EVREN.I laughed as I stared at the van near the convenience store . I thought it was my dad's van, but it wasn't. I even left Liyen, whose lips are definitely getting longer while walking.
I just laughed as I saw her face in my mind.
Damn! I really can't resist thinking about her every single day. Sounds corny, but that's the truth. I know Liyen only thinks of me as a friend, and I am also to her. She's like a younger sister on me.
Ano akala niyo gusto ko siya? Hindi ah.
Babalikan ko na lang ulit yung babaeng yon baka kung madapa pa habang pababa ng burol, clumsy pa naman yong madalas.
"Hoy! Nasan ang manugang ko? Bakit ikaw lang mag-isa?"
I halted my feet and turn my gaze to the woman in front of me.Judging by her clothes and by her skin, mahahalata mo talaga ang karangyaan. Ngunit habang nakatingin sa akin ay para na akong kakainin.
"Hoy, Evren! Nasan ang manugang ko?"
Ngumiwi na lang ako sa kanya ng bigla niya kong hampasin ng pamaypay na hawak niya. Ang brutal niya talaga kahit kailan."Iniwan-
"Ano? Paki paliwanag kung bakit mo iniwan yung manugang ko?"
"I thought-
"Wala akong pakialam. Hala at balikan mo yun, nako talaga kapag may nangyare kay Liyen kalimutan mo nang nanay mo ako."
Wala namang mangyayari don. Ang OA niya talaga.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Minsan ang gulo talaga ng utak ng mga babae, hindi mo malaman kung ano ba talagang trip sa buhay, kanina pinagpapaliwanag niya ako, tas ngayon hindi na daw kailangan.
I heard a soft laugh comming from the back of my mom. It was Liyen's mom. Compared kay mom, simple lang ang suot ni tita at walang kolorete sa mukha, di katulad nitong nanay ko na 'di maka-alis ng bahay nang walang make-up. Ngumiti ako kay tita at lumapit sa kanya.
"Tita Yena, mano po!"
"Balae, parang pinapabayaan na ng manugang ko yung anak ko." she chuckled. Naalala ko tuloy sa kanya si Liyen. Parehong pareho kasi sila ng ngiti. Ngumiti ako ng pilit habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Kaya kami napagkamamalang mag jowa ni Liyen eh. Dahil sa kanilang dalawa.
"Pasensiya ka na balae, hayaan mo at papaluin ko yan pag-uwi"
"Mom!"
pareho silang tumawa habang nakatingin sa akin."Nako balae hindi naman ba nakakahiyang ang isang binata ay pinapalo pa?"
Pulang-pula na yung mukha ko dahil sa hiya sa nanay ni Liyen. Si mom kasi kung ano-anong sinasabi."Si-sige po babalikan ko po muna si Liyen, mom and tita."
hahampasin sana ulit ako ni mom nang umatras ako palayo. Para siyang si Liyen, palagi na lang nakahampas."Bilisan mo!"
"Opoo!"
Bago pa ako umalis ay narinig ko ang pagtawa ni tita. Ganyan sila lagi, at wala akong palag. Sila talaga ang unang dahilan kung bakit napagkakamalan kaming mag jowa ni Liyen. Kaya kapag may nagtanong samin kung kami ba, walang naniniwala kasi etong mga nanay namin ganyan ang tawagan.
Tinatahak ko na ang daan pabalik ng burol, habang nakatingin sa mga punong naglalakihan ay biglang umihip ang malamig na hangin. Napahinto ako ng bahagya at patakbong umakyat ng burol.
Damn!
Ngayon ko lang narealize na wala akong nakasalubong na Liyen sa daan. Dapat masasalubong ko na siya sa kakahuyan pababa, pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Imposibleng may mabangis na hayop dito kasi sa bungad lang ang may malalagong damo pero pag nakapasok kana ay puro carabao grass na.
BINABASA MO ANG
Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033
FantasyWhat if you suddenly wake up and find yourself in the future? Are you gonna stay? 'cause everything there is settled. Or... Find your way home from your present life?