Chapter 2

75 5 0
                                    

Liyen Anela.

Sa isang hindi malamang dahilan ay nagising ako sa kakaibang amoy at temperatura ng paligid. Para bang mas lumamig at lumambot yung kamang hinihigaan ko. Ilang beses akong napakurap at sandaling napatulala ng mapagtanto kong nasa ibang bahay ako.
What the!?

Na–nasaan ako!?

"Gising ka na pala." Hindi ko gaanong maaninag yung mukha niya dahil sa liwanag na nangagaling sa bintana. Pero isa lang nasisiguro ko, na lalaki siya at matangkad.

"Wife!"
Wife? A--anong wife, he was about to hug me but I use all my strength to push him up.

"Ahhh! Si-sino ka?"

_____________________________________

"Wahhhh"

"Huy, Ateee!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. At isa lang ang kilala kong may boses ng ganon. Habol habol ang hiningang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya.

pawis pawisan din ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Jusko! Kyahhh! Impit akong napatili at kinikilig na ngumiti kay Kian.

"Napano ka?" Kumunot ng bahagya yung noo niya pero hindi parin mawala yung ngiti sa labi ko.

Oh em g! Napanaginipan ko nanaman siya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Buti hindi siya katulad ng panaginip ko noong nakaraan. Bumalik na siya sa usual kong panaginip. Hangang ngayon kasi sobra parin akong kinakabhan at natatakot sa tuwing maalala ko yong babaeng gusto akong patayin sa panaginip ko nung nakaraan.

Sobrang weird lang kasi talaga ng panaginip na yon dahil lagi akong may–teka...

Ano na nga ulit yung nasa panaginip ko? Lalaki na naka business suit at babaeng naka red na dress? Ginulo ko na lang yung buhok ko ng makalimutan ko yung iniisip ko kanina lang na panaginip ko.

"Ate, bumangon ka na nga diyan!Kanina pa ako inaantok hindi ako makatulog dahil sakop mo na yang buong kama ko. Saka tama na yang kakangiti mo diyan nagmumukha ka ng tanga."
maktol niya. Napabusangot naman akong umupo mula sa pagkakahiga ko at tinignan siya ng masama. Pero diko maiwasang isipin bakit nga ba ako nandito sa kwarto ng lalaking to. Simula ng makalipat kami ng bahay hindi pa ako nakakapasok sa kwarto niya, ngayon na lang ulit.

"Bakit ba kasi ako nandito sa mabaho mong kwarto?"

Hindi naman talaga mabaho ang kwarto niya, sadyang trip ko lang siyang asarin. Ganyan lang naman kaming dalawang magkapatid ehh kulang na lang magpatayan araw-araw.

"Wow ha! Eh sino ba kasing tanga ang matutulog sa damuhan sa likod. Buti nga etong gwapo mong kapatid ay napadpad sa likod kundi—"

Then he laughs. I acted as if I was about to vomit when his face turn to be serious kaya pati tuloy ako nadala sa kaseryosohan ng mukha niya.

"Kundi ano?"

"Tsk! Kundi baka na rape kana ng mga maligno diyan." Pangaasar siya kasabay ng paghagalpak ng tawa. Nginiwian ko na lang siya at hinagisan ng unan na agad din naman niyang nasalo.

Mas mukha pa nga siyang maligno eh.

"Gago! Ikaw kaya iparape ko diyan sa maligno."

Kala ko seryoso talaga sasabihin nitong abnormal na to. Kahit kailan talaga puro kalokohan na lang ang pumapasok sa utak. Kailan kaya to titino?

He grins and laughs.
"Wag! Baka mag enjoy sila sa masarap kong katawan."

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon