CHAPTER 6

47 7 0
                                    


Liyen.

Walang mapagsidlan ang pagtatakha ko kay Leimi ng dahil sa mga tinuran niya. Hindi ko kasi malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o nakadrugs lang talaga tong pinsan kong to.

"Wala ka ba talagang maalala?" Ulit niya sa tanong niya habang nanliliit yung mata. Naiiling ko siyang tinignan habang nagpipigil ng tawa sa utak ko. Seryosong seryoso ang lola niyo habang nakatingin sa akin na para bang may sampu akong ulo.

Pfft! Ang epic talaga ng mukha niya.

"Wala nga!" kunware ay naiinis ko na sagot habang pinipigilan ko yung sarili kong matawa. Jusko kasing babae to, akala ko ako lang yung nananaginip ng mga weird na bagay, siya rin pala tapos ang malala pa niyan, sa umaga siya nananaginip.

Napasulyap ulit ako sa kanya ng hindi pa niya inaalis yung tingin niya sakin. Ano kayang trip ng babaeng to? Kung ano-ano kasing naiimagine eh.

"Ano na mahal kong pinsan? Wala ka bang gagawin na iba kundi ang asarin ako?"

"Wala ka talagang naaalala? Kahit yung pag iyak mo habang hinahanap mo yung Ace at Liyan?"
Ha-huh? Napakurap ako ng ilang beses ng mabangit niya yung pangalan na yon. Para bang ang mga pangalan na yon ay sobrang konektado sakin at nagbigay ng kirot sa puso ko. Hindi yung kirot na nasaktan ako, kundi yung kirot sa puso na parang sobra akong nananabik na makita sila at makasama.

" Who-who's Ace and Liyan?" I stutter. Tinitigan naman niya ako at dire-diretsong nagsalita.

"Your husband and Son."

Hindi ko alam! Bakit ganto? Hu-husband and son?! Pakiramdam ko ay may kung ano sa sinabi niya. Hindi ko lang malaman kung ano yon, pero parang sobrang lakas ng impact non sakin. Hindi ko na lang pinahalata kay Lei at tinago yon sa pamamagitan ng pag-tawa.

Husband and son? Ha! Tsk! Tsk!

"A-anong sinasabi mo?" Natatawa kong tanong sa kanya, siya naman ay nakakunot yung noo sakin.

"17 pa lang ako, paano akong magkakaroon ng asawa at anak?" Dagdag ko pa. Naiiling na lang akong tumingin sa kanya.
"Huwag mo nga akong pagtripan!" Iritado ko pang dagdag. Pero tumawa rin ako pqra pagtakpan ang tension sa boses ko.

Seriously? A 17 year old me having a husband and son. Ehh halos takot nga kong pumasok ng relationship dahil ayaw ko sa responsibilities at mabilis akong magsawa.

"Pe-pero totoo yung sinasabi k-
I cut her word and shrugged my shoulder.

"Lei. Umamin ka nga!" seryoso kong sabi sa kanya. I saw how her confused look vanished, and stared at me with her nervous look.

Malala na talaga siya.

"Na-na ano?"

"Nag da-drugs ka ba?" Pinansingkitan ko siya ng mata. Bigla naman siyang tumawa at hinampas ako sa balikat. Napaawang yung bibig ko habang nakatingin sa weirdo kong pinsan. Dala na siguro yan ng panonood niya ng horror movies.

"Siraulo!" she grimaced and sat on the couch. She open the tv at nag-umpisa nanamang manood ng horror movies.

"Yan!! kaya madalas lumaki ang bill namin sa koryente eh." tinignan lang niya ako ng inosente pagkatapos ay ibinalik sa pinapanood niya yung attention niya.

Adik! Nakangiwi akong nagtungo sa kitchen and cooked her. Her food.

Napakagaling kasi niyan ehh, pagkain na lang niyang napakadaling iluto, hindi pa niya alam kung papano ba maluluto. Nailing na lang ulit ako ng maalala ko yung unang beses na diko siya nilutuan ng popcorn niya. Hindi ko maiwasang mapabulalas ng tawa, when it flashback in my mind.

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon