Chapter 44

5.5K 147 10
                                    

Chapter 44

~

"Ysa .. Anak .."Tawag ni Javier sa anak na nakatulog na sa kama nya.

Pupungas pungas naman si Ysa na nagulat pa na nakadilat ang ama.

"Pa.. Gising ka na, tatawagin ko sila Mama.."

"Wag na anak, dito ka muna, gusto kitang maka usap.."Mahinahing salita ni Javier.

"Pa, wag ka muna magsasalita at baka-"

"Alam mo ba, tandang tanda ko pa noong bata ka, noon bang akala ko ikaw ang nakabasag ng windshield ng owner, paliwanag ka ng paliwanag sa akin noon, pero hindi ako naniwala, pinalo pa rin kita, tampong tampo ka sa akin noon, sabi mo hindi kita mahal kasi hindi kami naniniwala sayo.. sa totoo lang anak, sising sisi ako noon, nagdurugo ang puso ko, hindi ko dapat ginawa sayo yun, dapat nakinig ako sa kahit anong paliwanag mo, at eto naulit muli yon, isa na namang pagkakamali ang nagawa namin ng mama mo, hinusgahan ka kaagad namin sa kasalanang hindi mo naman talaga ginawa, at dahil dito, nalayo ang loob mo sa amin at kinailangan mo pang umiba ng tirahan.. At alam mo, pakiramdam ko napawalang silbi ang pagiging ama ko, sorry anak at binigo kita.."Madamdaming pahayag ni Javier.

"P-Pa.. Tama na.. Wala ka dapat ihingi ng sorry, ako dapat ang humingi ng paumanhin sayo dahil sa inasal ko..I'm sorry Pa, mahal na mahal kita.."Naiiyak na sabi ni Ysa.

"Mahal na mahal din kita anak, kayo ng mama at mga kapatid mo..at kahit mawala ako, patuloy ko pa din kayong mamahalin.."

"Shh!!,hindi ka mawawala Pa, H-Hindi.."Wika ni Ysa at hinawakan ang pisngi ng ama at--

+

"JAVIER!!!!!"Sigaw ni Lina na kinagising ni Ysa na nakatulog pala sa labas ng ER.

"I'm sorry Misis, pero ginawa na po namin ang lahat, hindi kinaya ng pasyente ang anumang traumang naranasan nya.."Naiiling na sabi ng doctor, dinig na dinig ito ni Ysa at halos magunaw ang mundo nya sa narinig.

"D-Doc, nagkakamali po kayo, buhay po ang papa ko, namamahinga lang sya, natutulog lang po sya.."Natatarantang sabi ni Ysa na hawak hawak pa ang damit ng Doktor.

"I'm sorry Hija but .. we did our best .. I'm sorry."Maikli at malungkot na sabi ng doctor at saka nito inalis ang kamay ni Ysa sa damit nya at saka ito tumalikod.

Nanlalaki naman ang mata ni Ysa at napahawak sa bibig at umiiling, agad nitong hinawi ang kurtina ng higaang kinalalagyan ni Javier. Nakita nyang nandoon ang ina at mga kapatid na nakayakap sa ama.

"W-Wala na.. S-Si Papa A-Ate ..."Humagulgol na sabi ni Lewis.

"Hindi! Buhay pa ang papa ko! Buhay pa sya! Hindi pa sya patay!"Nanlalaking matang sabi ni Ysa at saka lumapit sa katawan ng ama at inuga uga ito.

"P-Pa, gising na!! umuwi na tayo, pa please, wag mo na kaming biruin ng ganyan.. Pa naman eh.. Pa.. Pa!! PAPA!!!!"Paulit ulit na sabi ni Ysa at saka hinawakan ng dalawang kamay ang malamig na mukha ng ama.

"Ysa.."Sabi ng umiiyak na si Flor at saka sya niyakap.

"Wala na si Papa, patay na sya.. Patay na sya..."

"HINDI!!! HINDI TOTOO YAN! NAGSISINUNGALING KA! HINDI PATAY SI PAPA! HINDI SYA PATAY!"Sigaw ni Ysa at saka niyugyog ang katawan ng ama.

"Pa, gising na, patunayan mo sa kanilang hindi ka pa patay.. Please Pa.. Gumising ka na.. Gising na Pa.. GUMISING KA NA.. PA!! AHHH!!"At saka umiiyak na yumakap si Ysa sa katawan ng ama.

 "PAPA KO, PAPA KO... PAPA!"

At tuluyan ng napuno ng iyakan ang lugar kung nasaan sila Ysa at ang pamilyang nagluluksa sa pagpanaw ni Javier, nakatanaw lang si Axle na kamamatay lang din ng ina, at sa may higaan ni Javier ay kitang kita nya ang babaeng nakaitim na tawa ng tawa at saka sya tinitigan ng matalim.

+

"Si Javier Fajardo po ay isang mabuting tao, at pinagmamalaki ko po na ako'y naging anak nya.."Umpisa ni Flor sa pahuling salita nila sa huling misa para sa labi ni Javier.

"Bukod sa pagiging mabuting pulis ay isa rin syang maasahan at mapagalagang asawa, mapagpasayang kaibigan at higit po sa lahat isang mapagmahal na ama na ang tanging misyon sa buhay ay ang walang sawa kaming alagaan at mahalin.. Mamimiss ka namin Pa, we love you.."Pigil na pigil ang iyak na sabi ni Flor.

Pagkatapos magsalita ni Flor ay sinenyasan naman si Ysa na magsalita pero nakatulala lang ito kaya si Lewis na lang ang pinagsalita.

"ANG AKING AMA" panimula ni Lewis sa tulang ginawa.

"ANG AKING AMA AY TUNAY NA MABAIT.

LAGING TINITIIS MGA ANAK NA MAKULIT.

KAHIT SYA AY NAMAMALO SA PUWIT,

MAHAL PA RIN NYA SI LEWIS NA BULILIT.

ANG AKING AMA AY ISANG PULIS,

MATAPANG AT KUNG TUMAKBOY MABILIS,

KRIMINAL AY LAGOT KAY PAPA KONG SUPER PULIS.

SI PAPA AY LAGING MASAYAHIN,

AYAW NYA NA KAMIY IYAKIN,

GUSTO NYA KAMIY HINDI APIHIN.

MATAPANG SA KUNG SINOMANG KAMIY AAWAYIN.

PAPA KO, MAMIMISS KITA,

SANA TAYO MULI AY MAGKASAMA, PERO NGAYON SASAMAHAN KO MUNA SI MAMA.

AT ANG DALAWA KONG ATE NA TUNAY NA MAGANDA. BOW."

Tula ni Lewis na umaagos ang luha sa papel habang binabasa ang tulang ginawa, pagkaupo ni Lewis ay tinawag na muli si Ysa pero hindi pa din ito tumalima, nananatili itong nakatulala, kaya hindi na to pinilit ng sino man maging ang ina.

Sa libing ay bumuhos ang luha sa pagkamatay ng isang mabuting tao, si Ysa ay hindi pa rin nagsasalita, ni hindi nga nito nagawang kumain sa ilang araw na burol, hanggang sa mailibing ang ama ay wala itong imik, nag-alisan na ang mga nakikipaglibing pati ang Mama nya at mga kapatid, naiwan syang nakatulala sa puntod ng ama.

"Ang awiting itoy alay sayo, at kung maubos ang tinig, hindi magsisisi dahil iyong narinig mula sa labi ko, salamat.. Salamat Papa.." kanta ni Ysa na sa pagitan ng bawat linya ay patuloy ang pag agos ng mga luha nya.

Bago umalis si Ysa sa harap ng puntod ng ama ay isang malakas na hangin ang umihip, napatingin sya sa paligid at pamaya maya ay naramdaman nya ang isang pamilyar na hawak sa kanyang balikat, alam nyang ang ama nya yon.

"Anak.. mag-iingat ka.. Mag-iingat ka sa kanya..mag-iingat ka sa kanilang mag ina!" Narinig nyang sabi ng ama at saka nya ito nilingon pero wala na si Javier.

"Papa.. Anong..ibig mong sabihin ..." Naguguluhang wika ni Ysa..

+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon