Chapter 59
~
" Pero .." Napatigil si Lina sa pagkukwentong iyon. At saka tila may isang masakit pang bagay na inalala.
Agad nagkuyom nang kamao si Lexin..
"Napakahayop talaga ng lalaki na yun! Hindi ako magugulat kung ganun sya kawalang hiya dahil saksi ako sa kademonyohan nya, buong buhay namin ni Mama ay nasa palad niya kami, puro pananakit ang ginagawa nya sa amin magina.. Kung hindi pisikal ay verbal.."Galit na sabi ni Lexin at saka tumingin si Lexin kay Lina. "Pero tita.. Wala naman pong kinalaman sa amin yun ni Ysa.. Mahal na mahal ko sya.. at hinding hindi ko sya sasaktan.. Pinapangako ko..Kaya wag nyo na po kami idamay.."
"Yun nga Lexin ang masakit eh.. Damay kayo ni Ysa simulat simula pa lang.. "Napipiyok na iyak ni Lina at saka humagulgol.
"Paano Tita?" Tanong ni Lexin kasabay nang pagbilis nang tibok nang puso nito.
"Nang nasa Siquijor na kami ulit, hindi ako nagpagamit kay Javier dahil duming dumi ako sa sarili ko.. Pero isang araw natuklasan ko na lang na..."Hinto ni Lina sa pagsasalita.
"Na buntis ako.. Nagbunga ang kahayupang ginawa sa akin ng ama mo.."
Parang namanhid ang buong katawan ni Lexin ng mga oras na yun, at parang nagblanko ang utak nya. Nanlalaki ang matang naiiling si Lexin.
"Magkapatid k-kayo... magkapatid kayo sa ama Lexin.. Magkapatid kayo ni Ysa sa ama kaya hindi kayo pwede.."Naiiyak na rebelasyon ni Lina.
"H-Hindi po totoo yan..." Mahinang sabi ni Lexin at saka tumayo. "Hindi totoo yan! hindi totoo..!"
"Ilang ulit ko din pinalangin sa diyos na sana hindi totoo, pero totoo Lexin, magkapatid kayo ni Ysa.. Pero sadyang mabuting tao si Javier kaya inako nya ito at minahal na parang isang tunay na anak.."Tuloy tuloy pa rin ng pagiyak ni Lina.
Pero parang walang naririnig si Lexin, dire diretso itong lumabas ng pinto.
Paglabas nya, bago sumakay ng kotse, ay nakita pa nya si Ysang humahangos palapit sa kanya, pero dire diretso lang sya sa kotse at tuloy tuloy ang pagpapaandar.
Nagulat naman si Ysa sa reaksyon ng nobyo.
"L-Lexin!! Anong problema? Ano napagusapan nyo?!"Sigaw ni Ysa sabay kalampag sa bintana pero mabilis na pinaharurot ni Lexin ang pagmamaneho.
Takang taka naman si Ysa at naisip bigla ang ina, sa isip nya, siguro ay pinagsalitaan ito ng hindi maganda ng ina. Agad syang tumakbo papasok ng bahay para sitahin ang ina. At doon naabutan nyang umiiyak na nakaupo ang ina.
"Anong sinabi mo sa kanya? Anong sinabi mo sa kanya? ANO??"hysterical na sabi ni Ysa.
Pero naiiling na umiyak lang si Lina.
"Siya lang ang kasayahan ko! Sya lang pero hindi nyo pa ako napagbigyan!"Wika ni Ysa.
"Hindi na kayo pwede, tanggapin mo na yun Ysa!!"
"AYOKO! KUNG MAY PROBLEMA KAYO, WAG NYO AKO IDAMAY SA PAGIGING MISERABLE NYO!!!"Sigaw ni Ysa at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ysa, nanlaki ang mata ni Ysa sa sampal na yun.
Gulat na gulat naman si Lina sa nagawa sa anak,"Im sorry Hija.. Patawarin mo ako.." pero dire diretsong lumabas si Ysa.
"YSA! ANAK! UMUULAN!"
+
Hindi makapaniwala si Carlo at Axle sa mga naririnig sa tape recorder kung saan kinukwento ni Arianne ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya.
"Kailangan talaga malaman ito ni Ysa, Axle kailangan nya malaman to.."sabi ni Carlo sabay kuha sa cp pero kinuha yun ni Axle.
"Tapos? Ano? Gusto mo bang magaya si Ysa kay Arianne ha Inspector?"Ani Axle.
"Pero nanganganib sya!"
"At nanganganib din kayo..!!"Sabi ng boses mula sa likuran nila at ng lingunin nila yun ay sinunggaban nito ng sakal si Carlo, si Axle naman ay mabilis ang naging kilos, agad nyang kinuha ang kahon at nilagay sa isang bag na itim pati ang recorder, tutulungan sana nya si Carlo pero huli na dahil ang kotse ay papunta na sa isang matarik na lugar at pabulosok paibaba. Napapaikit si Axle at nagwika ng isang orasyon.
"Ele-eyu fonta simpen Saiguid"
At pagkatapos nun ay dirediretso silang bumulusok pababa.
"ARGHH!!"
+
Sa simbahan na minsang pinagdalahan sa kanya ni Tristan dinala si Ysa ng kanyang mga paa. Agad syang pumasok sa pintuan at umupo sa isa sa mga upuan doon.
Pero imbes na lumuhod ay nahiga sya sa upuan at hindi namalayan na nakatulog na pala sya, maya maya ay nagising sya dahil sa isang tugtog sa Piano.
Dahan dahang naglakad si Ysa papunta sa pinanggagalingan ng tugtog. At nakita nya ang isang piano pero wala namang tao, napaupo na lang sya doon at sa harapan ng Piano ay may salamin, at kitang kita ni Ysa na sa salamin ay katabi nya mismo si Tristan, nagpipiano at nakatingin sa kanya pero ng lingunin nya ang tabi nya ay wala ito, tumingin sya sa muli at kitang kita nya na nandoon si Tristan at nagumpisang kumanta.
"Kung hindi man tayo,
Hanggang dulo..
Wag mong kalimutan,
Nandito lang ako,
Laging umaaalalay,
Hindi ako lalayo..
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.. "
Pakiramdam ni Ysa ng mga sandaling iyon ay gustong gusto na nyang yakapin si Tristan pero wala syang magawa dahil nasa reflection lang sya, kaya naman lumapit ito sa salamin at doon ay yumakap at pumikit.
"Tristan.. Kailangan kita.. Kailangan kita.. Bakit kailangan mong lumayo.."Unti unting pumatak ang mga luha ni Ysa at napadilat na lang sya ng maramdaman ang isang mahigipit na yakap sa kanya, nagmulat sya ng mata at nakitang si Tristan iyon.
"Nandito lang ako Ysa.. Hindi ako mawawala.."madamdamin at sincere na pahayag nito.
"HIJA! HIJA"
Napamulat si Ysa sa gising sa kanya, napabangon sya ng makita ang isang lalaki na sa tantya nya ay ang pari.
"Pasensya na po Father, pagod lang po.. Wala na po kasi ako ibang mapuntahan.."wika ni Ysa at saka napatingin sa piano, tila nanlulumo sya ng mapagtanto na panginip lang ang lahat.
"Tristan.."nasambit na lang nya.
"Kung gusto mo Hija, dun ka muna mamahinga sa quarters nila sister ng makapagpahinga ka, medyo gabi na rin at hindi na kita hahayaang umuwi ng gantong oras."pagaalala ni Father.
Walang nagawa si Ysa kung hindi sumangayon sa pari, patayo na sana sya ng mapansin ang hawak nya. Isang puting rosas at may nakataling papel. Nagtataka syang binuksan ito.
'Ngiti lang Ysa, nandito lang ako' ~Tristan
Inamoy ni Ysa ang bulaklak at bumulong.
"Salamat guardian angel ko.."
+
BINABASA MO ANG
Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )
HororTitled : Campus Queen : Undying Love Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 1 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) Illustration/Cover By : Jamie ( DA : annoyingwolf.deviantart.com ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characte...