ay naningkit ang mga mata nya at binulyawan si Lexin. 

"Pumunta ka ba dito para lang bwisitin ako!!? Hoy Mister akala mo kung sino kang gwapo! Pwede ba tantanan nyo ako nang mga wala mong kwentang kaibigan!! Wag na wag ka nang lalapit sa akin kahit kailan!!" Galit na galit na sigaw nya at saka ito tinalikuran.

Pero imbes na maasar ang binata ay napangiti lamang ito at hinimas ang kanyang baba , sa isip nito ay manghang mangha siya sa dalaga dahil halos sigaw sigawan lamang siya nito at hindi tulad nang ibang babae na walang ginawa kundi magpapansin sa kanya.

Pero habang nakatingin sa likod nang dalaga ay agad nawala ang mga ngiting iyon sa labi nang binata nang makaramdam ito nang pares nang mata ang nakamasid sa kanya , nagpalinga linga ito ngunit isang walang katao tao na paligid lamang ang nakita niya , ngunit ramdam na ramdam niyang hindi siya mag isa sa lugar na iyon kaya naman agad itong naglakad palayo at nilisan narin ang lugar na iyon.

+

"What on earth is that all about!!?" Gulat na gulat na tanong ni Mildred kay Corine pagkatapos nitong pakitaan nang mabait na asal ang dalagang si Ysa.

"What?" Patay malisyang sagot nya.

"That fucking scene you just showed to us a while ago, being nice with that bitch!?" Singit naman ni Bea na kating kati naring magtanong.

"And what's wrong with that?" taas kilay na wika ni Corine.

"Sis! Hindi natin sya ka level, she doesn't deserve our sympathy!!" Maarteng reklamo ulit ni Bea.

"Bakit Bea? Hindi ka rin naman namin ka level but we're friends.." Nakangiting wika ni Corine at pinaka titigan si Bea na agad namang napayuko.

"Hindi ko pa rin maintindihan Corine, ano bang pinaplano mo? Kilala kita.."Makahulugang wika ni Mildred.

"Masama ba makipag-kaibigan sa iba?eh sa nagsasawa na akong lagi kayo kasama ko eh."Depensa ni Corine.

Ngunit Iling na lang ang sinagot ni Mildred rito, kabisadong kabisado na nya ang kaibigan at alam nya na may pinaplano ito ngunit hahayaan na lamang niya ito kesa pa sa makaaway niya ang kaibigan.

+

"Talaga?! Ginawa nya yon? As in?" hindi makapaniwalang tanong nito kay Marj, nasa library sila noon at naikwento naman ni Ysa ang ginawa sa kanya ni Yuan pati narin ang ginawa ni Corine.

"Oo, as in.. " sagot ni Ysa.

"Naku girl, mag-iingat ka, tuso yang sila Corine, baka pinapakagat ka lang nila." Paalala ni Aileen.

"Wag kayong mag-alala, hindi naman ako papauto sa mga yon eh." Paniniguro ni Ysa at saka nila pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Wait lang guys, may hahanapin lang akong libro."Paalam ni Ysa.

Nagtungo ang dalaga sa pinaka dulong bahagi nang bookshelves kung saan madalang lang ang studyante dahil sa puro luma na ang mga libro rito at kaonti lang din ang nakahilerang libro kaya naman kitang kita niya ang nasa kabilang bahagi nito , habang hinahanap ang libro ay napansin ni Ysa ang isang babaeng may mahabang buhok ang naglalakad sa kabilang bahagi ngunit hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang itong studyante.

Nang makita na niya ang librong hinahanap ay agad niya iyong kinuha ngunit may isa pang kamay ang may hawak sa likod nang libro kaya naman tinignan iyon nang dalaga at doon ay nakita niya ang babae na nakatingin sa kanya ngunit ang paligid nang mata nito ang nagpawindang sa dalaga dahil napapaligiran iyon nang itim at halos lumuwa na ito palabas, Agad napahawak sa bibig si Ysa at nanginginig ang katawang tumakbo pabalik sa mga kaibigan.

"O bakit tumatakbo ka?" Takang tanong ni Marj nang makita ang kaibigan na halos namumutla na .

Umiiling naman si Ysa at humawak sa kanyang ulo ,

Imposible .. guni guni ko lang iyon , ano ba naman tong mga nakikita ko , puro nalang kababalaghan.

"Hmmm, siguro nakita mo si Mrs. Librarian noh, yung galing sa kabilang buhay.."Mahinang sabi ni Aileen.

"Mrs. Librarian?" takot na tanong pa din ni Ysa.

"Sya yung multo dito sa library na pagala gala, gusto non laging tahimik eh,"kwento ni Aileen.

"Syempre! Librarian nga eh, gusto talaga non tahimik dito!" natatawang pambabara naman ni Marj.

Napatango na lang si Ysa pero sa totoo lang ay nag uumpisa na syang kabahan sa school na yon. Hindi maganda ang pakiramdam nya dahil ramdam na ramdam niyang kahit saang siyang sulok pumunta ay may nakamasid sa kanya.

* * * * *

Next : Chapter 6

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon