Liyen.
After 1 week ng pag sstay ko kasama ang nagpapakilalang asawa ko ng 2033 hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Natutuwa ako at sobrang caring niya, understanding at napakahinahon kapag kausap niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako. Kahit anong gawin ko naiilang pa rin ako sa kanya pero at the same time masaya ako na kasama ko siya. Hindi ko sinabi ang tungkol sakin, na galing ako sa 2020. Sino ba namang maniniwala sa akin diba? Baka idala lang niya ko sa mental at isiping nababaliw na ako.
"Kuya bakit tayo nandito? Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ako magnanakaw?" Pagmamaktol ko sa kanya, ngumisi lang naman siya at binuksan yung pinto nung kotse.
"Alam ko!" He grins then laughs.
"Eh bakit dinala mo 'ko sa presinto kung alam mo naman pala?" Impit kong sigaw. Napailing lang naman siya at tuluyan ng lumabas ng kotse.
"Hoy kuya!"
Aishh!Sa ikalawang beses ay bununtong hininga ako. Bakit ko pa kasi sinundan yung babaeng yon ? Ngayon tuloy baka makulong pa ako dahil sa hanep na ₱1000 pesos na fair na yan. Wala naman kasi dapat akong pakielam kahit gayumahin o akitin niya si Ace na asawa ko daw. Bakit ako naman mahal non ah hindi siya.
Mas malakas pa kaya sa gayuma ang epekto ko kay Ace no.
"Iha"
"Ay gayuma"
Muntik na kong mapatalon ng may humawak sa balikat ko at bigla akong nahilo.Ano nanaman to?
Ipinikit ko ang mata ko hangang sa maramdaman kong nawala na yung hilo ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang park na walang tao. Nagpalinga ako sa paligid ko hangang sa dumako ang tingin ko sa isang matanda na nasa tabi ko."Ikaw" naituro ko siya agad, at mabilis na hinawakan. Aba mamaya bigla nanaman siyang mawala.
May lahi pa namang bula tong si lola. Siya yung nasa sasakyan kanina na kausap ko at yung matandang laging binabantaan ang buhay ko. Charr! Siya yung lola na nag sabi na wala daw pagmamayari si Mrs. Vallierez. Pero teka...
Kinapa ko yung buong katawan ko, baka nananaginip nanaman ako. Hindi ko na rin kasi alam ang pagkakaiba ng panaginip at reality ngayon. Feeling ko nabobobo na ako at malapit ng mabaliw ng makarating ako rito sa 2033.
"Iha, kung iniisip mong maglalaho nanaman ako, nagkakamali ka. Nandito ako para linawin ang buhay mo"
"Po? Mukha po bang malabo ang buhay ko? Mamamatay na po ba ako? "
She smiled and hold my hand.
"Maupo muna tayo"
Naupo kami sa may bench na nasa ilalim ng kulay orrange na puno."Iha"
"Po?"
"Mahal mo na ba siya?" I was taken aback upon hearing her words.
Grabe si lola mahal agad?"P-po?" She gave me a faint smile, kasabay ng pagpiga sa kamay ko.
Ang issue ni lola ha, paano ko mamahalin yung lalaking yon? Ano ako yung mga lalaking nagcha-chat sayo, tapos saglit lang kayo mag-usap mahal ka na agad.
"Tandaan mo iha, huwag na huwag kang mahuhulog sa lalaking hindi pa ikaw at hindi ikaw ang nagmamay ari. Kailangan mong pigilan ang bawat bagay na mangyayari sa hinaharap at ibalik sa talagang dapat kalagyan, gamitin mo ang binigay ko sayo upang maka uwi sa kasalukuyan at makita ang talagang bagay na para sa iyo."
Mahaba niyang litanya pero lalo lang nagulo yung isip ko.
"Lola sabi mo lilinawin mo yung buhay ko? Bakit pinagulo mo pa lalo... lola? "
BINABASA MO ANG
Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033
FantasyWhat if you suddenly wake up and find yourself in the future? Are you gonna stay? 'cause everything there is settled. Or... Find your way home from your present life?