Chapter 3
* * *
~
"Pumunta ka na Dude!!Mag-eenjoy ka dun!"Pilit na imbita ni Yuan kay Lexin na bahagyang nagbabasa , Kinukumbinsi kasi ni Yuan na pumunta ito sa party na gaganapin sa rooftop ng school.
"Alam mong wala akong interes sa mga ganyan." iritang sagot ni Lexin.
"Hala, Dude naman, minsan lang to, hindi pupunta sila Corine pag walang Lexin na lumitaw, kahit saglit ka lang doon!" pagmamakaawa ni Yuan.
Pero hindi ito pinansin nang binata at tumingin na lamang sa kabilang direksyon at saktong namataan nito ang dalagang nagbabasa nang libro , napangisi naman nang tago ang binata at tsaka pinatong ang kanyang kamay sa pisngi.
"Sige! Pupunta ako, pero sa isang kundisyon.." wika ni Lexin habang nakatingin sa dalaga.
"Ano yon? Name it!" tuwang tuwang tanong ni Yuan.
"See that new girl from Siquijor?" Wika nang binata kaya naman sinundan ni Yuan nang tingin ang tinitignan nito at doon niya rin nakita ang dalagang nagbabasa.
"Si Ysa?" tanong ni Yuan sabay balik nang tingin kay Lexin.
" Yeah. That girl .."
" Anong kundisyon ang gusto mo sa kanya Dude ?" Takang tanong ni Yuan.
" Make her cry .. before six." ngisi nito at saka hinimas ang kanyang baba..
"Pare naman, baka mamaya sakmalin ako nyan, mamaya may lahing aswang yan." Reklamo naman ni Yuan at tsaka napakamot sa likod nang kanyang utak.
Natawa naman si Lexin at tinapik si Yuan sa balikat.
"Walang party kung ganon" Asar nito sa kaibigan.
"Fine! Fine.. Sige, siguraduhin mo na pupunta ka!" banta ni Yuan.
Tango lang at ngiti ang binigay nang binata rito , ramdam niya kasi sa sarili niya na hindi ito ang tipo nang babae na basta basta nalang mapapaiyak nang kung sino sino.
"Good luck!" pahabol pa ni Lexin sa kaibigan na tila nag-iisip na ng gagawin.
+
"Hi!" bati nang isang babae kay Ysa na abala sa isang sulok sa pagbabasa. Tumingala ito at nginitian ang babaeng bumati.
"Ako si Marj, at ito naman si Aileen" pagpapakilala ng babae sa sarili at sa kaibigan na kasama.
"I'm Ysa.." maikling tugon nya at saka nakipagkamay sa dalaga.
"Kanina ka pa kasi namin napapansin na mag-isa ka." may puntong sabi ni Aileen.
"Ikaw yung sumagot kay Bea kanina diba? Idol.." manghang manghang sabi ni Marj.
"Hindi naman, pinagtanggol ko lang yung sarili ko.."ngiting sagot ni Ysa.
"Buti hindi ka inano nang mga yon, mga mean girls kasi sila weh" bulong ni Aileen.
"Bago lang kasi sya sis, first offense pa lang" sagot naman ni Marj at saka tumabi kay Ysa.
Pinagmasdan naman ni Ysa ang dalawang bagong kakilala, maganda si Aileen pero mukhang mahiyain at si Marj naman ay mukhang palaban at maganda rin, pareho silang mukhang masayahin.
"First offense?"Ulit nya sa sinabi ni Marj.
"Oo, usually, mga newcomers lang ang na Fi-First offense, pag old student ka na, diretso second offense ka na" paliwanag ni Aileen.
"Anong ginagawa pag second offense?" curious na tanong ni Ysa.
"Mild pa lang naman, pinapahiya, sinusulatan ang upuan, minsan itatago yung mga gamit, pag ganon, may warning ka na, ibig sabihin magpakatino ka na sa kanila." salaysay ni Marj.
"Eh pag hindi kapa rin nagpakatino?"kunot noong tanong na sabi niya.
"Pahihirapan ang buong school year mo hanggang sa ikaw mismo ang mag-quit!" parang kinakabahang sagot ni Aileen.
"Yung isang estudyante na may pagkamayabang din, nakabangga yang tatlo, alam mo ginawa nila? Ginawan nila ng scandal, as in nilasing nila at saka hinubaran, tapos pinagalaw sa kung kani kaninong lalaki at saka vinideo, magaling yung pagkakagawa kasi nagmukhang gusto rin ni Roma, walang naging kaso yung mga sangkot kasi pinalabas nila na gusto rin ni Roma, ayun, napilitang magdrop out."kwento ni Marj.
"Kasalan din naman yun ni Roma weh, mayabang kasi sya, akala mo kung sino, nasampulan tuloy sya." dagdag pa ni Aileen.
"Sino ba kasi sila? Bakit ang lakas ng impluwensya nila?" seryosong tanong ni Ysa.
"Si Beatrice Joson, isang filingerang biglang rich na nasabit sa barkada nila Corine, mukha namang froglette, " mahinang sabi ni Marj.
"Ginagawa lang naman syang chaperon ni Corine eh ."hagikgik na dugtong pa nito.
Sabay sabay namang nagbungisngisan ang tatlo.
"Si Mildred Mariano ay anak ni Congressman Mariano, asus, kay yabang yabang, corrupt naman yung tatay nya!!" pairap na sabi ulit ni Marj.
"Paano mo naman nalaman na corrupt si Congressman? mapunot dulo ka Marj.." pambubuska ni Aileen.
"Eh syempre, ako pa, si Mama pa, alam mo naman yun, sa sobrang active sa church, tuwing uuwi na lang, ang daming uwing chismis"Mataray na sagot ni Marj.
Isang mahinang hagikgikan na naman ang narinig mula sa kanilang tatlo.
"At si Corine Rivera, anak nang isa sa board member ng school na ito, sila yung may ari nung pabrika sa malapit sa amin, saka ng iba pang establishment dito sa atin." kwento ni Aileen.
"At sya, sya ang Campus Queen.."Sabat pa ni Marj.
"Campus Queen?" tanong ni Ysa,
"Reyna, pinakasikat, pinakamaganda, pinakatinitingala ng lahat, lalo na yung mga lalaki na sunod sunuran sa kanya." pahayag ni Aileen.
"Lahat ng lalaki maliban kay Lexin." Dugtong ni Marj.
"Weh? Eh mukha ding uto uto yung isang yun eh!" bulaslas ni Ysa, hindi na yata maalis ang asar nya sa lalaking yon.
Bigla naman itong siniko ni Aileen ngunit hindi naman kalakasan at tsaka bumulong ,
" Shss!! Ano kaba!! Pag may nakarinig sayo baka kuyugin ka nang fans ni Lexin Apostol." Saway ni Aileen rito.
" Fans ? Bakit artista ba siya ?" Sarkastikong wika nito.
Natawa naman ang dalawa sa inosenteng tanong ni Ysa.
"Gaga! Hindi!!Car racer sya, at anak pa sya ng Governador ng buong probinsya na to!" paliwanag ni Aileen.
"At mas maipluwensya pa sila kesa kela Corine, lahat ng babae at lalaki tinitingala sya pero unlike sa grupo nila Corine, dedma lang sya, suplado kasi at parang walang pakialam sa mundo, si Yuan nga lang ang nagtitiyaga makipag-usap diyan eh."kwento ni Marj.
Nagtatango lang si Ysa at saka nilingon kung nasaan si Lexin na nakatanaw naman sa bintana, parang nakadama tuloy sya ng konting awa para sa lalaki, nasa ganon syang titig ng napalingon sa kanya ang lalaki, huling huli sya na nakatingin sa kanya, nginitian sya nito ng nakakaloko. Irap lang ang sinagot nya dito. "Ang Kapal!" mahinang sabi nya.
Lingid naman kay Ysa ay kanina pa nakatingin sa kanya si Yuan at pinag-iisipan na kung papaano gagawin ang pagpapaiyak sa dalaga hanggang sa isang magandang plano ang nabuo.
* * * * *
Next : Chapter 4
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
HororTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...
