Chapter 61
~
"Nurse! Kailangan kong magpunta ng simbahan."Biglang bangon ni Trini.
"Saan? Gabi na po."
"Kailangan ako ni Tristan, hinihintay nya ako sa simbahan.."Sabi nya at saka dire diretso sa aparador nito ng mga damit.
"Pero Mam, gabi na po, baka makagalitan tayo ni sir Carlo."Pigil ni Ana sa nagbibihis na si Trini.
"Hindi!! Kailangan ako ng anak ko, kung ayaw mong sumama ako nalang magisa ang pupunta!."Pagmamaktol ni Trini, kaya naman walang nagawa si Ana kung hindi samahan ito.
+
"Father.."Tawag ni Trini sa Pari na may kausap na babae.
"Trinidad..? Gabi na Hija, anong ginagawa mo dito?"Gulat namang sabi ng pari na si Miguel ng makita ang ina ni Tristan.
"Father, kailangan ako ng anak ko, pinapunta nya ako dito.. Sabi nya may kailangan daw akong.."Napatigil si Trini ng makita ang babaeng kausap ng pari. "Ikaw..."
Si Ysa naman ng mga sandaling iyon ay naguguluhan sa tinuring ng babaeng kausap ni Father Miguel, kausap nya ang pari ng biglang dumating ang babaeng ito na may kasamang nurse, at ngayon ay tiningnan sya na parang matagal na syang kakilala.
"Ikaw.. Kilala kita.. Ikaw yun.. Ikaw yun diba? Ikaw ang babae na yun.."Hindi makapaniwalang bulalas ni Trini ng makita si Ysa, ang babae na madalas ipinta noon ni Tristan.
"Excuse me po.. Kilala ko po ba kayo ma'am?"Tanong na lang ni Ysa.
"Ako.. Ako si Trinidad Pangilinan.."
Napalaki ang mata ng dalaga sa narinig na para bang may nakita itong matagal ng kakilala.
"Kayo po ang Mama ni Tristan?"Natanong na lang ni Ysa at naramdaman na lang nya ang lakas ng hangin na parang nakikisabay sa pagtatagpo ng ina ng lalaking naging karamay niya sa tuwi tuwina.
"Nakikita mo rin sya diba.. "Parang buhay na buhay ang loob na sabi ni Trini. "Nakikita mo din si Tristan at nandito sya.."
Napatingin sa paligid si Ysa at saka nito naalala ang hawak na bulaklak na alam nyang galing kay Tristan, binigay nya ito kay Trini na para bang sagot nya sa tanong nito. Kinuha naman ni Trini ang puting rosas at niyakap ito.
"Nakikita mo nga sya.. Nakikita mo nga ang anak ko.. Ang aking si Tristan.."Hagulhol ni Trini na para bang ang rosas na yun ay may mas malalim na kahulugan.
"Sabi nya sa akin, pag paunta ko daw dito sa simbahan, may babaeng may hawak ng puting rosas.. at sya daw ang nagbigay non sa may hawak.."pagkasabi ni Trini niyon ay niyakap nito si Ysa at saka umiyak ng umiyak. "Sabi ko na, hindi talaga ako nababaliw, totoong hindi tayo iniwan ni Tristan, hindi talaga tayo iniwan ng anak ko, nandyan lang sya.."palahaw ni Trini ng iyak, at wala namang nagawa si Ysa kung hindi ang mapayakap sa ina ni Tristan, pakiramdam nya ay ito na lang ang maigaganti nya sa kabutihan sa kanya ng kaibigan, ang damayan din ang ina nito.
Si Ana naman ay tila nahiya sa inakto ng pasyente, akma nyang pipigilin ito pero pinigilan sya ng pari at nginitian at saka tumingin sa may piano kung saan kanina pa pala nakamasid si Tristan, nakangiti ito sa pari na para bang sayang saya sa nakikitang pagkikita ng dalawang babaeng importante sa kanya.
+
Umiiyak na ginagamot ni Maita ang sugat ni Lexin na hanggang sa kasalukuyan ay tulala at di makausap.
"Napakahayop talaga ng lalaki na yun, napakahayop.. Palagi na lang nya akong sinasaktan, tapos pati ikaw.."napatigil si Maita sa paggagamot sa anak at saka umiyak ng umiyak.
Si Lexin naman ay tila natauhan sa mga pangyayari ng makita ang pagluha ng ina.
"Ma.. "
Napatigil naman si Maita sa pagiyak ng makitang nakatingin sa kanya ang anak, tinuloy nito ang pag-gamot sa pasa ni Lexin,
Si Lexin naman ay pinigil ang kamay ng ina na gumagamot sa mukha nya at saka ito hinila payakap sa kanya.
"Kayo na lang ngayon ang meron ako Ma, mukhang pati si Mamita ay iiwan na rin ako, at si Ysa, hindi na sya pwede maging akin.. Hindi na kami pwede dahil sa hayop na Alberto na yun.. Ma ang sakit, ang sakit sakit.."Naiiyak na pahayag ni Lexin habang mahigpit na nakayakap sa ina.
Awang awa si Maita sa paghihirap ng anak. Wala itong nagawa kung hindi haplusin ito sa ulo.
"Anak.. Patawarin mo ako.. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nadarama mo, ginawa ko na.."Nasa ganong eksena ang mag-ina ng biglang pumasok ang katulong nila na umiiyak.
"Ano ka ba naman Manang Lora, bakit ba hindi ka man lang kumakatok!?"galit na sita ni Maita.
"Madamme.. Si Senyora Marietta po..."Umiiyak na sabi ng katulong.
Napakalas sa pagkakayakap si Lexin sa ina at saka napatayo.
"Anong nangyari kay Mamita?? Ano??!"wika ni Lexin na kahit may hinala na sya ay tinanggi pa rin yun sa isip niya.
"Patay na po sya.. Dead on arrival daw po.."
Kahit mahina pa sa pagkakabugbog ay bigla biglang tumakbo si Lexin palabas.
"Lexin saan ka pupunta!"Tawag ni Maita sa anak.
Pero dire diretso si Lexin, at hindi na ito naabutan ni Maita dahil mabilis na nakasakay sa kotse at pinabarurot ito ng anak.
~
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
KorkuTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...