Prologue:
"Liyen" napahinto ako sa pagsusulat ng journal ko at sumilip ng bahagya sa bintana kong hangang ngayon ay bukas pa. Sino ba naman ang walang habas na tumawag ng pangalan ko.
Napakunot ng bahagya yung noo ko. Is that her? I mean my girl cousin, si Lei. Kapag pupunta siya dito sa bahay ay nag cha-chat muna siya at pipilitin akong magluto ng popcorn.
"Lei. Anong ginagawa mo diyan?" Sobrang creepy lang kasi na hating gabi na ay nasa labas pa siya, lumayas ba'to sa bahay nila? Ang layo ng bahay nila dito sa amin.
Nakakapag taka ding nakasuot siya ng dress na red, habang yung buhok niyang straight at itim na itim ay nakalugay at natatakpan ang kalahati ng kayang mukha. Kung hindi ko lang siya kilala ay malamang napagkamalan ko na siyang kapatid ni sadako. Idagdag mo pang nakatingin siya sa akin ng blanko.
Nakipag titigan lang ako sa kanya at hinintay ang tugon niya pero kilabot lang ang naging tugon sakin bago niya ko ngisihan tapos talikuran.Okay anong trip niya?
Siraulong babae yon. Ano kayang trip non at ganon ang ayos ng pagmumukha? Hinintay ko siyang kumatok sa pinto ng aming bahay ngunit ilang oras na akong naghihintay ay wala akong narinig. Napakunot yung noo ko at naiiling na pinatong yung ballpen ko sa table.I chuckled. Pina prank nanaman siguro ako nito para may maipost nanaman sa channel niya. Sige sakyan natin ang trip niya.
At dahil hindi ko siya nakitang bumalik o kumatok man lang sa bahay ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto upang lumabas ng bahay.
Sa pag hawak ko ng doorknob ng maindoor namin ay hindi ko maipaliwanag ang sobrang kabang naramdaman ko, para akong nanghihina at nanginig ang buong katawan.
Ba-bakit ako nagkakaganto? Biglang kong naisip si Lei kaya dali-dali kong binuksan yung pinto. Tumambad sa akin ang napakaliwanag na kalye.
Kelan pa nagkaroon ng street light dito sa subdivision? Sa pagkakaalam ko sa isang taon pa matutuloy na lagyan ng street light dito? Konte pa lang kasi ang nakatira dito. Naglakad ako papalabas ng block namin. Habang naglalakad ako ay parang may kakaibang nangyayare sa paligid, hindi ko alam kung ano pero hindi ko na lang pinansin at patuloy na naglakad patungo sa tinungo ni Lei.
"Ate!" Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko si Lei ngunit sa isang iglap ay biglang nagbago ang paligid. Tumingin din ako sa kanan at sa likod ko na may kaba sa dibdib. Mula sa bahayan at maliwanag na kalsada ay napunta ako sa isang kalsadang sobrang haba na hindi pamilyar sa akin.
Takot, kaba at pagkalito.
Nasaan ako?Pakiramdam ko anumang oras may lalabas na multo sa paligid dahil sa sobrang dilim. Tanging liwanag lang na nangagaling sa lamp post sa di kalayuan ang nagsisilbing ilaw ko. Tinakbo ko ang kahabaan ng daan na to upang makarating sa ilaw na yon. Bakit tila walang katapusan ang daan na to? Umihip ang marahas na hangin kasabay ng pagkidlat na naghatid ng sobrang pagkabahala sa akin. Takot ako sa kidlat!
Naiiyak akong napahinto at wala sa sarili napaatras ng makita ang isang tila anino na tao, mula sa likod ng puno malapit sa lamp post ang nakasilip sakin.
"Eleanor!"
Malambing ang pagtawag niya sa pangalan ng kung sino man. Nagdulot ito sakin ng matinding takot.Hindi siya si Lei! Alam kong hindi siya si Lei. Hindi niya kaboses ang Lei na kilala ko.
Bigla siyang tumakbo papunta sa isang bahay. Lumingon pa siya sakin bago tuluyang buksan yung pinto at pumasok. Nakita ko pa ang pagsilay ng ngisi sa kanyang sobrang pulang labi.
"Ate Liyen tulungan mo ko!"I froze upon hearing Leimi's voice. Para itong nahihirapan at may kung sinong sumasakal, kaya nagmamadali kong tinahak ang bahay na pinuntahan nung babae kahit na sa likod ko naririnig yung boses ni Leimi.
Hindi ko alam pero tila hinahatak at kontrolado ng kung sino man ang bawat galaw ko. I end up opening the door house to see nothing but an open wide space inside. I heard a creepy laugh of a lady and saw a shadow of someone infront of me. I thought it would going to help me, but it end up chocking me to death.
I tried to escape from her grasp but I couldn't. I try holding her hand but I can't even reach her. Kahit na alam kong sobrang lapit niya sakin. Pakiramdam ko ay sobrang napakalayo niya para maabot ko.
"Isa kang hadlang sa buhay ko!" Her frightening voice startled me. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya na patuloy akong sinasakal. All I could see were her sharp eyes and gritted teeth as if at any moment she would kill me.
Wala akong alam sa ibinibintang niya! Mas lalong wala akong kinalaman sa galit niya. Bakit kung makabintang siya ay parang ang laki ng kasalanan ko? Habang tumatagal ay mas dumiin ang pagkakasakal niya sa sakin na mas nakapag bigay ng takot sakin para sa buhay ko.
Sobrang sakit na ng lalamunan ko, hindi na ako makahinga, pakiramdam ko'y anumang oras a mawawalan na ko ng malay.
Bigla niya kong binalya kaya tumalsik ako sa isang sulok. Napaubo ako ng sunod sunod. Napahawak ako sa leeg ko ng maramdaman ko ang pag-agos ng maiinit na likido mula dito.
Ano to?
I was afraid when I touched my bone.
"Dapat ka ng mamatay!!" matabang niyang bigkas. Nanginig ang tuhod ko pati na ang buo kong katawan matapos magpaulit-ulit kong marinig ang boses niya sa ulo ko. Tinakpan ko ng dalawang kong kamay ang mga tainga ko. Pero hindi ito tumitigil.
Tama na!
Tanging iyak ko, pero patuloy ko paring naririnig ang boses niya.Sinubukan kong sumigaw ng tulong pero biglang sumirit ang dugo sa lalamunan ko. Anong gagawin ko? Ang kanyang boses ay patuloy lang na nag eecho na parang nasa isa kaming kulob na lugar.
"Eleanor! Hindi ka dapat mabuhay!"
Eleanor! Hindi ka dapat mabuhay!"
Eleanor! Hindi ka dapat mabuhay!"
Tama na! Parang awa mo na! I cried. Ano bang kasalanan ko sayo? At sino si Eleanor?!
"You need to die to make him mine!"
"You need to die to make him mine!" bawat bigkas niya at echo sa tainga ko ay naghahatid ng sakit saking ulo. Bigla pa siyang tumawa na parang isang hibang na mas nagdulot sakin ng takot.Tama na!
"Tama na! Tama na! Wala akong kasalanan sayo!"
"Wala? Wala! Walaa ha? Hahahaha"
"Hindi ka na dapat mabuhay!"
Napahawak ulit ako sa tainga ko ng mag echo nanaman ang boses niya sa loob ng ulo ko. Tama na!"DIE"
——————————————————
DISCLAIMER:
The names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2022.WARNING:
This story may contain violence and inappropriate words which are not suitable for the young readers. No part of this story may be reproduced,or transmitted in any form or by any means without the Author's approval.MayariHhermione
BINABASA MO ANG
Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033
FantasyWhat if you suddenly wake up and find yourself in the future? Are you gonna stay? 'cause everything there is settled. Or... Find your way home from your present life?