Liyen.
"Ba-bakit? Paano kita naging asawa?" Nagdududang tanong ko sa kanya.
I saw a pain in his eyes. hoyy! sorry na, curious lang talaga ako. Baka mamaya bogus lang ito.Tsaka ano bang gagawin ko? Eh wala talaga akong alam. His mouth suddenly curve into a sideways smile."Kasi nagpakasal tayo?" Mapangasar niyang sagot. Tinaasan ko naman siya ng kilay na ikinatawa niya.
Kasi nagpakasal kami? Kelan pa?? Wala akong maalalang pinaksalan ko. Talaga bang nasa 2033 ako? Wtf! Paano nangyari yon?
"Look, yen. Stop messing up with me." He added. My mouth parted. Naiinis ko ba siya? Bahagya naman siyang ngumiti at unakbay sa akin.
Wahhhh! Mabilis kong inalis yung kamay niya at hinarap siya. Nahihibang na ba siya? Ang lakas naman ng loob niya akong hawakan pagkatapos niyang idineklara na pinakasalan niya ako.
Bogus lang ito.
"Huwag mo 'kong hawakan!"
Kumunot ulit yung noo niya at hahawakan sana ulit yung kamay ko pero inilayo ko. He heaved a deep breath. Tumayo siya sa kama at inilagay sa likod yung dalawang kamay."Fine. Tara na kumain" He insisted. Pero tinitigan ko lang siya. Huh? Hindi ba siya nagtataka kung sino ako??
Kinidnap ba ako ng gagong to? Sino ba tong lalaking to? Asan ba ako? Iaalok niya ba talaga akong kumain?
"What?"
"Ma-mauna ka."
Wala naman siyang nagawa at nauna ng maglakad palabas ng kwarto habang kasunod ako habang nakatitig sa likod niya. Naglalakad na kaming dalawa pababa ng hagdan, medyo paliko kasi kaya diko gaanong makita yung nasa baba.Wow! Ang ganda, halos umawang yung labi ko habang pinagmamasdan ang kaabuuan ng living room, pagbaba mo kasi ng hagdan ay living room ang sasalubong sayo, pero mas malapit itong hagdan sa may dining. Glass lang kasi ang pader kaya kita ko na dining yung sa left side, cozy gray ang kabuuang kulay na may halong cream white.
Napansin ko namang tuminginyung lalaki sa akin kaya nag kunwari akong nakatingin sa damit ko at inaayos yung buhok ko.
"MOMMY!" a kid run towards me. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko lalo na ng yumakap siya sa binti ko. Ba-bakit may bata dito? A-at bakit mommy ang tawag niya sakin? Napatingin ako sa lalaking kasama ko na nakatingin din pala sa akin.
Wahhh! Ba-bakit mommy ang tawag niya sa akin?
Wag mo sabihing anak ko naman to?
Bigla nanaman akong pinawisan ng malapot matapos kong maisip na anak ko to.Pa-paano nga kung a-anak ko to? Paano na ang mga pangarap ko? Pero bago pa ako sumigaw ulit ay tinawag na niya yung bata.
"Cygnus. Come here son"
He stretch his hand para pumunta sa kanya yung bata pero tumingin lang ito sa kanya pagkatapos ay itinaas yung dalawang kamay papunta sakin. Agad nanlaki yung mata ko at itinuro yung bata."A-anak mo to?" Tinuro ko pa siya bago ko ituro yung bata. Kinunutan lang niya ako ng noo at hinawakan sa kamay yung bata.
"Abnormal!" he chuckled then hold the kid's wrist. "Cygnus, baby! come here."
Napatulala na lang ako sa kanilang dalawa. Knowing na wahhhhhh! A-anak nga namin- ni-niya yung bata.
Wahhh! So i-ibig sabihin anak ko rin 'tong bata? Oh my gosh! Don't tell me ma-may nangyare sa'min? Nag sexual intercourse kami...
Wahhhhh! Seryoso ba? Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa kanya at napaatras ng bahagya. Huwag mo isipin yan, Liyenn! Ayaw kong isipin!
"Ma-may nangyare satin?"
Ilang beses siyang napakurap habang nakatingin sa akin na parang may sampo akong ulo. Pero bigla nanaman siyang humagalpak ng tawa. Nakagat ko tuloy yung labi ko ng ma-ma-realize ko yung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033
FantasyWhat if you suddenly wake up and find yourself in the future? Are you gonna stay? 'cause everything there is settled. Or... Find your way home from your present life?