Chapter 64
Sa presinto, habang abala si Inspector Bonker ay isang tawag ang natanggap nito.
"Hello? Inspector Boker speaking.."Kausap nya dito, at isang matagal na katahimikan ang narinig nito habang kausap nya sa nasa telepono, sunod sunod na tango lang ang ginagawa ni Bonker.
"Sir! Sir!"tawag ng isang pulis sa inspector. "Bakit?" tanong nito sabay patay sa cellphone. "Yung kotse po ni Inspector Sta. Ana, naaksidente sa probinsya, grabe daw po.."Balita nito.
Napailing lang si Bonker at saka kinuha ang mga gamit. "Halika, puntahan natin." Agad na wika nito at kinuha ang susi ng sasakyan sa desk.
+
Lalapitan na sana ni Lexin si Ysa ng makita niyang parating na si Lina, ang ina nito kasama si Lewis at Flor. Napatiim bagang na lang si Lexin at kinuyom ang kamao at walang sabing bumalik na sa burol ng Lola nya.
Nakayuko namang umiiyak si Ysa at hindi napansin ang paglapit ng ina nya sa kanya. "Ysa anak.." Malungkot na wika ni Lina, nabalitaan nya lang sa mga kapitbahay ang tungkol sa pagkamatay ni Marietta Apostol kaya naman nagbakasakali sya na baka narito si Ysa, at eto nga, hindi sya nagkamali.
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Ysa na hanggang sa mga panahong iyon ay may dinadamdam pa rin sa ina. "Anak, umuwi na tayo, hindi ka dapat nandito.."Malungkot na wika ni Lina. "At saan ako dapat nandoon? Sa bahay? Para ano? Ano ba talaga sinabi mo kay Lexin at tinataboy nya ako Ha Ma!"Mataas na boses na sabi ni Ysa.
"Ysa! Sumusobra kana sa panababarumbado mo kay mama!!"Pigil ni Flor na naiirita sa ginawi ni Ysa. Pero hindi ito pinansin ni Ysa, tumakbo ito palayo sa ina at mga kapatid. "Ysa, hindi pa tayo tapos magusap! Bumalik ka dito."Sita ni Flor pero hindi ito pinansin ng kapatid. Susundan pa sana nya ito pero pinigil na sya ng ina.
"Hayaan na lang muna natin ang kapatid mo"parang naiiyak na sabi ni Lina. "Pero Ma, sumosobra na si Ysa.."
"Masyado syang madaming dinadamdam ngayon kaya hayaan na lang na natin sya."nanghihina pang saad ni Lina. Paalis na sana sila ng sya namang dating ni Albert at tila lumiwanag ang mundo nya ng makita nito ang babaeng dati na niyang minahal at hanggang ngayon ay mahal parin.
"C-Cely?!"Tawag nya, nilingon ito ni Lina at ng makitang si Albert ito ay nagmamadali itong naglakad. "Wag kayong lilingon, pagpatuloy nyo ang paglalakad,"Utos ni Lina sa mga anak.
"Ma, bakit natin tatakbuhan si Gov? Anong problema?"takang tanong ni Flor.
"Makinig nalang saakin Flor!" Napailing na lang si Albert ng makitang nagmamadaling umalis sila Cely.
"Istong, sundan mo yung magiina, wag kang magpapahalata,"utos na lang nya sa Bodyguard imbes na sundan ito.
Si Lina naman ay humahangos na naglalakad, takang taka dito ang dalawang anak. Kaya naman hindi nakatiis si Flor at tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang ina. "Ma! Ano ba ang problema? Bakit nagkakaganyan ka? Magtapat ka nga! Anong kaugnayan mo kay Gov?"Naguguluhang sabi ni Flor.
"Hindi mo na kailangang malaman, hindi na, wala! Ayoko! Umalis na tayo dito, umalis na tayo dito!"nanginginig sa takot na sabi ni Lina.
"MAMA! BAKIT BA? ANO BANG PROBLEMA?! Ano ba ako dito, tau tauhan lang sa pamilya na to? Wala ba talaga akong karapatan malaman man lang kung anong nangyayari? Ikaw na mismo ang nagsabi noon kay Papa na malalaki na kami at pwede na kaming pagsabihan ng problema!"Nangingilid ang luhang sabi ni Flor sa kanyang ina, si Lewis naman non ay nakamasid lang at tila naiintindihan ang nangyayari. Napaupo si Lina at nag-iiyak sa mga sinabi ng anak.
"K-Kung alam mo lang, kung alam mo lang kung gano kabigat ang dinadamdam ko.. Kung alam nyo lang.."Tangis nito. Parang namang sumikip ang dibdib si Flor ng mga sandaling iyon at nahabag sa inakto ng ina. Lumapit sya dito at niyakap si Lina.
"Ma, kahit ano man ang mangyari, nandito lang kaming magkakapatid para sayo, hayaan mo kakausapin ko si Ysa."paniniguro ni Flor, at hinimas ang likod nang ina.
+
Si Ysa ay umiiyak na tumatakbo, gustong gusto nya makalayo sa lugar na yun, malayo sa mga taong nagbibigay ng hinanakit sa kanya. Dahil sa punong puno sya ng emosyon ay hindi na napansin ni Ysa kung saan siya tumatakbo at hindi rin napansin ang isang rumaragasang kotse.
Kasunod noon ay ang isang malakas na preno, pero huli na ang lahat, isang kalabog ang sumunod na narinig kasabay noon ay ang pagtilapon ni Ysa sa harapan nang sasakyang huminto.
"Boss may nasagasaan tayo!"sigaw ng driver ng kotse na dali daling bumaba at pinuntahan si Ysa.
"Bilisan mo dalin natin sa hospital!"sigaw ng amo ng driver.
+
"Lexin, Lexin magusap tayo.."Habol ni Maita sa anak na bakas sa mukha ang pagkamiserable, pero hindi man lang huminto si Lexin sa paglalakad kaya naman binilisan nito ang paglalakad at hinila ito sa braso."I said magusap tayo!"Iritang sabi ni Maita.
"What?!!"Pasigaw na sabi ni Lexin at saka hinarap ang ina, at doon napansin ni Maita ang mga luha sa mata ni Lexin, tila nadurog ang puso nito sa nakitang kalagayan ni Lexin kaya hinawakan nya ito sa mga pisngi at pinagmasdan.
"Anak.. Bakit? Anong problema? Bakit ka umiiyak?"Tanong ni Maita at saka pinahiran ang mga luha sa mata nito. Si Lexin naman ay iniwas ang mukha pero hindi ito pinayagan ni Maita.
"Tell me Lexin, Anong nangyari at ganon ang pag akto mo kay Ysa? I thought you love her, I thought you'll marry her someday, because i can see in your eyes when your with her that you're certain you want to be with her for the rest of your life.."Sabi ni Maita, pero nanatiling nakatulala si Lexin at hindi kumikibo, samantalang lingid sa kaalaman ng mag ina, si Corine noon ay tahimik na nakamasid at nakikinig sa kanila.
"Lexin.. What's wrong.. You can tell me everything.."paglalambing ni Maita sa anak.
Tiningnan lang sya ni Lexin at madamdaming nagwika. "I cannot marry Ysa anymore.."Wika ni Lexin kasunod ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata na nagbabadyang pumatak.
"But Why? Anong nangyari..?"Usisa ni Maita na naguguluhan. "Yes, I Love her, I love her with all my heart, with all my life, with all my soul,"Basag ang boses na sagot ni Lexin. "Pero hindi ko na sya pwede pakasalan.. At hindi ko na rin sya pwedeng mahalin.."
"B-bakit?"
"B-Because Ysa.. is my sister! Kapatid ko siya M-Ma.. anak siya nang hayop kong ama doon sa babaeng binaboy niya noon!"Sigaw ng emosyonal na si Lexin. "K-Kapatid ko siya M-Ma! Kapatid ko si Ysa.. Kapatid ko ang babaeng mahal ko ng higit pa sa buhay ko."tuluyan ng bumigay ang damdamin ni Lexin at bumuhos na naman ang kanyang mga luha, niyakap ito ni Maita at inalo alo.
Habang balot ng kalungkutan ang magina, si Corine naman na kanina pa nakikinig ay napangisi sa mga narinig.
"Well, Well.. Tingnan mo nga naman, "ani Corine at saka ngumiti ng parang demonyita. "Matitikman mo ngayon Ysa ang balik sayo ng lahat ng ginawa mo sa akin,"pagkasabi non ay lumakad na si Corine at pumasok sa chapel, di nya napansin na sa tapat ng salamin na kaninang tinatayuan nya ay ang babaeng nakaitim na nakangisi rin.
~
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
HorrorTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...
