Chapter 73
+
"Sir Lexin.."Tawag ng katulong kay Lexin na bahayang nakatulala habang nababad ang paa sa kanilang pool, Tila ba wala itong narinig at patuloy lang ang pagtitig sa tubig.
Napahinga nang malalim ang katulong nang pagmasdan niya ito, mahaba na ang buhok nito at halos mahaba narin ang bigote nang binata.
"Sir..." Muling wika niya.
"WHAT!!?"Iretableng sigaw ni Lexin rito.
"N-Nandyan po si Attorney Moncada.."Natatakot na sagot ng katulong.
"Papuntahin mo dito.."Pagkasabi ni Lexin non ay tumalima na ang katulong, si Lexin naman ay pumailalim sa malalim na pag-iisip, pakiramdam nya ng mga sandaling iyon ay talagang nagiisa na sya. Patay na ang kanyang lola mommy, ang kanyang Ina at ngayon ay di pa nya pwedeng makasama ang babaeng minamahal. Naputol lang ang pagmumuni muni ni Lexin ng marinig nya ang abogado.
"Hijo.." Umpisa nito.
"Attorney.. Ano po ba yun?"Walang ganang tanong nya.
"Nandito ako para magbasa sana ng huling habilin ni Gov, babasahin ko na sana pagkatapos ng libing nya pero..--"
"WAG NYO NA IPAALALA ATTORNEY! At hindi ako interesado sa kayamanan ng Albert Apostol na yan."Putol ni Lexin sa sasabihin pa nito.
"Pero sigurado akong gugustuhin mo tong marinig...lalong lalo na ang iniwang video tape ng Mama mo.."Makahulugang sabi ng abogado. Napalingon naman ang binata dito.
"Anong ibig mong sabihin?"Tanong ni Lexin at banaag sa mukha nya ang kyuryusidad.
"Mabuti pa doon tayo sa loob, pinahanda ko na ang tape.."Pagkasabi nito ay pumasok na ang Abogado. Agad namang sumunod si Lexin, pagkapasok ay umupo kaagad ito sa harap ng malaking tv at pagkaupo ay pinindot ni Attorney Moncada ang play button sa remote control. Bumungad kaagad si Maita na nakaupo sa mismong sofa na inuupuan ni Lexin.
"HI LEXIN.. Anak, Sa oras na pinapanood mo ito marahil ay nasa kabilang buhay na ako..kinuha ko ito the day after your grandmothers Funeral, anak patawarin mo ako, patawarin mo ako sa pagiging selfish ako, I just hope this revelation is not too late. I'm sorry for keeping it to you, I know, na kung sinabi ko to from the start, hindi ka na masasaktan pa.." Sa pagitan ng mga salita ni Maita sa Video ay hikbi na wari bay hirap na hirap.
"Anak.. Hindi kayo magkapatid ni Ysa.." Agad napatuwid nang upo si Lexin at nanlalaki ang matang tinignan ang Tv.
"Hindi ka anak ng Daddy mo, at.. Hindi rin kita anak.. Nung kinasal kami ni Albert, I found out na baog pala ako at hindi ako mabibigyan ng pagkakataong magkaanak. Thats why niregalo ka sa amin ng dyos, you just don't know how happy I am.. At pinangako ko sa sarili ko na lahat gagawin ko para sayo.. Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ng isang ina, pinangako ko din na walang makakaalam na hindi ka namin totoong anak. Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan.. Kaya handa akong isakripisyo ang kaligayahan ko para sayo.."Hindi na nagawa pang pakinggan ni Lexin ang mga susunod na sasabihin ni Maita dahil sa lutang na lutang sya sa kaligayahan.
"Hindi ko kapatid si Ysa! Attorney! Narinig mo yun!? Hindi ko kapatid si Ysa! Hindi kami magkapatid.. Hindi!!!" Wika ni Lexin at saka tumayo at niyugyog sa kagalakan ang abogado.
"Ganon na nga Lexin, at dahil anak si Ysa ni Albert, sa kanya pinamana ng kinilala mong ama ang lahat lahat..--"
"Wala akong pakialam Attorney,"Putol ni Lexin sa sasabihin pa ng abogado.
"Ibigay mo lahat ng kayamanan ni Alberto kahit walang matira sa akin, ang importante hindi kami magkapatid!" Pagkawika ay agad agad tong tumakbo pataas.
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
HororTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...
