CHAPTER 19

11 1 0
                                    

Liyen

Hangang ngayon tila isang malaking palaisipan padin sa akin yung nakasulat sa mga pahina ng jounal na ito.

Sinong pinatay at sinong papatayin.

Tatlong araw na ang nakalipas, ngunit parang ang bigat sa dibdib ng mga nakita ko nung isang araw. Alam kong wala akong karapatang masaktan. Naalala ko sabi ni lola Ariena dati " Mrs. Vallerez owned nothing." Ito yung ibig niyang sabihin. Wala akong pagmamay-ari sa panahong ito. Kahit ang katauhan ko ay hindi rin sa akin kaya anong magagawa ko?

Beep...beep...

Agad akong napabalikwas nang mag vibrate yung cellphone na nakapatong sa bedside table. Ilang minuto ko pa itong tinitigan hangang sa makilala ko kung kanino ito. Muli itong nag vibrate kaya napa sulyap akong muli dito.

Let's have a dinner later. Ily♡

My eyes widened upon seeing the text message on his phone. Out of my curiosity I opened his phone. Agad din itong bumukas dahil walang password. I scroll through his message seeing the message from the only one person. Named Lyra.

Lyra? Bakit parang pamilyar yung name?

"Wtf! Hala!"
They were exchanging sweet messages, good morning messages, good nights, photos and voice messages and messages na tanging mag asawa o magka relasyon lang ang nagchachat.

"Ano to?" Napatigil ako at nanginginig yung kamay na inilipat yung screen sa gallery. Kahit sinasabi ng utak ko na wag na pero nag kusa yung mga daliri kong buksan yon. There I saw what's inside his gallery.
Picture of him with another girl. The girl seems so familiar to me but I forgot where I've seen her.

Humalakhak ako ng pagak habang nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Walang kahit anong picture namin dito o ng kung sinong kamukha ko. Kahit family picture kasama si Liyan ay wala din.

Bakit?

Bakit din ba naninikip ang dibdib ko? Hindi ako makahinga at tila aatakihin na ako sa puso. Hindi ko rin alam kung bakit... Kung bakit gusto ko umiyak at sumigaw.

Napatulala na lang ako sa kamay kong may hawak ng cellphone, kita sa malinaw na screen non ang mga mata kong may nagbabadyang mga luha.

I shouldn't be crying! Why would I? Ni hindi ko nga siya kilala eh.

Agad bumukas yung pinto kaya napatingin ako doon. I saw how his eyes widened seeing me holding his phone.

"Ye-yen!" He immediately compose himself and walks toward me. He smiled at parang balewalang nakatingin sa akin.

Bakit?

"Gising kana pala, pupunta ba kayo ni Liyan kila mama ngayon?" Saglit ko siyang sinulyapan at pinilit ngumiti.
Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak.

Mrs. Laureño ask me to visit their house. Susunduin daw kami dito ng driver nila pero tinatamad ako kanina kaya tumangi ako. Pero ngayon parang mas tinatamad akong mag stay dito.

"Ah...yeah!" Tipid kong sagot at ngumiti ng bahagya. "Si-sige, pupuntahan ko na si Liyan at bibihisan." I added.

Naiilang kong iniabot sa kanya yung cellphone niya at nag mamadaling umalis ng kwarto. Patakbo akong pumasok sa kwarto ni Liyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon