Chapter 56
Cely
+
"Cely, ayan na naman yung anak ni Mayora, napakagwapo talaga ni Sir Albert, napakaactive pa sa munisipyo kahit sa murang edad.."Kinikilig na sabi ni Pilar na katrabaho ni Lina o mas kilalang Cely sa kanilang pinagtatrabahuhang restaurant.
"Asus, eh mukha namang mayabang, malayong malayo kay Mayora na mapagkumbaba, sige na puntahan mo na.."nakaismid na sabi ni Lina. Hindi alam ni Lina na napukaw na pala nya ang atensyon ni Albert ng mga oras na yun.
Sakto naman na nakalapit na si Pilar para tanungin ang order ng binata.
"Good Evening Sir.. Heto po ang menu.."Bati ni Pilar.
"Miss, anong pangalan nung kasamahan mo na yun,"nguso ni Albert kay Cely na abala sa ibang table sa pagkuha ng order.
"Si Cely po sir?"nakangiti pero nagtatakang tanong naman ni Pilar.
"Oo yun nga, gusto kong sya ang magsilbi sa amin.."utos ni Alberto.
"Pero sir, may.."
"Ang sabi ko gusto ko si Cely ang magsilbi sa amin.."Diing sabi ni Albert.
Wala namang nagawa si Pilar kung hindi ang lumapit kay Cely.
"O bakit nakasimangot ka?"Tanong ni Cely kay Pilar.
"Wala naman, yung crush ko kasi ikaw ang gustong magserve sa kanya.."nakaismid na sabi ni Pilar.
"Ako? bakit ako? Ayoko nga!"tanggi ni Cely o Lina.
"Wala kang magagawa, kaibigan nun yung may-ari nito kaya sumunod ka na lang.. Sige ka pag natanggal ka dito di kayo makakaipon ni Javier sa kasal nyo.."pananakot kunwari ni Pilar sa kaibigan.
Sandaling napaisip si Cely at maya maya ay padabog na pumunta sa lamesa nila Albert.
"Good evening sir, welcome to Hernandez, may I take your order?"casual na sabi ni Cely.
"Can i take you out?"nakangiting sabi ni Albert, napatingin dito si Cely at saka sininghalan.
"Sir.. Nagkamali po kayo ng pinuntahan, hindi po ito ang kabaret at hindi po tinetakehome ang mga empleyada dito.."Walang emosyong sabi ni Cely.
"O.. Cool ka lang, masyado ka namang hot.. ang ibig ko lang naman sabihin ay kung pwede kita yayayain sa labas.."nakangiting sabi ni Albert.
"Hindi po.. Pasensya na po sir, hindi po ako sumasama sa hindi ko po kilala."pormal pa ring wika ni Cely.
"Syempre kilala mo ako, anak ako ni Mayor Apostol.. At ikaw kilala kita, ikaw si Cely.."wika ni Albert at saka sinipat ang name plate ni Cely.
"Celerina... Lu.. Luma.."
"Lumague po.. Oorder po ba kayo sir? Or aalis na po ako..kasi mukhang busog na po kayo sa mga salita nyo.."Nakaismid ng wika ni Cely at saka tumalikod.
"Miss Celerina Lumague, teka lang.. "pigil ni Albert.
"Masyado ka naman seryoso, sige na, oorder na ako.."
Nakairap na tumalima si Cely.
"Isang Chicken Caldereta, isang lechon kawali at saka.."Salita ni Albert habang sinisipat ang suot ni Cely na uniform, maikling paldang itim at puting blouse ang uniform nila sa restaurant. "At isang hitang manok.."Ngisi ni Albert.
"Is that all sir?"naiinis ng tanong ni Cely.
"Saka fried rice at pineapple juice"dagdag nito na ang mata ay nasa mga hita pa rin ni Cely.
Naiinis na umalis si Cely at kapagdakay tuloy tuloy sa kusina at binigay ang order.
Hindi na sya ang nagdala ng pagkain, pinili na lang nya na magstay sa kusina kaysa makaharap ang anak ng Mayor nila.
Maya maya pa ay mismong boss na nya ang nagpatawag sa kanya. Agad syang sumunod pero laking gulat nya na ang boss pala nya ay nasa table ni Albert.
"Cely, halika! Dali.."Tawag sa kanya ng boss pagkakita agad sa kanya.
"Bakit po sir?"
"Maupo ka dito.."Utos ng boss nya, ang tinutukoy nito ay sa upuan sa tabi ni Albert.
"Sir?"parang naninigurong tanong nya.
"Ang sabi ko maupo ka dito..!"ulit nito. Wala sa loob na naupo na lang si Cely. "O ayan na Albert yung request mo.."nakangiting sabi ng boss ni Cely.
"Sir? Ano po ba yun?"di mapakaling sabi ni Cely dahil sa mga titig sa kanya ni Albert.
"Gusto ka kasi makilala nitong kaibigan ko Cely, anak to ni Mayora Marietta."Wika ng boss ni Cely na si Edwin sabay hawak sa balikat nito.
"Eh sir.. May trabaho pa po ako.."sabi ni Cely at saka umakma na tatayo pero pinigilan ito ni Edwin.
"Sinabi ko na bang umalis ka? Binabayaran ko oras mo kaya pag sinabi kong maupo ka dito, maupo ka.."Galit na sabi ni Edwin, may pustahan kasi sila ni Albert na mapapasunod nya ang dalaga pero sa inaakto ni Cely ay parang matatalo sya dito.
Si Cely naman na likas na palaban ay tila sumabog na sa puntong iyon, nanginginig ang lamang tumayo ito at saka hinarap ang dalawang lalaki.
"I'm sorry po Mr.. De Ocampo!, Sa pagkakaalam ko po, Waitress po ang pinasukan kong trabaho dito at hindi pokpok na pwede nyo na lang Itable magkakaibigan!"Galit na sabi ni Cely na kinatingin ng ibang costumer. "At kung pinagmamalaki niyo na binabayaran niyo ang serbisyo ko, pwes.. tinatapos ko na ang serbisyo ko sa inyo!!"Pagkasabi non ni Cely ay kinuha nito ang isang pitsel ng tubig na puro yelo at saka binuhos kay Edwin.
Gulat na gulat ang lalaki sa ginawa ni Cely, si Cely naman ay dali daling pumunta sa locker nya at kinuha ang bag.
"WALANG HIYA KANG BABAE KA!"Galit na sigaw ni Edwin ng matyempuhan ito na palabas, aakmaan na sana niya ito ng suntok ng pigilin ito ni Albert.
"Edwin.. Bakla lang ang pumapatol sa babae.!"Ani Albert.
Binawi ni Edwin ang kamay at saka hinarap muli ang dalaga.
"Huwag na huwag ka ng babalik dito Cely! Hindi mo na makukuha ang sweldo mo! Layas!"galaiting galaiting sigaw ni Edwin.
"TALAGANG HINDI!! AT SAKSAK MO SA BAGA MO YANG PERA MO!"
+
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
TerrorTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...